CHAPTER 13: Bonding at the Mall

34 6 0
                                    


Kainnazai POV


Kinaumagahan, nagising ako ng maaga dahil sa lamig. Di naman kami nagbabayad ng kuryente, ilang taon pa bago magbayad kaya wala akong pakialam sa aircon. Mayaman naman kami, HAHAHAHA. Charot.


Kinuha ko ang aking kumot at hinigit ito, nakatalukbong sa akin.


"Zai, wake up, it's too early," sabi ni Kaifer.


"Shhh, I need 5 minutes more please," sabi ko habang naka-pikit ang mga mata, inaantok pa ako.


"It's 8:00 am now, wake up. Kanina pa kami gising, nasa baba na sila, tayo na lang ang hindi," sabi niya.


Teka? Tayo? Bakit hindi pa tayo bumaba?


"Tayo? Bakit hindi ka pa bumaba?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at pinilit akong bumangon.


Nakakainis naman, naantok pa ako eh...


"Wake up now, you need to take a bath," sabi niya sabay binuhat ako papuntang CR, hiniga niya ako sa bath at iniwan mag-isa.

Sarap sa pakiramdam dito sa bath hehehe.


Agad kong sinabon ang katawan ko at shinampuhan ang buhok ko, sabay nagbihis. Ay, teka? Bakit crop top ito? Croptop siya na may bitones, may estilo na polo pero crop top ang ganda tas may palda na medyo mataas sa tuhod ko, sabay sombrero na kulay brown.


Sinuot ko 'yung damn aesthetic hehe kaya ayun nalang sinuot ko. Tas nag-sapatos ako, may shoulder bag din ako.


"Wow, you look nice, I have a great choice in your outfit today," sabi ni Kaifer, so? Siya pala nag-handa non? Sabagay, maganda naman.


"Ikaw ba nag-handa nito?" tanong ko sa kanya. Tumango-tango lang siya, at pansin ko naka-bihis sila lahat. Anong meron?


"Aha! Let's go to the mall," sabi niya, kaya tumango ako, agad kong kinuha 'yung pera ko para makabili ng Wattpad books at damit na croptop din.


"Ate Zai, bagay sa'yo ito," sabi ni Axel, ngumiti ako sa kaniya.


"Samahan niyo rin ako magpapagupit ng buhok ha?" sabi ko na kinataka nila.


"Ang haba kaya ng buhok mo tas ipapagupit mo?" Sabi ni Angelo.


Tumango-tango ako at agad sumakay sa van.

"Sa mall na ako magpapagupit sa salon," sabi ko, tumango-tango sila at agad nang pumunta sa mall. Ang tagal nga ng byahe, hayst, nakakainip amp.


Ilang oras na ang lumipas at naka-rating na kami. Yes!


I'm so excited!! Hehehe.

"Samahan niyo ako ah," sabi ko.


"Bibili pa ako ng pagkain," sabi ni Axel.


"May bibilhin pa kami eh," sabi naman ni Angelo.


"Ako na lang ang sasama sa'yo, tara," sabi ni Kaifer. Ngumiti ako at pumunta sa salon. Mahaba na ang buhok ko kaya ipapagupit ko na.


"What hair style do you like, ma'am?" tanong ng mag-gugupit.


"Wolf cut," sabi ko. Si Kaifer naman naka-upo lang sa gilid sa likuran ko, kita ko siya sa malaking salamin, nakatingin lang siya sa akin habang ginugupitan ako.


Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-TikTok habang ginugupitan, nag-picture-picture pa ako. Nang matapos na ay binlower ang buhok ko at natuyo na ito.


"Pak, ang ganda, bagay sa'yo gurl!" sabi nung nag-gupit. Bakla pala 'to, grabe ang tinis ng boses, jussmee.

"Thank you po," sabi ko sabay bayad. Napansin kong mahaba na ang buhok ni Kaifer kaya hinigit ko siya at pinaupo sa upuan ko kanina.


"Pagupit din po siya, kimpy," sabi ko, ngumiti naman 'yung nag-gugupit na bakla, at ako naman ang naghintay.


Pagkatapos ay naka-kimpy na siya, ang taray, uh pogiii, tengenee!!


"Lets go," sabi niya, nakangiti pa sa akin.


"Nice, pogi mo, bagay na bagay sayo, suggest ko," sabi ko. Namula ang leeg at tenga niya. HAHAHAHAHAHA.


"Wag kang kiligin, napapaghalataan eh," biro ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako at ngumiti ako.


Agad akong tumakbo kina Axel. Nang papunta na kami kina Axel, nakatulala sila sa amin dalawa ni Kaifer.


"Grabe, bagay sa inyo," sabi ni Jaxon.


"Ang ganda mo tapos ang pogi niya," sabi naman ni Jake.

"Grabe, pre, gusto na kita," sabi naman ni Axel kay Kaifer.


"What the héck, Axel," sabi naman ni Kaifer. Tumawa lang si Axel sa kanya at nagsabi ng "joke lang," at ang mga hambog ay tawa ng tawa lang.

"C'mon, let's eat," sabi ko, agad kaming pumunta sa Mang Inasal at sila na ang umorder, naka-upo lang ako habang nagce-cellphone, ng may tutang tumahol sa paanan ko. Tinignan ko siya, haluhh, OMGG ang cute nya!!


Ang cute, ang balbon pa nya.


Agad kong binuhat 'yung tuta at hinahug ko sya.


"Nasan amo mo? Ang kyut mo naman," sabi ko. Maya-maya ay may naramdaman akong presensya sa likod ko, kaya tumingin ako doon. Pogi din naman yung boy pero wala akong pake hehehe.


"AH, sayo 'to? Ang kyut nya ito oh," sabi ko, sabay abot ng tuta. Ngumiti sakin yung lalaki.


"I'm Kurt Zane Cynz, call me KZ," sabi nya, sabay abot ng kamay. Akmang aabotin ko na sana nang may unang umabot non...


Kaifer?


"Kaizo Kaifer Salvador," sabi nya, nakatitig lang yung boy na nagngangalang Kurt Zane Cyns sa kanya at binitawan na nila ang kamay.


"I ask her name, not yours," sabi nong Kurt Zane Cynz.


"She can't say her name without my permission," sabi nya, tinaasan ng kilay ang boy.

"Hoy, tama na 'yan. Umupo ka na, Kaifer. Sige kuya, pwede na po kayong umalis," singit ko bago pa sila mag-away.


Agad umalis yung boy at pumunta ng ibang kainan, agad akong umupo at kumain kami. Pagkatapos, pumunta kami sa National Book Store at hinanap ko 'yung Wattpad Books section. Naghahanap ako, ay nadatnan ko si Kaifer na naghahanap din ng libro.


Eh, nasa Wattpad Books siya??


"Anong hinahanap mo dyan?" tanong ko sa kanya.


"Books, Wattpad Books," sabi nya, tumango ako.


Wattpader din pala tong kumag na 'to eh.


"Ahh, meron na akong nakuhang Wattpad books, pupunta lang ako sa counter ah," sabi ko, saka lumapit sa counter kasunod ko lang siya. Madami akong hawak kaya tinulungan na niya ako. Sabi nya kasi tutulungan nya daw ako eh, agad kaming lumabas ng NBS.


Ang dami kong nabili hehehe.


Next naman, clothes???




IT WILL BE CONTINUED...
________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now