CHAPTER 21: Tiktok Fame and Unexpected Discoveries

20 3 0
                                    


Cycarioz Ian POV


Nagising na lang ako na may naramdaman akong bagay na dumidikit sa mukha ko, kaya agad kong minulat ang mga mata ko. Nangunot ang noo ko nang makita ko si Axel na may hawak na pentelpen.


What the hell! Pinagtitripan ba nila ako?


Agad akong bumangon at tumakbo sa CR. Lilinisin ko yung mukha ko, bwisit, nakakairita talagang matulog sa room lalo na pag ganto mga classmates mo. Hayssttt.

May pentel pen akong make-up, tangínang 'yan, at may eyeliner pa talaga. Tapos nagmumukha pa akong clown sa make-up, nakakairita. Bakit ba kase ganto, ang hirap tanggalin. Agad ko na kinuskos yung mukha ko.


Pagbalik ko sa classroom namin, nakita ko na tumatawa si Axel. Agad ko siyang nilapitan at binatukan ko siya.


"Aww!!" daing niya matapos ko siyang batukan.


"Inaano kita diyan ah?!" tanong niya pa, tinaasan ko siya ng kilay ko.


"Anong inaano kita diyan ah!? Bakit hindi mo tanungin 'yang sarili mo?" pamimilosopo ko sa kaniya, talagang natawa pa yung iba. Tsk.


Habang ako ito, hindi natutuwa.


"Sorry na hihihihi," ani niya, kaya bumalik ako sa upuan ko at binuksan ko na lang ang cellphone ko.

Agad kong binuksan ang phone ko at nanood na lang sa TikTok. Hinahanap ko yung account ni Zai, naalala ko na favorite ko yung video na i-edit sa kaniya, kaya binalikan ko 'yun at tiningnan ang mga comment section.


Kasama niya yung kuya niya? Pero bakit hindi ito si Zander? Siguro mas close niya itong isa niyang kuya, binibigay kung anong gusto niya eh.


Spoiled ba si Zai? Sa yaman nila, mukhang spoiled siya, pero ang bait niya. Tanongin ko na lang kaya? Hehehehe.


Agad akong lumapit kay Zai, na ngayon ay walang katabi sa upuan niya. Hindi ko alam kung nasaan ang katabi niya, kaya lumapit ako sa kaniya.


"Hey Zai! May TikTok ka pala noh?" tanong na panimula ko sa kaniya.


"Of course, ako pa ba, kanino mo naman nalaman?" tanong niya.


"Wala lang, nakita ko kasi sa News Feed ko eh. Famous ka?" tanong ko sa kaniya.


"Hindi, ewan ko," sagot niya na ikinataka ko. Hindi niya alam?


"Oo ata, madami akong followers eh hehehe," dagdag niya pa, na kinangiti ko sa kaniya.


Pinakita ko sa kaniya yung edit para sa kaniya, na ikinangiti niya. Tinignan niya yung username nung nag-edit, binuksan niya ang phone niya at sinearch niya yung username niya doon. At yun, ang daming lumabas.


Puro edit para sa kaniya, at iba naman ay pinaglalaban kung sino ang mas maganda. Nahahanga tuloy ako hehehe.


Milyon na yung followers at likes niya, tapos kaklase namin siya. Ang swerte naman namin hehehe.


"Tignan mo, ang daming edit sa akin. Hindi naman ako maganda eh hahahaha," ani niya pa. Napatingin ako sa mukha niya, pati sa mga TikTok niya.


Parang wala namang pinagkaiba sa mga filter na ginamit niya. Minsan yung mga TikTok niya, walang filter pero maganda pa rin siya. So bakit hindi siya naniniwala na maganda siya?


"Ok class, back to your seats now," sabi naman ni sir, kaya agad kaming bumalik sa kaniya-kaniyang upuan.


"Class, ma-cacancel ang ating overnight dito sa school," panimula ni sir.


"Yung camping naman is next-next week na kasi may biglaang school tour. Ihanda niyo ang sarili niyo sa Monday dahil sabado makakapag-ayos pa kayo," sabi pa ulit ni sir.


Agad naman nag-hiyawan ang mga hambog kong classmates.


"Yess, school tour!!"


"Madami nanaman chicks!"


"Ano daw sisiw?"


"Tanga, hindi sisiw."


"Excited!"


"Yess!!"


Mga hiyawan nila, agad nalang akong natawa sa mga pinagsasabi nila.


"Maghanda kayo para sa Monday," sabi ulit ni sir.


Nice, excited na ako!


"Class dismissed!" ani ni sir matapos ang pag-a-announcement.


Agad ako napatingin sa pwesto nina Zai at ayun, nag-uusap nanaman sila ni Kaifer, pero napansin ko naka-kunot ang noo ni Kaifer habang nag-sasalita siya. Ano kaya ang pinaguusapan nila?


"Nagulat ako sa biglang tanong ni Angelo sa gilid ko.


"Wala, ang sweet nila noh? Ang landi nila kahit walang label HAHAHAHA," sabi ko agad. Nag-halakhak naman si Angelo ng tawa.


"Ayy, tangînaa HAHAHAHAHAHAHA," ani pa niya sabay halakhak. Mapatingin ulit ako sa pwesto nila, natatawa naman sila ngayon pero si Kaifer hindi, nakatitig lang siya samin.


"Hoy Angelo," tawag ko naman kay Angelo, agad naman siyang lumapit sa akin, sabay tumabi sa akin.


"Ohhh, Bakit?" Tanong niya habang naka-tingin kila Zai.


"Alam mo diba na famous sa TikTok si Zai?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at humarap.


"Narinig ko lang yan kay Axel eh nang bagong pasok palang si Zai eh, bakit?" ani niya. Ngumiti ako sa kaniya at pinakita ko yung TikTok ni Zai.


Lumaki naman yung mata niya at lumapit pa sakin.

"Haluhh, oo nga nohh, ang galing naman!" ani niya, sabay ngumiti pa sa akin.


Agad naman siyang umalis nang may pagkain daw pala siya sa bag niya, kaya tumalikod ako at tinignan nalang ulit ang TikTok ni Zai. May napansin ako, may kasama siya sa TikTok at lalaki yun. Shocks, familiar sa akin yung lalaki kaya pinindot ko yung video at si Kaifer yun, nuksss, ang sweet naman kahit walang label, tengenee edi sila na, tsk.

Tinapos ko na yung video, hindi ko sinadyang napindot ang comment section, binasa ko nalang ang ibang comment don.


Comment section:

-ayy may boyfriend kana?

-kaiyakk, naol.

-ang handsome naman ng kasama mo atee!!

-ayieee, super pretty mo talaga princess akame!!


Nice naman, princess akame? Kapansinpansin din ang nickname niya, siguro spoiled siya kaya kung ano ang gusto niya nabibigay agad. Nag-tatampo siguro si Zai kapag hindi naibibigay ang gusto pero hindi naman siguro ano? Hehehehe.


Agad akong napatingin sa kinauupuan nila, nagtatawanan pa rin sila. May naalala ako, yung picture nila sa photo ko nang nag-kiss sila kanina. Nagtatago lang ako kanina sa labas eh hehehehe.

Sinend ko ang picture sa account ni Kaifer dahil ang sweet nila dito sa larawan.


Naol, lumalandi kahit walang label.


Agad akong tumingin sa labas at nagmuni-muni nalang. Ang boring naman, hayssttt.



IT WILL BE CONTINUED...
______________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now