Episode 4: Ayoko Sana

22 0 0
                                    

"Sa dinami-dami ng taong pwede kong makatagpo siya pa?! At siya pa magiging kapartner ko. Gaano kaya kadaming pasensya ang dapat kong baunin tuwing pupunta ako dito? Excited pa naman ako sa klaseng 'to. Haaay, kapag minamalas nga naman." Isip-isip ni Adrienne

"Chef, can I change partners" tanong ng katabi ni Adrienne

Nagulat ang lahat sa kanilang narinig.

"No, you can't. We don't tolerate special treatment in this class. I don't care if you're popular, rich, or anak ng isang importanteng tao. Dito, you're all the same. You're all here to learn and everyone must abide to the rules I was discussing. (pause) It's not my fault if no one chose you as their partner earlier. At least now you have a partner. I hope I next time, I won't be interrupted by your complaints Mr. Riley Alfonso." Mataray na sabi ni Chef Paolo.

Natahimik na lang si Riley. Halatang inis na inis na siya. Huminga na lang siyang malalim at nagpatuloy sa pakikinig.

Nagkaroon ng maiksing lecture si Chef Paolo tungkol sa Pastry Arts. Introduction to Pastry Crepes, Souffles & Custards ang topic nila ng first meeting na 'yun. Tahimik lang si Riley at Adrienne. Bakas sa mukha nina Riley at Adrienne na naiinis sila pareho. Awkward ang atmosphere sa working station nay yun.

"Okay, now that I have showed you how to make them, it's your turn. Talk with your partners how you'll divide the work. After 1 hour I will taste your soufflé, crème anglaise and crêpes. You can you use any ingredients in the pantry." Sabi ni Chef Paolo

Tiningnan ni Adrienne si Riley.

"You'll make the other two, I'll make the soufflé."

Nagulat si Adrienne sa sinabi ni Riley. Akala niya yung dalawang mas madali ang pipilliin niya. Nanghinayang din siya kasi gusto niya sanang gumawa din ng soufflé. Tahimik na nagtrabaho ang dalawa. Ilang beses sinulyapan ni Adrienne kung anong ginagawa ni Riley. Napansin niya na seryosong nagtratrabaho ang lalaki. Pinagmasdan ang niya ang pagtulo ng pawis ni Riley mula noo pababa hanggang sa kanyang pisngi.

Nahuli ni Riley si Adrienne na nakatingin sa kanya.

"What?"

"Uhm. Hindi ko pa kasi lulutuin yung crêpes lalamig kasi. Yung crème anglaise tapos ko na. Ahhh, kailangan mo ba ng tulong?"

"Melt the chocolate over there." Utos ni Riley

Agad iyon sinunod ni Adrienne. Tahimik silang nagtrabaho. Parehas silang seryoso sa ginagawa nila, 'di tulad ng mga kaklase nila na may mga nagtatawanan, nagkwekwentuhan at nagkukulitan. Natapos nila ang tatlong desserts sa tamang oras. Lumapit si Chef Paolo sa workstation ni Adrienne at Riley upang tikmang ang kanilang gawa.

"Wow. All of the dishes look good. Tell me about them." Sabi ni Chef Paolo

Binuksan ni Adrienne ang bibig niya upang magsalita, kaso inunahan siya ni Riley

"We chose to go with the classic recipes. I made chocolate soufflé, she made crème anglaise custard dusted with nutmeg, and toasted oatmeal apple crêpes."

Nagulat si Adrienne na alam ni Riley kung ano ang ginawa niya. Napansin ni Adrienne na kabadong kabado si Riley. Pati na rin si Adrienne ay kinabahan nung titikman na ni Chef Paolo ang crêpes at ang crème anglaise custard niya.

"Hmmm. Although you're dishes are very simple, I'm quite impressed with the flavors. Especially with the soufflé. Mahirap maperfect ito at first try, but you cooked this perfectly. Congratulations to the both of you. But next time, I expect a little twist from your recipes." Sabi ni Chef Paolo habang patuloy pa rin kinakain ang chocolate soufflé.

"Don't be afraid to take risks. Some ingredients might surprise you. You might think na hindi bagay or hindi pwede, yun pala perfect combination" nakangiting sabi ni Chef Paolo habang tinititigan sina Riley at Adrienne.

Parehas na nakahinga ng maluwag si Riley at Adrienne nang makaalis na sa station nila si Chef Paolo. Tuwang-tuwa naman si Adrienne sa pagpuri ni Chef Paolo sa mga niluto nila. Hindi maitago ni Adrienne ang tuwa niya kaya todo ngiti siya. Nginitian niya si Riley na nasa tabi niya, pero walang expression na tumingin si Riley pabalik. Nawala ang ngiti sa labi ni Adrienne.

"I don't know how you knew that I'll be taking classes here, but please stop following me around. It's irritating. If this continues, I'll have to file a restraining order from you."

Gulat na gulat si Adrienne sa mga salitang kaniyang narinig. Halos 'di siya makasalita. Unulit niya sa kanyang utak ang bawat salita na sinabi ni Riley. Hindi siya makagalaw dahil sa shock.

"Now, she's surprised that I said that. I'm sorry I'm not the nice boy you imagined me to be. It's better that I lose fans than having them stalk me. Fck popularity."

Nagsmirk si Riley sa hanggang ngayong tulalang Adrienne. Kinuha ni Riley ang bag niya, nagsuot ng cap at sunglasses, at naglakad paalis.

...

Sa hallway ng building ng ISCA ay may biglang humarang sa dinadaan ni Riley.

"Hoy. Ang yabang mo din eh! Kapal mo! Stalker ako? Wala nga akong ideya kung sino ka at saan ka nanggaling. May pa restraining order ka pang nalalaman?? Ako nga dapat ang magpaganun sa iyo dahil sa ginawa mo sa akin noong photoshoot! Bakit ba akala mo na stalker ako? Dahil ba may narinig ako noon sa fitting room? Eh sus! Hindi ko nga kilala kung sino yung Kay at Cam na nag-uusap doon. OA ka masyado makapagreact bakit involved ka ba dun? Hindi ako chismosang tao, wala akong pakialam sa mga artista. Akala mo ba gustong-gusto kitang maging kapartner? Jusme. Nagpasensya na lang ako kasi gusto ko talaga 'tong klase na ito. Last year pa ako nag-aaral dito, kung may dapat umalis sa atin ikaw yun hindi ako! Kapal mo!"

Walang expression sa mukha si Riley pero halatang nagulat siya sa litanya na kanyang narinig. Nakapagwalk-out na si Adrienne pero nakatigil pa rin siya sa hallway at iniisip ang mga salitang binitawan ni Adrienne.

Hanggang sa may mga mabibigat siyang yapak na narinig palapit sa kanya.

Namukhaan niya na si Adrienne yun. Medyo natakot si Riley bna baka saktan siya ng babae.

"Tsaka....."

galit na tinuturo ni Adrienne si Riley

"may choccolate ka pa sa labi mo." at mabilis na nagwalk-out si Adrienne.

 ____________________________________________________________________________

A/N: title ng song ay sa Apo Hiking Society. Title lang kinuha ko, walang kinalaman ang lyrics sa theme nung story. Pansin nyo maikli ang mga episodes, pero sa simula lang siguro. hehe. Thanks sa mga nagbabasa nito. Please do comment and vote <3 - Sheen

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon