CHAPTER 11: Unexpected Bonds

29 6 0
                                    


Kainnazai POV


"let's go, we will visit your house, we will take you there," aniya ni Kaifer, kaya't tumango ako.


Tumayo ako at inayos ang aking gamit. Papalabas na sana ako pero nauuna na sila, si Axel naman ay nakakapit sa aking braso, sabay raw kami.


"Ate Zai, doon ako matutulog sa  bahay nyu," aniya. Ikinagulat ko iyon, bakit siya matutulog doon gayong may bahay naman sila?


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.


"Wala lang," sagot niya. Tumango ako sa kanya.


"Sige, tara na," sabi ko. Nauna sila sa van kaya pagpasok ko doon, parang linta si Axel, naka-dikit pa rin sa akin.


"Zai, saan bahay n'yo?" tanong ni Jaxon. Binigay ko sa kanya ang address. Pagdating namin sa bahay, este mansion, namin, aniya, "Mayaman pala kayo, Zai?"


Tumango lang ako at pumunta sa gate.


"Ah, manong, kaklase ko po," sabi ko kay Manong. Ngumiti naman si Manong at ganun din sila.


"Sige, ma'am, pasok na po kayo," sabi ni Manong.


Agad kaming pumasok at nauuna pa sa akin ang mga kaklase ko. Parang tanga, diretsyo sila sa sofa at binuksan ang TV.


"Feel at home?" tanong ni Yaya habang nakatingin sa mga hambóg kong kaklase.


"ija, kilala mo 'yan?" tanong ni Yaya.


"Ah, kaklase ko po, nasaan po sila mommy?" tanong ko sa kanya.

"Umalis sila, mag-o-out of town daw muna sila," sagot ni yaya kaya't tumango ako.


Pagpasok ko sa aking kwarto, ganun pa rin. Buti na lang, hindi magulo. Magwawala talaga ako dito.


Agad akong nagbihis ng dress. Oo, nagde-dress ako, minsan t-shirt na panglalaki, minsan hindi.


Agad akong kumuha ng sampung damit na panglalaki at short na panglalaki, ibibigay ko sa kanila para makapagbihis. Maganda naman ang mga damit na kinuha ko para walang arte.


Agad kong ibinaba at hinagis sa kanila.


"Para saan 'to?" tanong ni Jake.


"Para kainin mo," pabiro kong sagot sa kanya. Tawanan naman ang mga hambóg kong kaklase. "Ibihis n'yo muna... Ito, oh,Axel , suotin mo, dito ka matutulog, diba?" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at takang tiningnan ng mga hambóg.


"Dito na lang din kami tutulog, Zai" sabi ni Jake.

Napangiwi nalang ako.


"Oo na, magbihis na kayo. Kung gusto n'yo maligo, doon mayroon. 'Wag sa kwarto ko ah," sabi ko. Tumango naman sila. Ako na lang mag-isa sa sofa kaya't pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref.


Kukuha lang ako ng Chuckie at chocolate. May mini-ref pa ako sa kwarto ko kaya sobrang dami kong chocolate doon.


Maya-maya ay naka-baba na ang mga kaklase ko. Tapos na ata.


"Zai, tabi tayo mamaya ah," tumango na lang ako sa sinabi ni Nathan. Bata pa naman siya, mga 14 years old, habang kami ay 17. Diko nga alam, pero ang swerte niya, sobrang talino kasi, kaya ganun ka-grade namin siya.


Di naman masama kung magtatabi kami. Bata pa naman siya, parang kapatid.

"Sige, ikaw na ang bahala," sabi ko. Agad naman siyang tumabi sa upuan ko at kumuha ng chocolate.


"Maraming salamat," sabi niya. Hindi ko napansin na nakatingin pala sa amin ang iba.


"Ay, wala na? Penge naman kami," sabi ni Angelo.


"Sa ref," sabi ko. Nag se-selpon kasi ako kaya hindi masyadong naging maingay.

"Saan kami matutulog, Zai?" tanong ni Jaxon. Napatigil ako sa aking ginagawa.


May guest room naman kami. Doon na lang kaya?

"May guest room kami, kung gusto n'yo doon kayo," sabi ko sa kanila.


"Pano kayo ni Axel, saan kayo?" tanong naman ni Angelo habang kumakain ng chocolate.

"Sa kwarto ko," sagot ko. Sila'y agad napatingin.


"No! Kami rin dapat doon!" sabi ni Jake.


"Mag-siksikan tayo doon? Doon kayo sa sofa sa loob ng kwarto ko HAHAHA," sabi ko sa kanila.


"Edi sa kama na lang kayu at sa foam nalang kami may foam pa naman kayo, di ba?" ani Jake. Tumango na lang ako at bumalik sa pag-se-selpon.


Gabi na kaya pagkatapos naming kumain ay diretsyo na kami sa kwarto ko.


"Nakakahiya sa kwarto mo, ang linis," sabi ni Jake.


"Wag lang kayo magdumi, may basurahan naman dyan kayo magtapon" sabi ko. Sabay umupo sa kama ko.


"Zai, nasaan ang foam?" tanong ni Angelo.


Tinuro ko ang malaking kabinet ko.


"Dun nakatiklop, kunin n'yo at ilatag n'yo dyan malapit sa TV," sabi ko. Oo, may TV ako sa loob ng kwarto ko, ang saya nga eh.


Agad nilang nilatag yun at si Axel tumalon sa kama ko, kaya napatalbog tuloy ako, muntik pa akong mahulog. "Humiga kana, Axel, wag kang tumalon, mahuhulog ako," sabi ko kay Axel. Agad namang humiga siya at ako ay naka-sandal sa unan, naka-upo, tapos ang kamay ni Axel ay nakayakap sa akin.


"Sarap ng pakiramdam naman, ate," sabi ni Axel. Ngumiti lang ako sa kanya, tapos inilagay niya ang ulo niya sa tagiliran ko. Malawak naman ang aking kama kaya hindi naman masyadong mainit, at may aircon pa ako.


"Dito na ako," sabi ni Kaifer sa kabilang side ko. Taka akong tumingin sa kanya, pero humiga na siya at yumakap din sa akin, hindi ko na tinanggal, dahil nagse-selpon ako.


"Zai, nagugutom ako," reklamo ni Jaxon.


"Dyan sa mini-ref ko," sabi ko. Agad na tumayo siya at kumuha. Nagulat ako, gising pa pala 'tong kumag na 'to, agad siyang tumayo at direcho sa mini-ref ko.


Maya-maya ay dumidiin yung yakap sa akin ni Kaifer, taka ko naman siyang tinitignan, hindi yata tulog ito. Naka-yakap siya sa akin, mas mataas ako, ngunit biglang tinaas niya ang ulo at tiningnan ako. Taka ko naman siyang tinitignan, agad niyang pinatong ang ulo niya sa akin habang may yakap.


Pinaglaruan ko na lang yung buhok niya habang naka-ganoon. Ang lambot at ang bango ng buhok niya.


"Ate oh," sabi ni Axel, sabay abot ng Chuckie.


"Salamat," sabi ko naman.


"Bakit naka-ganyan siya?" tanong niya kay Kaifer.


"Yaan mo," sagot ko. Tumango siya at tiningnan ko ang mga hambóg, ayun, kumakain yung iba, tulog na.

Binuhat ko nang mahina ang ulo ni Kaifer at nag-ayos ng paghiga. Mas mataas siya sa akin ngayon at niyayakap niya ako habang nangyayari ang kanyang pagtulog.



IT WILL BE CONTINUED...
__________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now