CHAPTER 18: Class Banter and Unexpected Kindness

24 4 0
                                    


Kainnazai POV


"Grabe, sa buong buhay ko, ngayon ko lang narinig mag-sorry ang isang Kaizo Kaifer Salvador HAHAHAHAHAHAHA!" sabi ni Jake at sabay tawa ng malakas.


"What? I don't say that word," tanggi ni Kaifer.


Nagdedenay pa siya, eh rinig na rinig na nga amp...


"Luhhh, may pa 'What? I don't say that word' kapa eh, rinig na rinig na ng dalawang tenga namin," sabi rin ni Jaxon.

"Hayssttt, ang ingay niyu naman, natutulog 'yung tao dito eh," ani naman ni Axel sa gilid. Kaya pala hindi ko naririnig kasi nandito sa gilid, ang galing din itong isa na ito, eh.


"Kanina kapa ba tulog?" tanong naman ni Cycarioz.


"Of course naman," pagmamalaki ni Axel.


"Arayy!!" daing niya nang binatukan siya ni Cycarioz.


"At talagang pinagmamalaki mo pa, bobo ka," sabi pa ni Cycarioz.


Ko'ng makapagsalita si Axel, akala mo mas matanda pa siya kay Cycarioz, eh.


"Bwisit kang bata ka talaga!" Sigaw ni Cycarioz.


"Don't call me bata, I'm not a kid either!" sigaw naman pabalik ni Axel.


Wow, nag-English si batang hambóg hahahaha.


"Ayy wow naman, beh? Sinapian kaba? Ikaw bayan? Hahahaha," ani ko habang natatawa.


"Of course it's me, the most handsome here in Section Sapphire," dagdag pa niya.


"Ayyy grabe ba."


"Manigas naman kami!"


"Ayy, hambóg talaga."


"Pahinaan naman ang aircon."


"Sobrang init, wala nga tayong aircon, bobo ka rin ba?"

"Sipain kita, kikimkim wag kang kumuntra."


"Confidence yarn HAHAHAHAHAHA."


Kumento ng mga classmates naming hambóg din.


Agad kong binuksan yung chuckie ko, sabay inum habang nagtatalo sila at binuksan ko na din ang mini-fan ni kuya ko na nakatutok lang sa akin. Paki niyu, madamot ako eh hehehe.

"Ok na kayo? Pwede na kayo maupo sa kanya-kanya niyung upuan, init eh," sabi ko. Ang init ba naman, nakaikot pa sila sa akin.


"Ahhh, sige."


"Ang daya mo naman."


"Hindi naman tayo naglalaro eh."


"Bobo talaga nitong HAHAHAHAHA."


"Ewan ko sa inyu."


Agad silang naupo sa upuan nila, at ako? Kumakain ng apple, iniisa-isa ko pa hehehe.


Agad na tumayo si Kaifer at kumuha ng first aid kit, sabay umupo sa tabi ko.


"Itaas mo 'yang damit mo," utos niya sa akin.


"Gàgó ba you? Bakit ko itataas?" ani ko, nakakagulat naman 'to, jussmee.


"Remember, namumula 'yang tagiliran mo, so itaas mo 'yan at gagamutin ko," sabi niya. Kaya nagpeke ako ng ngiti, sabay tinaas ko 'yung damit ko.


"Don't worry, hindi naman kita yung ano mo ha ha," sabi niya pa ulit, sabay fake na tawa. Edi wow hahahahahah.


"Ikaw kasi eh, kinurot mo pa ako huhuhu, namumula tuloy amp," sabi ko sa kaniya, sabay dinuro-duro ko siya.

"Don't move!?!" Inis niyang sabi sa akin. Kaya tumahimik ako at hindi na gumalaw pa.


Papansin kasi lagi amp, kainis kasi, kinurot pa tagiliran ko...

"It's done, you can move now," sabi niya sa akin. Kaya gumalaw na ako, tinignan ko pa 'yung tagiliran ko, eh, hindi na siya namumula at may band-aid na din. Ngumiti ako sa kaniya.


"Thank you hehehe," sabi ko sabay subo ng apple ulit.


"Tsk!" ani niya, inang 'to siya pa galit amp.


"Ikaw pa galit diyan," bulong ko.

"What?" sabi niya sa akin, nag-face ako ng ngiti.


"Wala, sabi ko, pogi mo oo," sabi ko sabay ngumiti ulit.


"Bingi na ata 'to," bulong ko ulit.


"What are you talking about?" Inis niyang sabi sa akin.


"Wala nga," sabi ko, sabay tingin sa kaniya na kakunot ang noo niya, nakatingin sa akin, malapit lang pala siya sa akin. Ehh, wala ba siyang narinig kaya sa sinabi ko?


"Narinig mo ba ang sinabi ko?" tanong ko.


"Ahmm," tumango-tango naman ang ulo niya.


"Narinig mo naman pala, bakit nag-sasabi ka pa ng 'what'?" Sabi ko sa kaniya na may inis.


"I just want to know if I heard it real or not," sabi niya. Napangiti naman ako dun. Luhhh, sinisigurado pa siya amp.


"Nagkukunwari ka pa na hindi narinig, kunwari ka pa," pilosopo ko'ng sabi sa kaniya.


"Tsk," sabi niya.


Iniinis talaga ako nito ehhh.


Kringggggg!!!!!


Recess na!!!


Natapos na ang mga subjects namin na walang ginawa kundi tumunganga lang HAHAHAHAHAHAHA.


Mabait na bata talagaaa, shitt nga naman...




IT WILL BE CONTINUED...
________________________________
:THE LETTERS ARE NOT INTENTIONAL.
: OPEN TO ANY CORRECTIONS.

The Only Woman ln The Last Section Sapphire: Section Series#1(ONGOING)Where stories live. Discover now