WEEKEND ngayon at napagpasyahan kong maglinis nang apartment. Hindi naman kalakihan ang napili kong kwarto pero okay na dahil nagiisa naman ako. Pagkatapos maglinis ay nagluto naman ako nang almusal, tubong Batangas ako pero napilitan akong pumunta dito sa Manila ng makatanggap ako ng scholarship.
Lumaki ako sa piling nang aking Ina bata palang ako ng maghiwalay ang mga magulang ko. Meron akong dalawang kapatid at sina Kyrine at Kyro iyon. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.
( Hey Kayleigh. I'm going to a Mall do you want to come with me )
" Gusto ko sana kaya lang magre-review pa kas--"
( Don't worry hindi naman tayo magtatagal siguro twenty minutes lang.)
" Okay sige" nang maputol ang paguusap namin ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Hindi ako sanay magsuot ng magagarang damit at saka hindi din ako fashionista dahil sa ukay-ukay lang ako bumibili ng mga damit.
NANG makarating sa Mall ay kaagad kong hinanap si Mavelyn. Ilang saglit pa ay nakita ko siya na kakababa lang nang sasakyan, kumaway siya sa akin pero kaagad ding napatigil ng makita ako. Nakasuot siya nang magandang dress at bagay na bagay sa kanya siguro ay pwede siyang maging model after graduation.
" A-Anong problema? " nagtataka kong tanong sa kanya hindi naman siya sumagot sa halip ay hinila niya ako papasok ng mall.
" I think you need a makeover Kayleigh. Don't worry its my treat, let's go." hinila niya ako papasok sa isang vintage boutique namilog ang mga mata ko ng makita ang maga-gandang damit at maga-ganda din ang presyo dahil 23k lang naman ang isang damit.
" H-Hindi na kailangang Mavelyn okay lang naman ako. " nahihiya kong sabi sa kanya baka kung ano pang isipin ng mga kapatid niya sa akin.
" Can you assist my best friend. Don't worry you won't pay for this, it's my treat." wala na akong nagawa nung ipagtulakan niya ako isinama ako ng isang babae kung may naka display na magagandang mga dress.
Kung ano-anong dress ang ipinasukat sa akin nang staff ng boutique pero lahat iyon ay hindi ko gusto o siguro wala lang akong taste sa fashion. Red waffle cami dress ang ipinakita sa akin nang babae, maganda siya pero masyadong magikli.
" M-Meron bang mas mahaba pa diyan miss? Masyado kasing maikli yan para sa akin." mahinang natawa ang babae.
" Ma'am wala na pong ibang size ang dress na ito. Bakit po hindi nyo sukatin sigurado naman ako na bagay ito sa inyo." sabi niya at saka iniabot ang dress wala na akong nagawa kundi ang sukatin iyon.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin masyadong maikli sa akin pero bagay naman. Naiilang ako na naka sleeves lang hindi kasi ako maputi kayumanggi ang skin type ko. Nang lumabas ako ng fitting room ay nandun na si Mavelyn at hangang-hanga na nakatingin sa akin.
" O M G you're so gorgeous Kayleigh. You don't need to hide you shoulder, be confident." napayuko ako ng marinig kong magkano ang isang dress [56k]
" Salamat Mavelyn huwag kang mag-alala kapag nagkaroon ako nang pera ay mababayaran kita." mahina siyang natawa dahil sa sinabi ko. Nakakatawa ba ang sinabi ko?
" Like what I said it's my treat you don't need to pay me back. Just stay by my side it's okay. " hindi ko alam kung may trauma sa kaibigan si Mavelyn.
Sunod naman naming pinuntahan ay parlor. Nakaupo sa waiting area si Mavelyn habang may binabasang fashion book, nakaupo naman ako sa harap ng isang salamin at may babaeng nagsusuklay sa buhok ko.
" Kailan ka huling nagsuklay nang buhok mo miss." tanong ng babae at hirap na hirap na suklayin ang buhaghag kong buhok.
Kung ano-anong inilalagay niya sa buhok pero hinayaan ko nalang siya. Mayat-maya din niyang ginagamitan ng hair straightener ang buhok ko, hinayaan niyang may nakapulupot na tela sa buhok ko.
" Grabe naman ang kilay mo parang ilang taong hindi naahitan dahil sobrang kapal." hindi kasi ako marunong magayos ng sarili minsan sinubukan kong gumamit ng makeup ang ending nagmukha akong clown. Pinagtawanan ako ng mga estudyanteng nakakakita sa akin at iyon ang gusto kong kalimutan.
May itinurok siya sa akin at unti-unting nanlabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa akin pero pakiramdam ko ay malaking kaginhawaan.
Suot ni Kayleigh Grace
Suot ni Mavelyn
*photos not mine*
YOU ARE READING
Reason For Falling Inlove
RomanceSullivan Legacy #1 Kayleigh Grace Alcantara known as the ' Campus Nerd ' she is one of the highest honored student in Benson International School. For Kayleigh, his life was perfect ' no toxic people's and freinds. Until Hunter Sullivan came to his...