Episode 11: Line Drawings

15 0 0
                                    

Unti-unti nilapit ni Adrienne ang kamay nya sa butones ng jeans ni Riley.

Lumunok sya.

Kaya mo yan Adi. Wala naman malisya. Pumikit ka na lang. Isa, dalawa...


Halos mapatalon sa gulat si Adrienne nang may humablot sa pajamang hawak niya.


"Did you really think na hahayaan kong bihisan ng isang babae ang isang lalake?"


Lumapit si Xander sa kama kung saan nakahiga si Riley. Naestatwa si Adrienne sa kanyang kinatatayuan


"I'm not that cruel Adrienne"


Hindi na umimik si Adrienne at mabilis na lang siyang lumabas ng kwarto ni Riley. Sobrang nahiya siya dahil sa nangyari.


"Putragis. Nakakainis si Xander! Malay ko bang nagbibiro lang siya! Kainis!" At sinabunutan ni Adrienne ang sarili.


"Ssss-so-rry"

"Hahaha. Why so uptight Adrienne? It's okay, 'di ko lang talaga akalain na seseryosohin mo ang pagbibiro ko"

Umupo si Xander sa sofa at tinapik ang gilid ng sofa

"Want to watch a movie?"

Pumayag naman si Adrienne sa paanyaya ng lalaki.

"Hmmm. P*cha bakit pulos chick flicks ang meron si Cam? Haha! T*ngina bading ata 'yung pinsan kong 'yun!"

"Chick flicks? Ano yun? Chick? Sisiw?"

"Bwahahahahahahaha! Fck Sisiw?! Hahahaha"

Tumawa pa ng tumawa si Xander at inasar si Adrienne.

"Sorry na! 'di na nga ako magtatanong!"

"Okay, I'm sorry. Seriously, bakit hindi mo yun alam? Saan ka ba talaga galing?"

Nagdalawang-isip pa si Adrienne kung magkwekwento ba siya kay Xander pero dahil magaan ang loob niya sa binata ay nagkwento na rin sya ngunit syempre hindi lahat-lahat ang pwede niyang ikwento.

"Galing ako sa isla ng San Lucas"

"San Lucas, hindi ko pa naririnig ang lugar na iyon. Is that even a place here? Hindi ka ba alien?"

"Hindi, baliw! Hanapin mo sa internet makikita mo kung saan iyon!"

"Naks alam mo din pala ang internet!"

"Oo naman! Halos dalawang taon na kaya ako dito sa Maynila!"

" May-nila! Ahahaha, it's been a while since I heard someone pronounce it that way. Matagal ka na rin pala! Bakit 'di mo pa rin alam yung chick flicks?"

"Kasi aral at trabaho lang ako. Pero huwag kang mag-alala nagpapaturo naman ako sa kaibigan ko"

"So what you've learned?"

"Bangles! Alam ko na kung ano yun! Tsaka yung cardigan!" sabi ni Adrienne na proud na proud sa sarili

Tumawa si Xander at pinalakpakan si Adrienne.

Nagkwentuhan pa sila hanggang sa umuwi na si Xander at iniwan si Adrienne sa condo ni Riley.

...

Kinuha ni Adrienne ang thermometer na nasa bedside table at chineck ang temperature ni Riley.

Mabuti at bumababa na ang lagnat nya. Punasan ko sya ulit para mas bumababa pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon