CHAPTER 20: Unexpected Kiss

16 3 0
                                    


Kainnazai POV


Andito pa kami sa classroom namin, actually para sa akin ang tagal ng uwian. Hayssttt, nakakatamad na nga dito eh. Mukha na nga nila ang nakikita ko sa bahay at mukha pa rin nila ang nakikita ko sa classroom, wala na bang iba diyan? Puro mukha nila lahat ang nakikita ko, nakakasawa na. Charottt! HAHAHAHAHA.


Hehehe, na-e-excite lang ako sa sasabihin ni Cycarioz kay Hera. I don't know eh, pero kinikilig ako sa iba na may relationship. Bakit kasi wala pa ako'ng love life eh. Hayssttt. Kainggit si Hera, may Cycarioz na. Si Yanny may Jake na. Anak ng teteng 'yan, how about me naman at si Xianna? Hahahaha.


"Ayy, tulog si Cycarioz," mahinang sabi ni Axel. Bigla na lang nagbungisngisan ang mga kaklase namin. Hayyy nako, may masamang balak nanaman sila kay Cycarioz, pero wala naman akong pake doon, bahala sila diyan. Agad naman akong napatingin sa gilid ko dahil hindi ako komportable.


Ano nanaman ang problema ng isa na 'to, nakatingin sakin walang iba kung hindi si Kaifer lang habang yung buhok niya naka-kimpy. Agad akong tumayo at kumuha ng dalawang sanrio para matali ang buhok niya. Agad akong pumunta sa likod niya at hinawakan ang buhok niya na ikinakunot ng noo niya.


"What are you doing?" tanong niya sakin. Ngumiti ako at bumalik sa pwesto ko. Kanina, umupo ako sa tabi niya habang naka-ngiti sa kaniya.


"Tataalian ka ng buhok mo," sabi ko. Nawala ang kunot ng noo niya. Nguso siya nang sinabi ko iyon, sinamahan ng puppy eyes hehehe para pumayag siya.


"Ok fine tsk," sabi niya. Agad akong tumayo sa harapan niya at hinawakan ang buhok at tinali yun tapos inayos ang buhok niya.


Pagkatapos kong talian ang buhok niya, agad akong tumingin sa mukha niya. Nakatitig lang siya sakin, napa-iwas naman ako agad ng tingin. Shocks, nakaka-attract ang tingin niya, jusko naman hahaha.


Agad ko'ng pinunasan ng kamay ko ang mukha niya. May pawis ito, kasabay non ay kinurot ko ang pisngi niya. Nakakagigil ang pisngi niya, gagss. Agad naman akong umupo sa upuan ko.


"Done na," sabi ko sa kaniya.


Kinuha niya ang suklay na hawak ko at agad ako'ng pinatalikod. Maikli nalang ang buhok ko gawa ng pagpapa-gupit ko ng wolf cut."


Tinali niya lang ang gitna ng buhok ko at hindi sinama ang bangs ko, kaya parang hindi siya naka-tali dahil naka-baba ang nasa likod nito. Agad akong nag-salamin, maganda naman kaya nag-picture ako. Pagkatapos ko mag-picture, inakbayan ko siya sabay pinicturan, at pagkatapos noon, pinost ko sa Instagram ko. Napangiti naman ako, shocksss, ang cute niya hehehe.


Siguro napansin niya na naka-ngiti ako kaya sinilip niya ang cellphone ko at ang picture namin ang nakita niya doon.


"Cute," sabi pa niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at pag ka-tingala ko, ang lapit pala niya. Napalunok ako bigla sa sarili kong laway habang ang mukha niya naman ay halatang gulat.


Agad naman siyang nag-umisi habang matang nakatingin sa akin.


Para akong naging yelo bigla, hindi agad ako makagalaw, gusto kong tumingin sa baba. Pero hindi ako makagalaw, parang may pumipigil sa akin.


"Hmm?" Ani pa niya habang nakatingin sa akin. Napalunok ulit ako ng laway at nagalaw ko na ang sarili ko, agad akong napalingon sa baba. Whahahaha, ang bilis ng galaw ng ulo ko.


Para akong binuhusan ng mainit na tubig, tangína, nakakaba 'yun ah!!


"Sira kaba bakit hindi ka lumayo," sabi ko sa kaniya. Ngumisi lang ang hambóg at tumingin sa akin, agad siyang umupo sa tabi ko.


"I don't want to do it," sabi niya. Ano daw? Ayaw niya lumayo!? So gusto niya talaga akong halikan ako?...


"B-bakit n-naman?" tanong ko sa kaniya, na may kasamang pagkada-utal-utal na salita.


"Because," ani niya habang lumalapit sa akin. Ako naman, layo ng layo, tumingin ako sa gilid namin, walang tao? Haluhh, andito lang sila kanina ah?


"I," ani niya pa habang ako atras ng pa-atras, "want that," dagdag niya pa sa sinabi niya.


Muntik na akong mahulog sa upuan ng bigla niyang ipulupot ang kamay niya sa bewang ko, dahilan para mag-lapit kami. Naka-dikit ako sa dibdib niya, napangiwi nalang ako at ngumiti siya sa akin.


Pinipilit ko siyang pinalalayo, pero ang tigas ng katawan at bungo niya, hindi ko siya matulak at lalo niya pang pinagdidikit. Jusko, to'ng hambóg na 'to, hayssttt.

Gusto ko na lang magpalapa sa lupa.


"Ohh shit," ani niya sa akin. Napalunok nalang ako.


"A-anong o-oh s-shit ka diyan?" ani ko, nauutal na ako tengene.


Agad niyang nilapit ng kunti ang muka niya at
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At hinalikan niya ako!.


Saglit lang 'yun, hindi pa ako nakakaayos ng upo, bigla niya akong binitawan, at dahilan na 'yun para mahulog ako. Pero hindi ko sinasadyang higitin siya papunta sa akin, at dahilan para kaming dalawa mahulog sa kinakaupuan namin.


Natulala nalang ako habang nakatingin sa kaniya, hanggang sa napagtanto ko yung pwesto namin. Naka-dapa siya sa akin, agad ko naman siyang tinulak palayo sa akin at agad na umupo.


"Kainis, hayssttt," ani ko habang pinapagpag ang palda ko na nadumihan.


"Hinigit mo ako eh," ani niya.


Nakakainis talaga 'tong lalaki na 'to, ang sarap sapakin.


"Ay wow ahh ang galing, so kasalanan ko pa? 'Kung hindi mo kasi ako biglang binitawan, hindi pa ako nakaayos ng upo eh huhuhu," ani ko. Inis ko naman siyang tinignan at agad umupo sa upuan.


Tumayo naman siya at tumabi sa akin.


"Edi sorry naman," sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tumango sa desk, nakatingin lang ako sa bintana. Sa gilid, may naka-yakap sa akin, pagharap ko ay si Kaifer, sabay nakapatong ang ulo niya sa likuran ko. Pakiramdam ko kinikilig ako. Wahahahahaha.


"Ano ang ginagawa mo diyan?" tanong ko sa kaniya.


"Wala lang, gusto ko lang dito eh," sabi pa niya. Tumango ulit ako at habang nakatingin sa bintana, ay napatingin ulit ako sa kanya. Ganun pa rin ang pwesto niya, ngunit makita ko siya, may hawak siyang cellphone.


Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Tinitignan ko siya, pero naka-talikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang mukha niya pag naka-ngiti. Gusto ko sana makita.


Hindi ko na lang pinansin 'yun, at agad kong pinikit ang mga mata ko para matulog.




IT WILL BE CONTINUED...
____________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now