CHAPTER 1: New School

115 9 5
                                    


Kainnazai POV

"Hayst, may pasok agad bukas? Parang ang bilis naman, nakakainis!" bulong ko sa sarili. May pasok agad, nakakainis talaga dito.

"Kainnazai!! Kumain ka na, may pasok ka pa bukas!!!" Sigaw ni Tita Jenna sa kusina.

Parang speaker ang lakas sumigaw.

"Oo na, Tita!!!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko. Ano ba ang akala niya, magpapatalo ako? Tsk tsk tsk.

Lumabas na ako ng kwarto at alam mo na, mag-e-ensayo ako ng English version.

"Kumain ka na,Kainnazai, at matulog ng maaga," ani ni Tita. Akala naman neto, nagpupuyat ako. Haha.

Pero hindi talaga ako natutulog minsan.

"Ok, Tita, your wish is my command," ani ko sa kanya sabay ngiti. Ngumiti lang siya sa akin at hinanda na ang pagkain, HOTDOG.

At maya-maya, bumaba na ang aking kapatid na si Zander. Kasama niya ang kanyang mga tropa na Scorpio at Capricorn. Baka batukan ako nito.

"Zander, kumain ka na, may pasok ka rin bukas," ani ni Tita kay Zander. Suplado itong kumag na ito, hindi diretso umupo sa harap ko.

"Zander !" Tawag ko sa kanya. "Sabay tayo bukas," ani ko sabay may halong excitement.

"Manigas ka," aniya, biglang bumagsak ang balikat ko. Ang sungit talaga nito, wala naman akong ginagawa, bwisit.

"Talaga!" Sigaw ko sa kanya sabay kumain ng hotdog.

"You see, I'm reading, you're so loud!" Sigaw niya sa akin. Nakakainis talaga siya amp, kutusan ko to.

"Eto na, hindi na ako iimik," ani ko sabay tumayo dahil tapos na ako kumain. Tumakbo na ako papunta sa aking kama.

"Bwisit," bulong ko, nakakairita talaga.

Kinabukasan...

At nagsimula na akong pumunta sa banyo at mag-relax. May pasok pa kaya tinapos ko na agad ang pagligo at nagbihis. Hindi ko muna sinuot ang uniporme ko, ang ikli, kita na ang tuhod ko.

"Bagal mo!" Inis na sigaw ng kapatid kong panget. Gwapo naman kahit ganyan siya. Duhh.

"Oo na, nagme-medjas lang ako," ani ko sabay lumabas ng kwarto at sumakay sa kotse niya.

Tahimik lang kami pareho sa loob ng sasakyan niya. Ayoko namang umimik, baka magka-sungay pa.

"Get off the car, ano pang hinihintay mo?" Hindi ko na napansin na nandito na pala kami. Nakatulala pa ako,na lutang pa yata.

"Ay sorry, my brother," sabay ngiti ko sa kanya. Tinarayan pa ako ng bwisit na ito. Diretso na ako pumasok sa school, hindi ko pa alam kung saan yung Section Sapphire.

At nakita ko ang isang babae, tahimik siya sa gilid. Tinanong ko siya dahil gusto ko. Kaya diretso ako sa kanya.

"Hi miss, where's Section Sapphire?" tanong ko sa kanya. Mukha siyang sobrang gulat, parang first time niya makakita ng ganto ka-ganda.

"Ah, doon pa sa second floor. By the way, may kakilala ka doon? Ano name? Baka crush ko 'yun?" aniya. Nagulat ako sa tanong niya, wala akong kakilala doon, kakatransfer ko lang.

"What did you mean, miss? I'm in Section Sapphire," sagot ko at ngumiti. "Are you serious? HAHA, don't tell me you're the only girl in Last Section Sapphire?" sabi niya. "I don't know, I'm a transferee," ani ko may pagkakunot ang nuo dahil sa sinabi nyang Last Section, ngumiti sya habang tinaasan ko siya ng kilay.

Kaya umalis na ako, baka masapak ko pa itong babae. Pumunta ako sa second floor at hinanap ang section ko. May isang room doon na naka-lahay sa gilid,Last Section Sapphire.

Ito na 'yun!

Kinatok ko ang pinto ng section ko, at may nagbukas ng pinto. Pero sinara ulit. Maya-maya, binuksan ulit nila. May itsura naman itong lalaki na ito, pero ang sama ng tingin sa akin, naka-cross arm pa.

"Who are you?" tanong niya, naka-taas pa kilay. Bwisit talaga ito.

"New classmate, can I go inside? Kanina pa ako naka-tayo dito," walang gana kong sagot sa kanya.

Tinaasan lang niya ako ng kilay at ngumiti pa. 'Are you serious, miss? Baka nagkakamali ka?' natatawa niyang sabi sa akin.

"When I punch you, I make you cry."

"I'm Last Section Sapphire, can I go inside?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya, sabay binuksan ng malaki ang pinto. Nakatingin sa akin ang mga lalaki, kaklase namin.

"Who's her?" tanong ng isang lalaki sa gilid. 'Our NEW classmates,' diniinan pa talaga ang "new." Huh? Pag sinapak ko 'to, e.

"New classmate? Pero babae siya?" aniya, tinaasan ko siyang kilay. Duhh, porket babae.

"Porket babae? Pag sinapak kita diyan, lalaki, harap-harapan mo," ani ko at tumawa.

"Tsk, what if I punch you?" sabi niya at tumawa ulit. "Try me if you can," sabi ko sa kanya.

Tumayo siya at akmang sasapakin ako, ngunit


IT WILL BE CONTINUED...
--------------------------------------------

: THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now