Panic attack. . .
NAGISING akong mag-isa at hindi maayos ang pagkaka-higa sa kama. Iminulat ko ang aking mga mata at napapikit nalang bigla nang umikot ang aking paningin. Pakiramdam ko ay iniikot ako buong gabi!
Dahan-dahan akong umupo sa kama at napadaing ng biglang kumirot ang aking sintedo. Ramdam ko ang pag pu-pulsinate ng aking ulo, parang tinutusok dahil sa sakit.
Ibinaling ko ang paningin sa wall clock. 6:27 am. . . Kailangan kong pumasok at makarating sa ospital ng seven. Kailangan kong bumawi dahil sa na-late ako ng pasok kahapon. Kahit naman si Papa ang may-ari ng ospital ay ginagawa ko parin ang trabaho ko bilang isang simpleng doktor. Hindi ako gahamad 'tulad ng iba.
Nang mag-beep ang cellphone ko ay inabot ko ito sa bedside table. Isang message galing kay Jean ang nag-popped.
Jean;
Kumusta ang pakiramdam mo?
Huwag ka nalang kaya munang
pumasok? Namumutla ka kasi
kahapon e. Pahinga ka nalang
muna, you're stressing yourself.Napailing nalang ako ng mabasa ang message niya. Talagang hindi niya pa nakalimutan ang pamumutla ko kahapon. Agad naman akong nag-type.
Skye;
I'm fine, Jean. Medyo masakit
lang ang ulo ko ngayon pero ayos
na ako. Papasok ako ngayon at
huwag mo na akong alalahanin.Kita ko kung gaano siya kabilis mag-seen. Wala pang tatlong minuto at nag-beep ulit ang phone ko.
Jean;
Don't fool me, Skye.
'Pahinga ka nalang muna please?
Nag-aala na'ko sa'yo eh.Napailing nalang ako ulit.
Skye;
Papasok ako ngayon, see you!
Agad ko nang ini-off ang phone ko at kahit na masakit ang ulo at mabigat ang katawan ay pinilit kong tumayo at nag-ayos ng sarili.
Ilang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at agad na nagbihis. I just worn a light blue blouse paired with black jeans. I am used to this kind of fasion. Simple yet elegant.
Hindi na ako nag-isip na mag-almusal pa. Diretso na akong uminom ng gamot para sa sakit sa ulo at agad na lumabas ng kuwarto. I know that drinking medicine without eating is not good for a person's body, but I have no choice.
Dahil sa madaliang lakad ay mabilis akong nakarating sa ospital. Pagkaupong-pagkaupo sa swivel chair ng opisina ko ay agad na nagbalik ang away namin ni Arzius kagabi.
Sa mga binitawan niyang salita ay hindi ko mapigilang masaktan. Ang buong akala ko ay magiging maayos ang relasyon namin bilang bagohang mag-asawa. But I was wrong. He only sees me as his bedwarmer wife. Sumikdo sa sakit ang dibdib ko, those words stabbed my chest causing me to stress myself more.
The door opened and Jean came in. 'Ni hindi na siya nag-atubiling kumatok. Nang mapatda ang paningin niya sa'kin ay natigilan muna siya bago lumapit sa office table ko at umupo sa katapat na upuan.
"Bakit ka umiiyak? Kumusta ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya at inabutan ako ng tissue.
"Medyo masakit lang ang ulo ko pero kaya pa naman. Huwag ka ng mag-alala," nakangiting sagot ko.
BINABASA MO ANG
Tamed by the Heartless
Romans"You're mine, Skye. I would rather kill you than to let you go." -Arzius Guivella.