Episode 3: What's Your Poison

25 0 0
                                    

"Kath, anong ibig sabihin kapag sinabi ng isang lalaki na "I want us to take to another level?" "

Napatigil sa pagtytype sa laptop si Kath.

"Huh? Bakit mo naman 'yan natanong?" tanong ni Kath habang curious siyang nakatingin kay Adrienne.

"Wala lang, narinig ko lang. 'Di ko kasi maintindihan." inosenteng sagot ni Adrienne

"Hmmm. Ibig sabihin noon, yung lalaki gusto niya i-take yung relationship niyo to the next level?"

"Next level? Ano yun laro?"

"Haha. Term lang 'yun Adi. Kung MU kayo, ang next level ay maging kayo. Kung kayo na, ang next level ay ikasal kayo or maglive-in. Gets?"

"Ahhhhh. Ano ang MU?"

"Mutual understanding! Parehas ang nararamdaman niyo sa isa't isa."

"Aaaaaah."

Umiling na lang si Kath at nagpatuloy sa pagtytype sa kanyang laptop.


....

"Oo nga pala kamusta yung photo shoot last week?"

"Hay nako! Ang daming beses akong napagalitan. Ang dami ko talagang hindi alam dyan sa fashion. Tsaka yung Riley Alfonso na sinasabi mo, naku! Ang sama ng ugali"

"So, totoo pala ang rumors na mahirap siyang katrabaho. I guess some celebrities are really rude"

"Celebrities? Akala ko model lang sila? Kaya pala sobrang yabang ng Riley na 'yun. Hay mga artista talaga!"

"They're the rising top celebrities ngayon Adi. You should do some research kailangan mo talaga 'yun."

"Ah! Buti na lang pinaalala mo yung photoshoot!"

"Bakit?"

"May pinahanap kasi sa akin yun Kay na kapartner ni Riley Alfonso."

"Kay? (saglit nagpause) Ah! Si Kayla Velasco. Kayla pangalan nun. Kung maka-"Kay" ka diyan, baka akalain nun FC ka."

"FC?"

"Feeling Close. Seriously, saan kweba ka ba nanggaling?"


....


Hinanap ni Adrienne ang number na nilagay ni Kayla sa phone niya.

"Uhm, hello? Ako po si Adrienne. Sabi po ni Miss Kayla tawagan ko po ang number na 'to kapag nahanap ko na ang singsing niya."

"Uh. Yes. Sa Bon Vivant Restaurant daw kayo magmeet on Friday, 10pm" sagot ng isang babaeng boses

"Uhm, sorry po. 'Di po ako pwede nang ganun kalate. Iwanan ko na lang po..."

"No. Kayla insisted na she has to meet you. How about in the morning? Let's say 7 am? Are you good by then?"

"Sige po. Thursday 7 am po."

 "Alam mo ba kung saan yung restaurant? Itext ko na lang yung directions sa iyo saan ka ba manggagaling?"

"Uhm. Southwoods Village po. Sige po, salamat po."

...

Dumating si Adrienne ng 6:45 am sa Bon Vivant Restaurant. Sarado pa ang restaurant kaya sa labas siyang naghintay.

After 30 minutes may dumating na puting van, may lumabs na matangkad na babae na nakacap, dark sunglasses at surgical mask. Medyo kinabahan si Adrienne, baka may masamang tangka sa kanya ang babaeng yun.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon