Episode 6: Tugon

13 0 0
                                    

Sobrang kinakabahan na pinindot ni Adrienne ang call button ng cellphone niya.

 

"Huwag na lang kaya? Ibaba ko na? Kaso syempre makikita niya yung missed call ko. Napindot ko na yung call button. Wala nang urungan. Desperado na ako."

Sa bawat pagriring na naririnig ni Adrienne sa cellphone niya ay para siyang sinasaksak. Pero nang sinagot na ang tawag niya ay parang mas malalim na saksak ang kaniyang naramdaman.

...

"Yes, hello?" sagot ni Kayla

"Uhm, hello. Miss Kayla? Si Adrienne po ito yung nakatagpo ng singsing niyo"

 

"Oh Adrienne! Di ba sabi ko sa'yo na you don't have to be so formal when you're talking to me."

"Uhmmm. Yung favor na sinabi mo last time."

 

Yes?

"Uh hmmm."

 

"'Wag ka nang mahiya."

"Kasi baka may alam ka po na trabaho. Assistant or waitress sa restaurant, kahit ano po. Kailangan ko po kasi ng pera. Kahit isang buwan lang po"

 

"Ganoon? Hmmm. Okay, sige. Text na lang kita."

"Pasensya na po, baka isipin mo sinasamantala ko kaibitain niyo..."

 

"Don't worry, it's okay. Are you sure na eto lang?"

"Okay na po. Maraming salamat Ate Kay. Sobrang bait mo talaga. Hintayin ko text niyo"

 

"Okay. Sige, pero next time Kay na lang at wala nang po ha. Bye."

"Salamat po ulit. Bye!"

Parang nabunutan ng tinik si Adrienne dahil sa tawag na 'yun. Pero medyo malungkot siya dahil hindi na niya pwedeng hingiin ang cooking lesson with Chef Emilio Velasco.

"Paalam cooking lessons kasama si Chef Emilio. Huhuhu. Pero mas okay na ito. Sa sweldo ng magiging trabaho ko, allowance ko at ang ipon ko may pag-asa na mabayaran ko ang utang ko sa school in two months. Buti na lang isang buwan wala si Ma'am kaya pwede akong magtrabaho ng part-time. Sana nga lang mabigyan ako ng trabaho ni Kayla, paano kung wala?"

 

*beep, beep*

From: Miss Kayla

Good news, Adrienne. I found you a job. Come meet us at Bon Viviant. :)

...

Masayang pumasok si Adrienne sa Bon Viviant Restaurant. Kahit na maging waitress siya sa restaurant na iyon sobra siyang magiging masaya kasi makakatrabaho niya si Chef Emilio. Kinakabahan siyang mameet si Kayla pero excited na din at the same time.

Nasa pinakadulong upuan nakaupo si Kayla, medyo tago ang pwesto niya. Nahalata niya na may kasama siyang lalaki. Nang papalapit na siya ay nakita niya na may kasamang nakangiting lalaki si Kayla.

Nang magtagpo ang tingin ng lalake at ni Adrienne ay parehas na nawala ang ngiti sa kanilang mga labi.

"Siya? No. I can't do this Kay." Ang sabi ni Riley kay Kayla.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon