Episode 5: Again

23 0 0
                                    

Maagang pumasok ka klase si Adrienne. At habang naghihintay ay nagbasa muna siya ng recipe books na nakalagay sa shelf ng classroom/kitchen  nila.

Unting-unti dumating ang mga classmates niya. Sa bawat pagbukas ng pinto ng room nila ay sobrang kinakahabahan si Adrienne. Hindi siya mapakali habang iniisip kung ano kaya ang mangyayari sa pagkikita nila ngayon ni Riley.

"Bakit ako natatakot sa Riley na 'yun? Buti nga 'yun lang ang nagawa at nasabi ko sa kanya. Sobra siyang nakakainis. Napakafeeling."

Late na dumating si chef Paolo. At nagsimula na ang lesson nila for that day.

"Teka, naka 30 minutes na ang lumipas simula ng klase. Bakit wala pa si Riley?"

"Naapektuhan kaya siya sa sinabi ko? Hindi ako dapat makonsensya.... AT hindi ko dapat pinag-aaksayahan ng oras si Riley, masyado nang madaming tao ang may pakialam sa kanya."

"Umalis na kaya talaga si Riley? Kasalanan ko ba? hindi, hindi, hindi. Itigil mo na Adi pag-iisip sa kanya."

"Concerned ako sa kanya kasi partner ko siya dito at mahihirapan ako kapag wala siya.... Nasaktan kaya siya sa mga sinabi ko?"

"Dapat matuwa ako na nagback-out na siya. 'Yun naman talaga ang gusto ko."


...


"Hmmm. Smells good!" sigaw ng isang lalaki habang papasok sa loob ng condo unit ni Riley.

"Shit, dude! Nagulat ako. I have to get my spare keys from you! You're abusing it. What if I was with someone then, you'll barge in here without any notice?? It has to stop dude." Sabi ni Riley habang sinasalubong ang lalaking nakangiting papalapit sa kanya.

"Relax. Alam ko naman wala kang someone. Hahahaha." Loko sa kanya ng lalaki.

Tiningnan ng matalim ni Riley ang lalaki at sinuntok sa braso.

"Aw! Okay fine, next time magpapaalam na ako. Pero sa akin na muna 'tong spare keys mo, alam mo na kapag may emergency." At ngumiting nakakapanloko ang lalake.

"Fck you Xander! You'll use that once I AM in an emergency situation. Wag mo 'tong gagamitin sa kalokohan mo!" Sabi ni Riley habang papalakad ang dalawa sa kusina.

"Yeah right. Haha. Dapat masanay ka na walang privacy, sikat ka na ngayon. Ilang billboards mo at ni Kay ang nakita ko habang nagdridrive ako papunta dito, grabe nakakasawa pagmumukha mo."

Napailing na lang si Riley at nagpatuloy sa paghahalo ng pastry mixture niya sa counter ng kitchen niya.

"Wow! Hindi ko akalain na makikita kitang naka-apron! HAHAHA! This is priceless. Ma-instagram nga ito, panigurado sobrang kikiligin fans mo. HAHA"

"Stop it Xander! Ayoko may nagpopost ng pictures ko sa social network. This is the only privacy I get."

"Woah, arte. Sige, itatago ko na lang mukha mo."

At pinicturan ni Xander si Riley.

"Fcking delete it. I'm serious!"

"Sorry napost ko na. Relax Cam, hindi naman kita na ikaw yun"

Minura ulit ng malutong ni Riley si Xander. Nagmurahan pa sila ng ilan pang saglit hanggang sa wala nang nagawa si Riley sa kalokohan ni Xander.

"What do you need Alexander? You're disturbing me."

"Woah, ang seryoso mo naman. Wala lang akong magawa bro. I need to meet my new artist sa isang coffee shop na malapit dito kaya naisipan kong tumambay muna dito sa condo mo."

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon