CHAPTER 19: Playful Banter and Hidden Feelings

24 4 2
                                    


Cycarioz Ian POV

Nandito kami ngayon sa Classroom, pinapanood ko ang dalawang nag-aaway, i mean, talagang nag-aaway sila ngayon. Wala naman silang label, pero sa kilos nila parang mag-boyfriend at girlfriend na. Tsk.

"Mas pangit ka pa sa akin noh" sabi ni Zai habang nakataas ang kilay sa kanya si Kaifer. Kami naman ay nakangiti lang habang pinapanood silang mag-away. Ang cute sana nilang tingnan, kaso naglalandian na at wala pa ring label, jusme HAHAHAHAHA.

"I'm the most handsome here," ani Kaifer habang naka-ngisi kay Zai.

"Ayy, wow ah! Grabe, may bagyo ba? Ang hangin eh," pang-aasar ni Zain kay Kaifer. Mahina naman kaming natawa sa sinabi niya.

"Hindi ako mahangin, sadyang ang pogi ko talaga," sabi naman ni Kaifer na ikina-taas ng kilay ni Zai.

"Luhhh, grabe naman yang kasinungalingan mo," ani ni Zai. Kami naman tawa lang nang tawa, pero mahina lang yun.

"No, hindi ako mahangin, sadyang hindi ko ikakahiya ang kagwapuhan ko," sabi pa ni Kaifer.

"Big Yuck!!!" ani naman ni Zai habang may nandiri effect pa. HAHAHAHAHAHAHAHA

"Pakita mo nga sa akin ang picture, ang dami mo pang sinasabi," sabi naman ni Kaifer.

Wait, Ano? May picture sila?!

"Haluhh, may picture pala sila," sabi ni Jake sa tabi ko, nakatayo kami habang pinapanood silang nag-aaway.

"Ang sweet niyo, uh," bulong ko pa.

"See? Napaka-ganda ko diyan, ikaw lang ang pangit HAHAH," halakhak ni Zai habang dinuduro-duro pa si Kaifer sa noo. Langya HAHAHAHA!!

"No, ang pogi ko kaya diyan," pagtatanggol pa ni Kaifer sa sarili niya.

"Ano bang pinag-aawayan niyo ah?" tanong ni Cyruz sa gilid ko lang.

Ang guluhin ng moment, sayang pinapanood pa namin ang palabas eh, tsk.

"Ito oh," sabi naman ni Zai sabay pinakita yung picture nila ni Kaifer.

"Ang sweet niyo naman'ng dalawa," sabi naman ni Cyruz, sumama naman ang tingin ni Zai kay Cyruz.

"Hindi ko sinabing sweet kami o hindi, tsk," sabi niya na may halong inis sa salita niya.

"Eh, ano ba yan?" tanong ni Cyruz. Tinatarayan lang siya ni Zain.

"I want to know kung ok ba yan?" tanong naman ni Zai.

Tumango kaming lahat, pati si Cyruz na tinugunan naman. Sweet daw sila, eh si Kaifer nga hindi maintindihan kung galit ba o hindi. First capture pa naman, sayang siya, hayssttt.

"Ahh, ganon?" tanong ulit niya. Tumango ulit kami, para kaming tanga na sumasang-ayon, jusmee.

"Ok na yan," dagdag pa ni Jake sa tabi ko.

"Yeah, ok na yan," sabi ko naman.

"I-Wallpaper mo na agad," sabi naman ni Angelo. Ay gago, wallpaper daw, hahahaha.

"Luhh, ang swerte naman niya kung ganun, tsk," sabi pa ni Zai. Ngiti lang kami sa kanila.

Tinarayan siya ni Kaifer si Zai at sabay upo sa upuan habang kami naka-tingin lang sa kanila. Ang ingay nila, nag-aasaran pa rin akala mo wala nang bukas, para bang ayaw na nilang tumigil.

Naalala ko tuloy yung kaibigan ni Zai, si Hairra Yurika Lopez? Ang ganda non, hehehehe.

i-Add ko siya sa Facebook. Agad kong binuksan ang cellphone ko at pumunta sa Facebook. Diretso kong hinanap ang pangalan niya sa Facebook, napangiti na lang ako nang makita kong naka-add sakaniya si Zai. Ayyy malamang mag-bestie ang dalawang yun eh. Agad kong inistalk siya, sabay pinindot ang kanyang profile, ang ganda niya doon, nice uh.

Maya-maya pa, in-accept na niya ako.

Cycarioz Ian Ferguson:
- Hi! Do you know me?

Hairra Yurika Lopez:
- No, sorry, who are you again?

Cycarioz Ian Ferguson:
- I'm Cycarioz Ian, kaklase ni Zai.

Hairra Yurika Lopez:
- Oh, where's Zai? Ano ginagawa niya pala?

Cycarioz Ian Ferguson:
- We're here in the room, nag-aaway sila ni Kaifer.

Hairra Yurika Lopez:
- Ano!?

Cycarioz Ian Ferguson:
- Hindi, ibig kong sabihin, nag-aasaran lang sila.

Hairra Yurika Lopez:
- Oh, akala ko nag-aaway sila talaga.

Cycarioz Ian Ferguson:
- Bye, Hera, kailangan ko nang mag-off.


Hairra Yurika Lopez:
- Okay, bye!


Agad kong naipatay ang cellphone ko.


"Hoy!!, what's that? Aamin ka na ba? Hahaha?" tanong ng taong nasa gilid ko lang.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko kay Zai. Nakakagulat naman 'tong babae na 'to, bigla-bigla na lang sumulpot.

"Oo," maikli niyang sagot.

Ayy, bakit hindi ko man lang naramdaman na narito siya sa tabi ko?

"Ayy, weee, hindi ko ramdam eh," sabi ko sa kanya habang mahina lang siyang tumawa at tumabi sa akin.

"Tanong ko ah. May gusto ka ba kay Hera ah?" tanong niya sa akin.

Gusto ko nga ba si Hera?

Meron nga ba akong gusto kay Hera?

"Ano na?" tanong niya ulit, tiningnan niya ako at muling yumuko. Hayssttt.

"Silent means yes," sabi niya kaya tumango-tango ako.

"Anong gagawin ko? Aamin ba ako sa kanya o hindi?" tanong ko sa kanya.

"Yes, of course, ang pogi mo kaya hindi ka tatangihan noon! Campus crush kaya kayo," sabi niya pa, napangiti ako sa sinabi niya.

"Paano naman?" tanong ko ulit, ngumiti siya sa akin.

"Ikaw na bahala doon, wag kang mag-aalala, kaya mo 'yan hehehe," sabi niya sabay umalis.

Eh, anong gagawin ko? Ano ang sasabihin ko kay Hera? Saan ko sasabihin? Sa chat ba o sa personal? Nakakahiya naman, kainis. Ang hina ko naman jusko.

Isasabi ko nalang sa kanya sa susunod na linggo. Bahala na nga.

"Ayy, gago ka!" sigaw ko nang gulatin ako ni Axel, papansin talaga tong bata na 'to.

"Kanina ka pa kaya nakatulala eh," sabi niya, ngumiti ako sa kanya.

"Okay ka lang ba?" tanong niya ulit.

"Of course, okay lang ako, bakit?" tanong ko sa kanya.

"Parang ang lalim naman ng iniisip mo, hindi ko kayang lusumin 'yan eh," sabi niya pa na kinatawa ko naman.

"HAHAHAHAHA, ano ka ba, wala lang 'to," sabi ko. Ngumiti siya at umalis.

Agad akong umayos ng upo at kumuha ng tubig, iniinom ko 'yun pagkatapos, dumukduk ako sa lamesa ko, nakaka-antok naman.

Magpapahinga muna ako saglit, magpapatulong na lang ako kay Zai mamaya.

Agad akong nakatulog, ilang oras na ang nakalipas ay nakatulog na ako, nakakapagod mag-isip, mamaya na lang ako gigising pag may teacher na. Haysttt.




IT WILL BE CONTINUED...
________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now