"Goodluck, vien! Kaya mo yan!", pangche-cheer up nila sa akin dahil ako na yung susunod na mag present ng thesis ko.
Heto medyo kinakabahan pero kakayanin dahil ga-graduate na ako kapag makapasa ako sa thesis ko.
Panay cheer up ng mga kaibigan ko ng mag echo na yung speaker.
"Vienna Yvonne Magansini", sabi ng nasa speaker. "Oh ayan na, huwag mong pataasin yung nervous mo ha pataasin mo yung confidence mo kaya mo yan!", ani ni ysabelle sabay pat ng balikat ko, sina abigail at roy tumatango-tango rin, basehan na sumasang-ayon sila kay ysabelle.
Tumayo na ako at lumakad papasok sa silid. Agad akong tumungo sa gitna at inilapag yung papers ko.
Apat yung professor na humaharap sa akin at sila rin ang tatanong sa akin. "You may start now", sabi ng isang professor na babae at tumango ako.
Minutes had passed at nakatapos rin ako. Wala rin silang bad feedback sa akin at umalis na ako pagkatapos kong mag thank you.
Pagkalabas ko ng pintuan, sumalubong kaagad sina ysabelle, abigail at roy sa akin. "Oh okay ba?", atat na tanong ni ysabelle sa akin at nagpa-as-if akong malungkot.
Tumaas yung kilay ni roy at bumewang naman si abigail, si ysabelle naman parang mag-e-emotional. Hindi ko na kinaya at nagsalita na, "It's a prank, okay na HAHAHA kayo oo para kayong mga magulang ko, mas concern pa kaysa sa akin e", sabay hampas sa kanilang tatlo.
Binatukan rin ako ni ysabelle sa ulo at hinampas-hampas ni abigail sa braso, pero mas lalong humalakhak ako dahil sa mga reactions nila.
Nilapitan ako ni roy at hinablot yung papers ko sabay sabing "Napakabruha mo talaga para mag acting ng ganyan", at inirapan pa HAHAHA, Oa talaga nitong baklang to kailan ma'y hindi talaga nagbabago.
"Tara na ngang cafeteria, nagugutom na ako eh", ani ko't naglakad na papuntang cafeteria. Malaki ang University na'to at private.
Pinag-aral ako ng mommy dito since gusto nila na maging businesswoman ako kagaya nila at maging business minded din.
Hindi talaga ako sang ayon sa kanila kasi ayaw kong maging tagapagpana ng kanila negosyo which is illegal.
Walang may nakakaalam kahit yung tatlong kong kaibigan para rin sa aming privacy.
In short we are a Mafia Family pero patago iyon. Walang may nakakaalam kundi yung mga ka sosyo at ka partnership lang namin sa negosyo.
Pero nag-iisip ako na magpatayo ng negosyong legal at hindi kagaya sa kanila. Naisipan ko ring i discuss ito kina mom and dad, at kinakabahan na sa mga susunod na mangyayari.
Naramdaman ko na yung kaba at hindi pag sang-ayon nila pero kaya ko silang malaglag sa aking kagustohan.
Gagamitin ko yung pagiging only child ko para sa aking kapakanan.
5 MINUTES LATER...
"Oh vienn? Bakit tahimik kalang kanina habang naglalakad tayo papunta dito?", tanong ni roy sa akin.
Kakarating lang namin dito sa cafeteria at sina abigail at ysabelle naman ay kumuha ng makain at mainom namin. "Ano pala yung pina-order mo roy?", pag change topic ko kay roy at kitang kita yung curiosity sa mga mata niya.
"Alam mo, alam kong may tinatago ka sa aming tatlo, nafe-feel ko eh", ani niya. Medyo kinabahan ako pero nilakasan ko yung loob ko at sinagot ng katapangan yung sinabi niya.
"Kung meron nga ba, at ano iyon?", tanong ko sa kanya. "May boyfriend kana no?", sabi nito at binatukan siya sa ulo. "G*go kaba? Ha? Paano naman ako magkakaroon ng boyfriend eh binabawalan nga ng mommy", sabi ko sa kanya at inirapan sya.
"Hoy huwag kang pabatok batok diyan ha nakakapikon kana","At sino naman nag sabi sayo na mag open up ka ng tanong kung may boyfriend na ako nu?", pangbubulyaw ko sa kanya at biglang dumating sina ysabelle at abigail sa kinauupuan namin.
"Oh tama na yang pagpipikon nyo sa isa't isa para kayong mga bata", ani ni ysabelle at inilapag na nila ni abigail yung pagkaing inorder namin.
Hindi na kami nagbatiran pa at kinuha nalang yung pagkain at kumain na ng tahimik.
"Alam nyo guys may chismis ako", ani ni abigail at inulpotan naman ng salita ni roy, "Ikaw talagang babae ka hindi ka talaga nauubusan ng chismis, pakachismosa", "Aba baka nakakalimutan mo ha, nakikichismis ka din", galit na ani ni abigail pero tumawa na lamang kami ni ysabelle, ang cute nilang tignan. Magsasalita na sana si abigail ng mag ring yung phone ko...
"Sagutin mo muna baka importante 'yan", ani ni ysabelle at tumango na lamang ako, kinuha ko yung phone ko na nasa loob ng bag ko at tiningnan kung sino yung tumatawag...
CALLING...
UNKNOWN
Ha?. Unknown? Eh sino to? Ani ko sa isipan at pinatay yung tawag.
"Bakit mo pinatay?", tanong ni abigail at tinaasan ako ng kilay. "Not interested, especially unknown eh", sagot ko at kumuha ng fries at isinubo sa bunganga ko.
Hindi ko pa nga natapos kainin yung fries na nilagay ko sa bunganga ko na mag ring na naman ulit.
"Sagutin mo na baka importante or one of your parents yun", ani ni roy. Wala na akong magawa at tumayo, "Excuse me", pag-e-excuse ko sa kanila at tumungo sa labas malapit sa inuupan naming apat.
ON CALL...
Vienna (me) : "Hello?", cold kong tanong sa kabilang linya.
Unknown: "Your father wants you to marry me on the next month so get ready".
Vienna (me) : "WHAT?! Are you serious? Can you stop blackmailing me, you're not funny", anas ko.
Unknown: "I'm f*ck*ng serious!",sigaw nito at dahilan ng uminit yung ulo ko.
Unknown: "Go ask your dad so you can be exact!", dagdag pa nito, magsasalita pa sana pero pinatay ko na kaagad yung tawag at tumungo pabalik sa kinauupuan naming apat.
I put my phone on a silent mode para hindi ko na marinig yung tawag niya if ever na muulit pa iyon.
Hindi na ako nakapagpaalam sa kanilang tatlo at kinuha na yung bag ko't lumabas na para umuwi.
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
HELLO DEAREST READERS, I HOPE YOU LIKE THIS VERY FIRST CHAPTER OF MY "VIENNA". DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT, LUVYA'LL❤❤❤
YOU ARE READING
Vienna
RomanceVienna is a Mafia Princess who tried to ran away from her nasty life. She was force to marry a man she just know by chance in order to build her legal business. Therefore her life, from peace to hell, and pain to love.