KINAKABAHAN ako habang naglalakad papunta sa bulletin board na nasa ikalawang-palapag ng main building. Namamawis ang mga palad ko dahil sa kaba, nasa hagdanan palang ako ay dinig kona ang bulung-bulungan. Una kong napansin si Neon na nakatitig sa bulletin board ng lumapit ako ay dun lang siya lumingon at tinapunan ako nang masamang tingin. Twenty-five students ang candidates ng election pero isa lang ang mananalo at magiging school president.
Neon Jay Angeles......... 347 votes
Kayleigh Grace Alcantara...... 826 votes
Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko, ganong karami ang mga bumoto sa akin. Napalingon ako sa mga estudyanteng nagbubulungan sa hallway siguro ay hindi nila ako kilala dahil palagi lang akong nasa library.
" Narinig nyo na ba ang balita hindi na si Neon Angeles ng class 1-B ang school president. Ang alam ko ay si Kayleigh Grace Alcantara na."
" OMG you mean yung campus nerd this few days hindi ko siya nakikita sa corridor."
Napabuntong hininga ako at saka naglakad pababa ng second floor. Hindi ko akalain na aabot ako na magiging school president inilabas ko ang cellphone ko para tawagan sana si Mavelyn pero agad akong napatigil ng marinig ko ang nagsalita sa likuran ko.
" Congrats Kayleigh hindi ko akalain na kahit ganyan ang itsura mo ay maraming boboto sayo." panunuya sakin ni Neon. " Lubuslubusin mona ang pagiging president Kayleigh dahil sigurado naman ako na hindi ka magtatagal sa posisyon mo." nakangisi niyang sabi at tinabig pa ang balikat ko.
Hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang galit sakin ni Neon. Patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may nakabunggo ako, dahan-dahan ako napatingin sa kanya.
" Kayleigh congrats for winning the elections." nagkapkurap-kurap ako sa sinabi ni Wyatt. Sa magkakapatid na Sullivan si Wyatt ang may nakakatakot na aura hindi siya palangiti at palagi lang nagbabasa ng libro.
Walang lingon siyang naglakad papalayo sa akin. Bumalik na ako sa classroom wala pa ang lecturer namin kami kaya naman inilabas ko ang algebraic books ko at saka nagsimulang basahin ang bawat pahina. Sa university na ito ay walang nakakakilala sa akin bukod sa grupo ni Chloe na walang araw na hindi ako binubully. Para akong invincible sa mga classmate ko at tanging si Neon lang ang nakakakita sa akin.
Nang tumunog ang bell ay kanya-kanyang upo sa kani-kanilang seat ang mga classmate ko.
" Before we leave this classroom. I want to say congratulations Kayleigh for winning the elections." napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Castro lumingon naman sa akin ang mga classmate ko ang iba ay ngumiti pero ang iba naman ay ngumiwi lang sa akin na para bang sinasabi na hindi ko deserve maging school president.
" T-Thank you ma'am. " halos pabulong kong sagot ng matapos ang klase naman ay nagpunta muna ako sa cafeteria.
Bukas ang pagt-tutor ko sa mga Sullivan pero nakakapagtaka dahil kahapon pa akong hindi tinatawagan ni Mavelyn. Naghanap ako ng bakanteng table saka umorder ng students meal. Advance ang Benson International School sa technology, hindi tumatanggap ng cash ang cafeteria tanging card lang ang pupwede.
" OMG ang Sullivan brothers! Hunter please marry me! "
" Baby Trent! "
" Wade I love you! Be mine boyfriend plese!!! "
" Hell its Wyatt Sullivan!? They're walking towards that ugly nerds table. That ugly sl*t."
Napatulala ako habang pinapakinggan ang sigawan ng mga babae sa cafeteria. Hindi maiitangging popular ang magkakapatid na Sullivan dahil pare-pareho silang may natatanging kagwapuhan at maganda din si Mavelyn. Si Wyatt ang pinakatahimik sa kanila kaya ang tawag sa kanya ay dark-serious aura. Si Trent naman ang pinakamakulit at womanizer ang tawag sa kanya ng mga babaeng niloko niya. Si Wade naman ay ang Mr. Charming close siya sa lahat dahil palangiti siya sa lahat kaya naman kahit mga gangster sa labas ng campus ay kinaibigan niya, and lastly Hunter Jameson Sullivan the genius one isa siya sa top list ng school kaya hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa silang i-tutor.
" Can we sit here." napalunok ako habang nakatingin sa magkakapatid na nasa harapan ko. Tumango ako bilang sagot nang lumingon ako ay napansin ko ang sama ng tingin ng mga kababaihan siguro kung may patalim lang ang kanilang mga mata ay kanina pa akong nakahandusay dito.
" P-Pwede ko bang itanong kung nasasaan si Mavelyn? " nahihiya kong tanong sa kanila. Ngumiti sa akin si Wade kaya naman lumabas ang magkabila niyang dimples.
" She's on way here." sagot ni Wade kaya naman nagpasalamat ako sa kanya. " I'll go order. How about you Kayleigh what do you want to eat for lunch? "
" Katatapos ko lang mag-lunch salamat nalang." nahihiya kong sagot tumango naman siya at saka naglakad papunta sa counter. Panay ang ngiti niya sa mga estudyante kaya naman hindi mapakali ang mga kababaihan.
" Did you go to a salon? You're hair has changed? " tanong sa akin ni Trent." brown hair is not fit on you, maybe you should try pink hair colored." p-pink?
" Haha..ano kasi si Mavelyn kasi ang pumili ng brown color." pilit na tawa kong sagot sa kanya. Napatingin ako kay Hunter nakasuot siya ng headphone at saglit pa ay tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa.
" Whats your name again? " nagpakurap-kurap ako habang nakatingin sa kanya. Ilang beses na ba niyang itinanong ang pangalan ko?
" H-Huh? "
" She's Kayleigh Grace Alcantara. And we heard that you're the newest School President? " si Wade ang sumagot kay Hunter at saka tumingin sa akin.
" Really that's cool. Well congrats Kayleigh you reached the best in your life." ngumiti ako kay Trent mayamaya pa ay napatigil kami sa pagku-kwentuhan ng lumapit sa amin si Neon.
" Kayleigh can we talked," taka akong tumingin kay Neon. " Impotante lang kaya pwede magusap, gusto ko yung tayong dalawa lang. " napatingin ako sa kanya ng may pagtataka tatayo na sana ako nang biglang magsalita si Hunter.
" Stay." biglang sabi ni Hunter kaya naman napatingin kami sa kanya naririnig niya kahit nakasuot siya ng headphone." She won't go with you. If you want to say something, say in front of us." naguguluhan akong habang nakatingin kay hunter nakapikit siya habang nakasandal sa upuan.
" I'm sorry Mr. Sullivan but what I have to tell him is too important that you don't need to be heard. " sagot naman ni Neon namumula na ang kanyang mga teynga.
" Okay lang baka kasi importante ang sasabihin nya maiwan ko muna kayo dito." isinugbit kona ang bag ko at saka binitbit ang tatlong libro saka sumunod kay Neon.
Authors Note
Hunter Jameson ' ginalaw na ang baso' Sullivan.
YOU ARE READING
Reason For Falling Inlove
RomanceSullivan Legacy #1 Kayleigh Grace Alcantara known as the ' Campus Nerd ' she is one of the highest honored student in Benson International School. For Kayleigh, his life was perfect ' no toxic people's and freinds. Until Hunter Sullivan came to his...