Chapter One

19 7 0
                                    

Encounter. . .

NAGLALAKAD na ngayon kami ni Jean dito sa loob ng bulwagan kung saan ginaganap ang piging. I can't stop looking at her! Back then, she's so brave.

Ang akala ko pa naman ay hihingi siya ng tawad sa lahat ng sinabi niya tungkol kay Ziarius, but no. She just raised her middle finger and throw it at him!

Habang tinititigan siya habang umiinom ng tubing ay agad niya 'kong napansin. She smirked.

"What?" medyo sopladang bigkas niya na ginantihan ko naman ng ngisi.

"I'm just. . . Proud?" bigkas ko sa kanya.

Tumaas naman ang kilay niya.

Gusto ko ang mahinhin, mabait, at simpleng Jean, but now. . . I like this kind of Jean even more!

And before she can say anything, I clapped my hands.

"Good job, girl!" bigkas ko, itinatago ang kaba na baka mahuli siya ng mapapangasawa niya. "Aren't you, scared?" tanong ko sa kanya pagkatapos pumalakpak.

Ang kaninang ngiti niya ay napalitan ng kinakabahang ngisi.

"Eh. . ." she can't say anything.

I knew it!

"Good luck, dahil sigurado ako'ng malalagot ka sa soon to be husband mo." bahagya ko pang tinapik ang balikat niya.

Nakita ko siyang namutla.

"I-I'm not scared!" she denied. "Ako? Matatakot sa hambog na 'yon? In my sexy dead body," she claimed.

I just rolled my eyes.

Sigurado ako'ng humihiyaw na yan sa loob niya, I know that she's scared. Hindi ko nalang siya kinulit.

"So, pansin ko lang, bakit ang ganda ngayon ng doctor ko?" biro na naman niya.

I sighed.

"Ngayon mo pa napansin? Are you really my friend?" kunwari'y nagagalit pa'ko.

She just laughed.

"Well, matagal ka ng maganda. Pero ngayun, you were extra beautiful and gorgeous!" puri niya sa akin.

Maganda din naman si Jean. Gusto ko siyang purihin pero alam kong ayaw niya no'n. I don't know why, pero inintindi ko nalang siya.

Jean was beautiful inside and out. Why can't she saw that? Mula sa mahaba at paalon-alon niyang itim na buhok, sa mapupungay na itim na mga mata na pinarisan pa ng mahahabang pilik mata, ang maliit at matulis na ilong--I find it cute, sa maninipis at mapupulang labi, and her heart shaped face.

Pati na'rin ang maganda at makurba niyang pangangatawan. Kung sasali lang siya sa larangan ng pagmo-modelo, nag f-fill-up palang siya ay siguradong tanggap na agad. That's not a joke.

"Alam mo," kumapit siya sa braso ko. "Curious ako sa magiging speech ng Papa mo, kaya kailangan na nating magpunta doon malapit sa stage." ulat niya.

Tumango nalang ako at sumabay na maglakad sa kanya. Napansin kong simple lang ang suot ni Jean.

Isang dress na kakulay ng kalangitan, hanggang tuhod niya lang ito kaya hindi malaswang tingnan. Kahit na simple lang, hindi mapagkakaila na maraming napapatingin sa kanya. Dahil na'rin siguro sa taglay niyang ganda.

Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa pinakaharap ng stage. Sakto lang din dahil tinawag na si Papa.

Umakyat siya sa stage dala ang strikto, at nakakatakot na emosiyon.

"Thank you for coming to this simple event, and thank you to my employees from this hospital. And lastly, to our special guest, to the Guivella clans." simula niya.

Tamed by the Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon