Simula. . .
-Skye.
"DOC! Doc! K-kumusta po ang anak ko?! A-ano na po ang kalagayan niya?!" hinihingal at humahagulgol na tanong ng isang ginang sa akin.
Pinagmasdan ko naman ito. Namamaga na ang kan'yang mga mata dahil siguro sa matinding pag-iyak, hindi na'rin maayos ang pagkaka-ipit ng kan'yang buhok. I think she's on his mid 50ths. Nakatunghay ito sa akin at basang-basa ko ang kalungkutan at pag-aalala sa kanyang luhaang mga mata. I felt a loud pang in my chest while looking at the lady.
"Sino po ang pasyenteng tinutukoy ninyo?" tanong ko matapos siyang alalayang maupo sa waiting area ng ospital.
Panay parin ang iyak niya at magang-maga na talaga ang magkabilang mga mata niya. Pasimple kong dinampot ang handkerchief sa bulsa ko at inilahad sa ginang para mai-punas niya sa kanyang mga luha na patuloy lang sa pag-agos.
Malugod niya naman na tinanggap ang panyo at nagpunas ng mga luha.
"'Y-yong anak ko doc, kumusta ang anak ko doc?!" naluluha parin niyang tanong.
Pasimple ko namang hinimas ang kan'yang likod. "Relax lang po muna kayo, hindi po nakakabuti na umiyak kasabay ng pag-aalala. Baka po mahimatay kayo. . . Sino nga po pala ang pasyente?" marahan kong tanong sa ginang.
Habang kaya ko ay kailangan ko talagang ipakita na hindi ako natataranta, kahit na harap-harapan ko pang nasisilayan ang mga matang puno ng kalungkutan at pag-aalala.
"G-Gino, Gino ang pangalan niya doc," puno ng pag-aalala na sagot ng ginang.
She is really concerned for her son. Ang swerte naman ng anak niya. . .
Ngumiti muna ako bago nagtanong. "Gino Banãs po ba?" marahan kong tanong.
Sunod-sunod naman itong tumango. Talagang natataranta siya, bahagya pang nanginginig ang kan'yang mga kamay, namumutla na'rin ito. Para mapanatag ng papaano ang ginang ay marahan kong inabot ang nanginginig niyang mga kamay, malamig na pawisan.
"Ayos lang po ang anak niyo, huwag na po kayong mag-alala. Naasikaso naman na po siya nang maihatid siya ng ambulance dito. Minor injuries lang po ang natamo niya, mga galos sa ibat-ibang parte ng katawan at kaunting pag-durugo. Naagapan naman po kaya hindi po delikado ang kalagayan niya, kailangan niya lang mag-stay ng ilang araw o linggo dito sa ospital, pahinga lang po at ang magpagaling ang kailangan niyang gawin. Don't worry misis, our doctors and nurses are taking care of your son," paliwanag ko.
Pasimple naman nitong hinawakan ang mga kamay kong nakalahad na sa kandongan niya. Mariin niya itong hinawakan na sapat lang para hindi ako masaktan. Nang marinig niya ang balita ko tungkol sa anak niya ay nakikita kong medyo naulinagan na ng kislap ang kan'yang mga mata.
"S-salamat po doc! Salamat. . . Salamat. . . H-hindi ko makakaya kapag pati ang anak ko ay mawala pa sa akin, kaya salamat doctora..." pagkatapos ay niyapos ako nito ng yakap.
Yakap ng isang Ina, nag-mamahal na isang Ina. Because of disparation I hugged her back. I missed this feeling, I can feel secured, guarded, and treasured.
"Ano ba ang iyong pangalan, doctora?" tanong nito nang kumalas na sa yakap.
"Skye, ang pangalan ko po ay Skye Fortnite," sagot ko sa tanong niya. "Kayo naman po, ano po ang pangalan niyo?"
"Lordes hija, napakaganda mo namang bata." hindi na nito mapigilang purihin ako.
Marahan naman akong natawa. "Nag-iisa niyo po bang anak si Gino?"
"Hindi, tatlo sila. . . Bunso ko si Gino at ang panganay ko naman babae, yung sinundan naman ni Gino ay babae din. Kaya salamat talaga hija, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kanina," humawak ito sa kamay kong nakakandong sa kandongan ko. "Alam mo, ikaw lang ang nag-iisang doctor na nag-papaluwag ng kaluoban, 'yong iba nga'y sasabihin lang ang resulta tapos aalis na, ang swerte naman ng mga magulang mo, may anak silang doctor at napakabuti pa ng kaluoban," nakangiting sambit nito.
BINABASA MO ANG
Tamed by the Heartless
Romance"You're mine, Skye. I would rather kill you than to let you go." -Arzius Guivella.