Episode 10: Kaibigan

17 0 0
                                    

Pulang-pula si Adrienne nang lumabas ng kwarto ni Riley. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya at ramdam niya na uminit ang mukha niya kaya naman hinawakan niya ang pisngi niya .


Pag-angat ng tingin niya, nakita niya si Xander na nakangisi sa kanya. Biglang kinabahan si Adrienne, kakaiba kasi ang ngisi ni Xander.


Naglakas loob siya na iwasan na lang ang lalaki at naglakad patungong kusina

"I hope I didn't miss any ingredient." Nakangisi sabi ni Xander.


Dahil sa ilang ay hindi na lang sinagot ni Adrienne ang lalaki at nagpatuloy sa pag-huhugas ng mga gulay.

Habang naggayat siya ay pinagmamasdan pa din siya ni Xander na nakangisi.

Nagulat na lang si Adrienne nang habang nagtatalop  siya ng gulay ay may humawak ng baywang niya.

"To keep your clothes clean" bulong ni Xander sa tainga ni Adrienne, habang tinatali ang apron na nilagay niya kay Adrienne.

Pagkatapos ay binigkis niya ang buhok ni Adrienne at itinali.

"We don't want hair in our food." Bulong niya ulit sa tenga ni Adrienne.


Humarap si Adrienne kay Xander at tinulak siya"'Di ba sabi ko 'wag kang lalapit sa akin! Nakakabastos ka na!" banta ni Adrienne habang tinututok kay Xander ang kutsilyong hawak niya.


Napaurong si Xander sa ginawa ni Adrienne at napataas siya ng mga kamay. Pero halatang natatawa ang mukha niya


"Relax girl, I'm just curious" natatawa niyang sabi


Napapikit na lang si Adrienne, umiling at tinalikuran si Xander. Ramdam niya na malakas talaga ang trip nitong si Xander. Hindi naman niya unang beses na mapagtripan. Pero kahit ganoon si Xander, hindi niya pa rin maramdam na masama ang balak niya. Alam niya na pinaglalaruan lang siya ni Xander at ayaw niyang pumatol at makipaglaro.


Kaya bumalik na lang siya sa niluluto niya, ayaw niyang magsayang ng oras sa lalaking iyon.


"Did you have a bad experience with boys kaya ganyan ka?"Nagulat si Adrienne sa tanong ni Xander at nilingon niya ang lalaki.Nabigla siya sa biglang seryosong mukha ni Xander


"Kadalasan kasi sa mga katulad niyo ay may bad experience sa lalaki. I just wanted to confirm kung totoo nga 'yun."


"Huh? Anong ibig mong sabihin?"


"Well, when I tested it on Paola she punched me. Hahahahaha!"

Kumunot ang noo ni Adrienne, wala talaga siyang idea sa sinasabi sa kanya ni Xander

"Wait, impossible. I didn't see any ring on your finger... Riley wouldn't hire you. Unless..."


Lumapit si Xander kay Adrienne.

Napaurong si Adrienne. Tinagilid ni Xander ang ulo niya at tinitigan si Adrienne


"So you're not lesbian?"


"Lesbian?? Tibo?? Ako?? Hindi!" gulat na sagot ni Adrienne

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon