Warning: R-18🫶
Stop yourself from smiling,
nahahalatang excited ka.-Author🫰
Drunk. . .
MY PERIOD is done! Apat na araw na ang nagdaan at tapos na ang period ko. Talagang masayang-masaya ako dahil makakapasok na'ko sa ospital. Hindi na masakit ang puson at ang buong katawan ko. At higit sa lahat, komportable na ako dahil hindi ko na kailangang gumamit ng pesting pad na'yon.
Nakangiting bumaba ako sa hagdan. Hindi na'rin ako kinakabahan dahil ayos naman na ang komunikasyon namin ni Arzius. Kahit maginaw at estrikto parin, nasasanay naman na ako. Palagi na'rin akong naiinis sa kanya dahil sa kung anu-anong lumalabas sa bibig niyang kabalbalan.
I was now walking towards the main door when someone came. Hindi ko ito makilala dahil nakasuot ito ng itim na sumbrero. Nakasuot din ng leather jacket na nagmistolang kapa dahil sa haba na umabot sa kanyang tuhod. He's wearing an all black. In shot, this guy is weird.
Napasunod lang ang tingin ko sa kanya. Ni hindi ko man lang napansin na nakasunod na pala si Zavie sa kanya. Nangiti naman ako dahil doon. Zavie is here once again! Pero traydor parin siya. Gusto kong gumanti.
"Hi, pretty doctor!" kumakaway na lumapit siya sa'kin.
Inirapan ko naman siya at pinag-krus sa aking dibdib ang mga braso tyaka ngumuso. "Ayoko sa traydor!" bulyaw ko.
A hint of shock fence on his handsome face. "Kailangan pa ako naging traydor sa'yo? Nakasupurta na nga lang ako sa'yo eh," he murmured.
"Una, hinayaan at iniwan mo ako kay Arzius. Paano kung ni-rape niya na pala ako? Konsensya mo 'yon! Pangalawa," dinuro ko ang mukha niya. "Hindi ka na bumalik at nagpakita sa'kin! Hindi ka man lang sumulat para mag sorry! Tapos makikita nalang kita ngayon na nakangiti tapos babatiin lang ako na para bang hindi mo' ko tri-naydor?!"
Ang akala ko ay magi-guilty na siya, pero tumawa lang siya ng pagkalakas-lakas. "Sinasabi mo?" natatawang sambit niya. "Una sa lahat, si Arzius ang nag-utos na umalis ako. Syempre takot ako do'n, mahilig pa naman 'yon mag-laro ng baril. Pangalawa, hindi na'ko nakabalik muna dahil maraming iniutos sa'min ni Khairos ang mabait mong asawa. Wala na nga kaming pahinga ei. At tyaka, hindi ako nagparamdam sa'yo dahil baka magalit sa'kin asawa mo. Baka imbis na baril ang laruin, ei ako pa ang i-torture." pagpapaliwanag niya.
"Kahit na! Pa'ni ko ni-rape ako ng demonyong 'yon? Mumultuhin talaga kita," dagdag ko pa.
He raised his two hands. "Tika, tika! Wala namang problema kung rape-in ka niya. Mag-asawa naman na kayo, at isa pa, baka nga siya pa ang rape-in mo," sagot niya.
Nahampas ko naman ang braso niya. "Shutangina ka! Imbis na kumustahin ako may gana ka pa na mas bwesitin ako! Langya ka, simula ngayon, friendship over na tayo!" inirapan ko siya at nagtungo sa kusina.
Sumunod naman siya. "Pretty doctor naman! Walang mag-tatapos sa'tin dahil hindi pa naman tayo gano'n ka-close. Tyaka, wala namang nangyaring masama sa'yo,"
Hinalungkat ko ang mga cabinet at kumuha ng mga sangkap para sa ibi-bake ko. Nawalan na'ko ng ganang magpunta ng ospital. Nabi-bwesit ako.
"Gagawa ako ng cupcakes at hindi kita bibigyan!" angil ko habang naghahanda.
"Pretty doctor naman, sorry na. . ." pangungumbinsi nito.
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang sa mga ginagawa. Kabisado ko naman na ang kusina. Nagsuot muna ako ng gray na apron bago kumuha ng cap para sa harina. Napansin ko rin na naupo si Zavie sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Tamed by the Heartless
Romantik"You're mine, Skye. I would rather kill you than to let you go." -Arzius Guivella.