KINABUKASAN ay maaga akong umalis sa apart na inuupahan ko. Nagaabang ako nang dyip sa kanto, 6am ako umalis dahil alam kong ilang minuto na naman ako magaabang ng dyip. Mayat-maya ang tingin ko sa relos ko pero wala paring masasakyan, napagpasyahan kong maglakad nalang.
Wala pang ilang minuto akong naglalakad ng may tumigil na puting pajero sa harapan ko at saka bumukas ang bintana nun.
" Good morning Kayleigh." nakangiting bungad ni Mavelyn nasa front seat siya. " Sumabay kana sa amin." pinagbuksan niya ako ng pintuan at napatigil ako ng makita ang isang lalaking nakaupo dun. Nakapikit ang kanyang mga mata at nakasuot ng headphone.
" O-Okay lang ba? " nahihiya kong tanong sa kanya tumango naman si Mavelyn sa akin.
" Oo naman at saka huwag mo siyang pansinin his nothing." pilit akong ngumiti sa kanya at tumabi sa lalaking natutulog.
Tahimik sa loob ng sasakyan busy sa pagce-cellphone si Mavelyn kaya naman mas nailang ako sa atmosphere. Kukuhanin ko sana ang cellphone ko sa pocket ng skirt ko ng biglang tumama ang aking elbow sa mukha nang katabi ko.
" What the hell! Patayin mo nalang kaya ako!! " napatigil ang sasakyan sa tabing kalsada. Ang lakas ng tibok nang puso ko dahil sa sobrang kaba, inalis niya ang kanyang headphone at saka humarap sa akin.
" P-Patayin kaagad..sorry hindi ko sinasadya. " hinging pasensya sa kanya sana itulak niya ako palabas ng sasakyan para hindi ko siya makita ko.
" What the hell Hunter ang ingay mo natalo tuloy ako!? " galit na sigaw ni Mavelyn sa lalaki. " Okay kalang ba Kayleigh sinaktan ka ba niya? " napalunok ako dahil sa tanong niya.
" Are you dumb. I'm the one who hurts you should ask m--"
" Shut up I'm not asking you." napayuko nalang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Nang makarating sa campus ay nagpaalam na ako kay Mavelyn at saka humingi ng sorry sa lalaki. Kulang nalang ay lumipad ako para lang makaalis dun dahil sa sobrang hiya.
NABALITAAN ko na na-suspended nang tatlong araw si Chloe bukod dun ay ang public apology niya. Hindi ko alam kung paano umabot sa Dean ang nangyare kahapon, napatingin ako sa labas ng bintana. Mula sa labas ng classroom ay nakita ko ang grupo ng mga cheerleaders, at mga gymnastics nag-practice na sila para sa nalalapit na Sports Fest.
" That's all for todays students don't forget to review for the final exam. Ms. Alcantara we need to talk before you leave." tumango ako kay Mrs. Castro nagsilabasan na ang iba kong classmates at kami nalang ang naiwan sa classroom.
".. This is about what happened in cafeteria between you and Chloe. Isa sa class 3-D ang nagpa-suspend sa kanya at isa iyon sa mga Sullivan. Isa si Chloe sa nagt-tutor sa mga Sullivan pero dahil nga suspended siya at napagpasyahan kong ikaw na muna ang pumalit sa kanya.. " Sullivan? Mavelyn.. Sulliva..n napahawak ako sa bibig ko ng makilala kung sino ay nagpa-suspend kay Chloe.
" Sino po bang i-tutor ko? " tanong ko kay Mrs. Castro.
" Sina Hunter Jameson, Wyatt Michael, Wade Raphael, Trent Joseph at si Mavelyn Sullivan. In short the Sullivan's Siblings."
Andito ako ngayon sa library at nagbabasa ng science books. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman kaagad kong kinuha.
- 09671777802 -
Kayleigh it's me Mavelyn can you meet me in rooftop. Mrs. Castro told me that you will our tutor.
Mavelyn Sullivan? Paano naman niya nalaman ang number ko, bukod kay mama ay wala na akong alam na pinagbigyan ng cellphone number ko? Matapos kong basahin ang libro ay ibinalik kona iyon sa shelves at saka nagpaalam kay Ms. Liya.
Umakyat ako sa rooftop ng science department may ilang estudyante akong nakakasalubong. Binuksan ko ang pintuan at...bumungad sa akin si Mavelyn na nakaupo sa swing. May pitong mga lalaki at isa sa kanila ang pamilyar.
" Kayleigh! " tumakbo papalapit sa akin si Mavelyn at hinila ako papalapit sa direksyon nila. " Guys this Kayleigh my freinds." napayuko nalang ako dahil sa hiya.
" New freinds? Seriously Mave pang-ilan na ba siya na ipinakilalang kaibigan." napatingin ako sa nagsalitang lalaki nakasuot siya ng white polo at may lollipop sa bibig.
" Shut up Trent. Well Kayleigh is not that kind of person who will betrayed me. Right? " wala sa sariling napatango ako kay Mavelyn.
" She's the campus nerd aren't she. I'm Trent Joseph." pakilala niya. Dumako naman ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa bench at nakasuot ng headphone.
" So Kayleigh this Trent, Wade, Wyatt and Hunter they're all my brothers. And guy's she will be our tutor for a months. " excited na sabi ni Mavelyn.
" What about Chloe." tanong naman ng isang lalaki na nakasuot nang plain shirt at cardigan pants.
" A-Ano Mavelyn siguro bukas nalang ako magsisimula meron din kasi kaming meeting." malungkot na tumango si Mavelyn.
Bumaba na ako sa rooftop wala talaga kaming meeting gusto ko lang umalis dun dahil lahat sila ay napaseryoso nang mga mukha. Sullivan's siblings.
YOU ARE READING
Reason For Falling Inlove
RomanceSullivan Legacy #1 Kayleigh Grace Alcantara known as the ' Campus Nerd ' she is one of the highest honored student in Benson International School. For Kayleigh, his life was perfect ' no toxic people's and freinds. Until Hunter Sullivan came to his...