HINDI naging maganda ang paguusap namin ni Neon, inamin niya sa akin na hindi natanggap ng kanyang mga magulang na natalo siya sa presidential campaign. Nakahiga na ako sa kama katatapos ko lang mag review tumunog ang cellphone ko kaya kaagad kong sinagot ang tawag.
" Hello mama mabuti po a--" hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang hikbi na mama mula sa kabilang linya.
( Si Katherine inatake na naman nang kanyang sakit, hindi ko na alam ang gagawin ko)
Napatayo ako dahil sa sinabi ni mama sa kabilang linya. " Anong ibig nyong sabihin? Akala ko ba magiging ayos si Kath kapg naging tuloy-tuloy ang paginom niya ng gamot." naguguluhan kong tanong kay mama.
( Kinakailangang maoperahan siya dahil malala na ang sakit niya. Hindi kona alam ang gagawin ko.)
" Huwag kayong mag-alala mama gagawa po ako nang paraan para makapagpadala ng pera. " pinutol ko muna ang usapan namin at kaagad tinawagan ang mga kamag-anak namin na nandito sa Manila.
( Naku pasensya kana Grace gustuhin ko man kayong tulungan pero talagang gipit din kami ngayon. Pasensya na talaga)
Nang putulin niya ang usapan namin ay napaupo ako sa maliit na sofa at saka napahagulgol. Muling tumunog ang cellphone at sa pagkakataon na ito ay si Mavelyn na ang tumatawag, pinunasan ko ang luha ko at saka sinagot ang tawag.
( Hello best friend congrats for winning the election. I'm so proud of you, sorry kung hindi kita natatawagan this past few days. My parents and I are in a business trip maybe next week I will be there and back to school)
" A-Ahm..ganon ba okay lang salamat din at tumawag ka." sagot ko pero saglit siyang hindi sumagot sa akin.
( Are you crying? What's wrong Kayleigh.)
Nagaalalang tanong sakin ni Mavelyn sa kabilang linya. " Nakakaiyak kasi ang drama na pinapanood ko. "pagdadahilan ko narinig ko naman ang mahina niyang tawa.
( Kung may kailangan huwag kang magdalawang-isip na humingi nang tulong sa akin.)
Nagpasalamat ako sa kanya at saka pinutol ang usapan namin, naka out-of-the-country siya kaya pala hindi ko siya nakikita sa campus. Inilabas ko ang laptop ko at saka naghanap nang job hiring sa social media, wala pang ilang minuto ng mamataan ko ang isang private post.
" Looking for a private tutor? Okay na siguro ito." kaagad kong idinial ang number na nakalagay sa post. Ilang saglit pa ay may sumagot sa kabilang linya. " Good evening sir are you still looking for a private tutor? I'm Kayleigh Grace Alcantara and I'm interested. "
( Kayleigh..)
" Yes sir."
( Hage Penthouse room 403. I badly need a tutor now so you can start tonight)
Nang matapos ang usapan namin ay kaagad akong naligo at nagbihis ng long skirt with lace and white shirts. Isinuot ko ang salamin ko at saka binitbit ang bag ko, 5pm palang kaya naman meron pa akong nasakyan na dyeep. Forty minutes ang naging byahe papunta sa Rizal Avenue kung nasasaan ang Hage Penthouse, ng makarating ako dun ay bumungad sa akin ang napakataas na building.
" Good evening room 403." tinitigan muna ako nang clerk mula ulo hanggang paa at saka nagsalita.
" Sigurado ka bang 403 ang room na hinahanap mo? Private visitor kasi ang nagmamayari nang room na iyon baka lang nagkakamali ka? " natawa siya saka ang ibang clerk na nakakarinig sa usapan namin.
" Oo naman sigurado ako." sagot ko sa kanya tinaasan ako ng kilay nang babaeng kausap ko at saka may idinial sa telepono na nasa counter.
" Tatawagan muna namin ang owner nang room 403. Mahirap na hindi pa naman mapapagkatiwalaan ang ganyang mukha. " muli silang nagtawanan napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.
".. Sheena pakihatid sa kanya room 403.." pinagdiinan pa niya ang huli niyang sinabi. Nakasakay na kami sa elevator pinindot ng babae ang 403 at nagsimula nang gumalaw ang elevator.
" Ikaw na ang pinakswerte dahil makakasama mo ang owner nang penthouse na ito. Saka imposible namang magustuhan ka ni sir, sa itsura mo palang alam ko na campus nerd at siguradong wala ka ding mga kaibigan." natatawa niyang sabi. Iyon ang dahilan kung bakit mas pinili kong mapag-isa ang toxic na kasi ng mga tao, napakaraming judgemental na tao at binabase nila ang lahat sa itsura.
Nang tumunog ang elevator ay lumabas na kaming dalawa naglakad lang kami at saka tumigil sa tapat nang isang pintuan at may nakalagay na room 403. Kumatok siya sa pintuan at saglit ay bumukas ang pintuan at iniluwa ang walang pang-itaas na lalaki.
" H-Hunter?
YOU ARE READING
Reason For Falling Inlove
RomanceSullivan Legacy #1 Kayleigh Grace Alcantara known as the ' Campus Nerd ' she is one of the highest honored student in Benson International School. For Kayleigh, his life was perfect ' no toxic people's and freinds. Until Hunter Sullivan came to his...