Chapter 3

2 0 0
                                    

" WHAT is PEDMAS. Alcantara what is PEDMAS? " tumayo ako mula sa pagkakaupo at saka sumagot.











" PEDMAS - terms is used mainly in the US but in India and UK, we call it  as BOBMAS. But there is no difference between them. The order pf operation bracket, orders, additions, multiplication, and division is the same for both the rule." tumango-tango si sir Gomez.











" Give me five most puzzling math problems,  Angeles. " tumingin ako sa tabihan ko kaagad namang tumayo si Neon para sumagot. Si Neon ang class president namin.












" Reimann hypothesis, Birch and Swinnerton - dyer conjecture, Hodge conjecture, P vs NP problems, Navier  - stokes equations. " nagpalakpakan kaming lahat at ganon din si sir Gomez.











" Congrats Neon and Kayleigh hindi na ako magtataka na kayong dalawa lang ang valedictorian sa graduation nyo. " sabi ni sir Gomez habang nakatingin sa iba naming kaklase.











NANG matapos ang klase namin sa math ay dumaritso naman ako sa library. Naghahanap ako ng libro ng may tumikhim mula sa likuran ko kaya naman kaagad akong lumingo..nagtaka ako ng makita si Neon.











" Kaya pala palagi kang perfect sa bawat exams natin dahil pumupunta ka dito sa library after class." sabi niya habang may hawak ng science books.











" May kailangan ka'ba? " nagaalangan kong tanong sa kanya hindi kami close ni Neon siguro dahil magka-kumpitensya kami sa academics namin.











" I've work so hard to become a school president. Siguro naman hindi mo pinapangarap na maging school president sa elections. " panunuya niya at saka matiim na nakatitig sa hawak na libro. Gusto ko ding maging school president pero nakapende iyon sa students votes. Magaling sa campaign si Neon dahil kuha niya ang tiwala ng mga estudyante, pero ako ewan ko lang kung may bumoto sa akin sa elections.










" Wala akong balak maging school president okay na ako sa class officers.." sagot ko sa kanya at saka naunang lumabas ng library. May bitbit akong anim na libro at paakyat na ako ngayon sa rooftop.










Nang makarating sa rooftop ay si Mavelyn lang ang nakita ko kaagad akong lumapit sa kanya pero kaagad akong nagsisisi dahil timing na naghahalikan sila ng boyfriend niya. Hindi ko kaagad napansin dahil nakatalikod sila.










" Gosh! Sorry nakita mo, magkita nalang tayo after class." umalis na ang lalaking kahalikan niya saka naman ako naupo sa bench.










" N-Nasaan ang mga kapatid mo? Hindi ba sila maga---" napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pintuan ng rooftop at isa-isang nagsipasok ang mga kapatid ni Mavelyn.










" Did you guys bring foods for us? Where's mine Trent? " inihagis ni Trent ang isang paper bag kay Mavelyn mabuti nalang at nasalo niya iyon.









Hindi madaling turuan ang magkakaptid dahil may kani-kanila silang dahilan kapag nagkakamali. Inayos ko ang salamin ko at saka nagsagot ng equations sa isang yellow paper at sinagutan lahat iyon.










" Ang talino mo pala ikaw nalang kaya ang umattend sa exam namin next week. Don't worry I'll pay.." sabi ni Trent at saka inilabas ang kanyang wallet.










" A-Ano hindi kasi pwede ang ganon. Saka may competition akong pupuntahan next w-week." nahihiya kong sagot sa kanya tumango-tango naman siya sa akin.










" Competition? OMG pwede ba kaming manood." tumango ako kay Mavelyn mahigpit na nakakapit sa braso.









" What kind of competition?  " tanong ng isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay siya si Wyatt member ng soccer teams.










" Ahm..mathematics competition at after nun ay school elections." sagot ko sa kanila tumango naman sila sa akin. Sa katunayan ay kinakabahan ako sa darating na elections.










" Ibig bang sabihin kasali ka sa school president candidates. I'm sure ikaw na ang mananalo, " masayang sabi ni Mavelyn napayuko nalang ako.











" Ahm..impossibleng mapasama ako sa last two candidates dahil wala naman siguradong boboto sa akin para maging school president. " halos pabulong kong sagot sa kanila.










Anim oras ang iginugol ko sa pagtuturo sa kanila pero nagtataka ako kung bakit hindi nagpapakita ang isa pang Sullivan?

Reason For Falling InloveWhere stories live. Discover now