Nababanas na ginulo ko ang aking buhok at lumabas ng aming room. Bakit kasi hindi ako makatulog tuwing madaling araw. Ayan tuloy kulang ako sa tulog.
Napasilip ako sa field nang may makitang maraming taong nagkukumpulan doon.
Bakante kami ngayon dahil wala kaming klase sa una at pangalawa. Kaya kaunti lang ang nandirito sa loob. Si Jewils ang kasama ko dito sa room na nagbabasa ng libro malapit sa bintana. Sina Crystal kasi ay hinila ang iba kanina at pumunta sa cafeteria dahil nagugutom daw ito.
Nakita ko sa gilid ng aking mata na lumabas si Jewils at tiningnan din ang tinitingan ko. Naglakad ito papuntang elevator kaya't sumunod din ako rito.
Pagkarating sa field ay nakita ko na nandoon na sina Crystal, nang makita nila ako ay tumingin sila sa akin at may pag-aalala ang kanilang mga mata. Nagtaka naman ako doon kaya nakipagsiksikan ako sa mga tao para lamang makita ang dahilan kong bakit sila naririto.
Pagkatapos makatanggap ng ilang beses na apak nila at tulak ay sa wakas nakarating ako sa harap. Napansin kong nandito din pala sina Headmaster at iba pang mga guro.
Nang tiningnan ko ang tinitingan nila ay natutop ko ang aking bibig sa aking nakita. Nanghina ang aking tuhod at namutla, pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Dali-daling lumapit sa'kin sina Amelie at inalalayan ako patayo upang hindi kami mahalata.
Sa harap ko ay nakalutang ang isang lalaking anghel na walang pang-itaas na damit. Duguan ito at bali ang dalawang pakpak sa likod. May nakatarak na punyal sa likod nito kung saan kinuha ang dalawang niyang pakpak at preskong dumadaloy ang dugo nito papunta sa damo ng field.
Nakita kong lumabas ang pangil ni Crystal dahil doon. Agad itong lumayo sa amin. Nakita ko din si Kiann sa bandang gilid na hinahawakan ni Zeke ng mahigpit sa braso. Pulang-pula ang mga mata nito na nakatingin sa dugo. Nabitawan nila ito dahil bigla na lamang siyang tumakbo patungong gubat.
Bampira din pala siya.
Napabaling muli ang aking tingin sa anghel at napansing may nakasabit sa kaniyang leeg na parang kahoy at nakasulat rito ang salitang, "I will gonna find you, my Angel", nakasulat ito sa dugo na marahil ay galing sa lalaking anghel.
Nakaramdam ako ng kaba sa mga salitang iyon. Parang pinapahiwatig nito na ako ang kaniyang hahanapin. Pero imposible.
Wala kaming pinagsabihan kong ano ang tunay naming lahi at isa pa hindi lang naman ako ang anghel dito. Anghel din si Nathan.
Napabaling ulit ang aking tingin sa gawi nila. Hinanap ko ito at nakitang nakaluhod ito at nanghihinang nakatingin sa harap.
Hindi nagtagal ang tingin ko sa kaniya dahil biglang nagsalita si Headmaster Tyron. "All of you to the private room now." Madiing sabi nito. Bakas ang galit sa kaniyang mata habang binibigkas ang mga salita.
Sa private room sinasabi ang mga importanteng anunsiyo tungkol dito sa academy. Matatagpuan ito sa likorang bahagi ng cafeteria.
Mabilis na nagtungo ang mga estudyante papuntang private room habang ako ay nakatingin pa rin sa harap. Naaawa ako sa kaniya, gusto ko siyang ipaghigante, nagagalit ako sa gumawa sa kaniya nito.
Hindi dapat pinapatay ang lahi namin. Hindi dapat pinapatay ang kahit ano mang lahi. Wala na bang karapatan ang isang taong mamuhay kaya't pinapatay at tapos pababayaan na lamang nila ito, kong ganoon mga demonyo sila. Mga walang awa.
Pangako ipaghihigante kita sa kong sino man ang may gawa nito.
Hinawakan ni Hezra ang kamay kong nakakuyom. Tiningnan niya ako nang may pag-aalala at pinunasan ang aking pisngi. Napahawak ako doon, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Angel
Fantasía|FANGIC ACADEMY SERIES #1| Isang puting anghel na namulat sa pamamalakad ng mga tao, hindi niya alam kong bakit nasa mortal world sila basta ang alam niya ay hindi niya kauri ang mga taong ito at hindi siya dito na babagay. Meron siyang mga kaibigan...