Episode 8: How Far Will U Go

16 0 0
                                    

Kahit na masama ang pakiramdam ni Riley ay lumabas siya ng Dressing Room niya. Hindi na niya hinintay pa ang reaksyon o sagot ni Kayla.

"WHAT THE F*CK?" sigaw ni Riley

"Ay! Sorry!" sabi ni Adrienne at madaling kinuha ang panyo sa bulsa ng kaniyang pantalon upang punasan ang natapong kape sa polo ni Riley.

"IT'S FREAKING HOT!" utas ni Riley

"Sorry talaga!" ani ni Adrienne

"All you cause is trouble!" sigaw ni Riley at sabay walk-out

Tinapon ni Adrienne ang cup ng natapong kape kay Riley sa basurahan na malapit sa dressing room. Naaninagan niya si Kayla na may kaholding hands na lalaki. Sumilip siya ngunit umiwas ng tingin nang nakita niyang tumingin sa direksyon niya si Kayla.

Pumasok siya ulit sa Room 2 para pagtimplahan ng kape si Riley.

"Bahala na kung magsungit siya. Para makabawi na lang ako."

Paglabas ni Adrienne sa kwarto ay nakasalubong niya si Tita Tess.

"Oh, Adrienne. You're still here? Pinauwi na ng director si Riley, I think she's sorry sa pagsusungit sa kanya. Ang harsh nga naman niya sa alaga ko. Anyways, you can go. Itetext na lang ni Paola ang schedule ni Riley at kung saan ka kailangan."

"Ah, ganun po ba." Medyong malunglot na sagot ng dalaga.

"Gusto niyo po ng kape?" at itinaas ni Adrienne ang cup na hawak niya

"Thanks." Ngiti ni Tita Tess habang tinatanggap ang kape.

.....

Maagang pumasok sa culinary school si Adrienne. Halatang masaya siya sa kaniyang pagpasok. Gustong-gusto niya talaga ang pagpasok niya sa culinary school na iyon.

Umupo siya sa highchair ng station niya at kumuha ng recipe books para magbasa.

Dumating ang mga classmates niya at binati niya, halos kasunod ng mga classmates niya ay dumating ang isang matangkad na lalaki na nakacap at surgical mask. Alam na ni Adrienne kung sino iyon.

Nagbulung-bulungan ang classmates niya. Matikas na naglakad siya sa station ni Adrienne at umupo sa tabi niya.

May tatlong classmates na babae ang lumapit sa station nila,

"Uhm, Riley. Pwede bang magpapicture?" nahihiyang sabi ng maputi at maliit na classmate ni Adrienne.

Umubo si Riley at sa husky at medyo mababa niyang boses nagsalita siya, "I'm sick"

"Uh, I'm really sorry Riley." Nag-aalalang sabi ng classmate niya at umalis na sila.

"nakakaawa naman siya" banggit ng isa pa nilang classmate.

Tiningnan ni Adrienne si Riley at nagkunot ng noo.

"Bakit kaya ito pumasok? Halata naman may sakit siya."

Tahimik lang ang dalawa at nakinig sa lesson ni chef Paolo. Tungkol sa pagbabake at decorate ng cupcakes ang lesson nila ngayon. Ganoon pa din, after ng lesson ay kailangan nilang gawin ang tinuro ni chef Paolo

Individual ang exercise nila ngayon kaya hindi na kailangan nina Adrienne at Riley na mag-usap. Masyadong concentrated si Adrienne sa kaniyang ginagagawa para pansinin pa si Riley. Nakamask pa din si Riley habang nagluluto at naririnig ni Adrienne ang pag-ubo niya. Lumabas ng room ni Adrienne.

Pagbalik niya ay may dala siyang isang bote ng tubig.

"O, inumin" sabay abot kay Riley ng bote

Tumingin si Riley sa bote.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon