Chapter Three

11 7 0
                                    

Wedding. . .

"Have You seen your gown?" tanong ni Deniel mula sa kabilang linya.

Ito na ang huli kong gabi. Huling gabing single. Bukas ay talagang ikakasal na ako. . . No one is stopping them now...

"Yeah." tipid kong sagot.

I have seen my wedding gown, well, maganda siya. . . Alam kong si Jean ang pumili no'n dahil kuhang-kuha nito ang disenyong gusto ko. I am always thankful to have her, kahit papaano ay natupad ang pangarap kong wedding gown.

Pero hindi ko mapigilang makadama nang lungkot. Knowing that my single and perfect life will end tomorrow. . .

"Gusto mo ba talaga 'to Skye? May oras ka pa para tumakas," rinig kong sambit ni Deniel.

"Deniel naman, diba napag-usapan na natin ito? Wala akong plano na tumakas," I answered while applying a lotion on my skin.

Natigilan ako sa sinabi niya. "Bakit malungkot ang boses mo?" malumanay na tanong niya.

I smiled bitterly even though he can't see me.

"Well, it's just normal, Deniel. Sino ba naman ang hindi malulungkot knowing na hindi kana single bukas? Malungkot lang ako kasi wala akong alam sa pagiging asawa. . . Kahit nga boyfriend hindi ako nagkaroon, asawa pa kaya? So, sino ang hindi malulungkot?" mahabang sagot ko.

"You have a point, sorry kung wala akong magawa," malungkot niyang sambit.

Nangunot naman ang noo ko at binitawan muna ang lotion.

"Huwag mo ngang sisihin ang sarili mo. Deniel, you've done so much! You've always been there whenever I needed someone to comfort me, kaya huwag mong sisihin ang sarili mo," ani ko.

Inilibot ko ang paningin sa kuwarto--well, sa guest room actually. Matapos lagyan ni Arzius ang kuwarto ko ng hidden camera ay hindi na ako nagtangkang pusasok doon kung hindi naman kailangan. Pumapasok lang ako sa kuwartong iyon kapag kukuha ako nang damit, o kahit anong gamit.

"Thank you, Skye," he mouthed softly.

Nangunot ulit ang noo ko. "Bakit? Ano bang nagawa kong kabutihan sa'yo?" natatawang bigkas ko.

Well, puro naman kasi katarantaduhan ang ginagawa ko kay Deniel. Palagi ko siyang binibiro, but sometimes we cuddle each other like siblings.

"Salamat dahil. . . Kahit na inamin ko na sa'yo ang nararamdaman ko ay hindi ka nagtangkang umiwas sa'kin. Instead, you gave me an assurance that you'll always stay by my side. I'm not saying this to threaten you to run away from your groom, sinabi ko 'to para ipaalam sa'yo na you are more than enough. Even though you have that bitchy attitude, something on you is beyond perfect. Ito lang ang masasabi ko sa'yo Skye," huminga muna siya nang malalim. "Kung hindi ka pahahalagahan ng asawa mo. . . I'm always here, waiting, kahit ga'no pa katagal. Kung hindi niya kayang maging perpektong  asawa sa'yo, pwes ako, I'll be a perfect husband for you," mahabang sambit niya.

I can't help but to burst into tears. "Thank you, Deniel. . ." I mouthed and sob.

Matagal-tagal din bago natapos ang usapan namin. Kung hindi lang agad naging busy si Deniel, talagang hindi pa niya tatapusin ang tawag. Agad din naman akong bumalik sa ginagawa ko nang maibaba ko na ang earphones.

I was applying lotion on my legs when my phone vibrated. Agad ko itong nilapitan dahil baka si Deniel, but I froze when I see Unknown word in it's caller ID.

Unknown;

You done talking to him?
I told you Skye!
Stop. Talking.To. Him.
Or else.

Tamed by the Heartless Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon