Chapter 4

0 0 0
                                    

Mabuti naman at nakarating ako ng maaga, malayo pa sa oras ng pasok ko kaya pumunta muna ako sa cafeteria para ipagpatuloy yung almusal kong naputol kanina.

Nandito na ako ngayon sa linya, kumuha ako ng soup, rice, tocino at hotdog, sa drinks naman at tubig lang, nakapag juice naman kasi ako kanina sa bahay.

Pagkatapos kong kumuha ng pagkain pumunta na ako sa bakanteng upuan at lamesa at inilapag yung pagkain kong nasa tray, umupo na ako at kumain.

Patapos na akong kumain ng makita ko sa malayo yung tatlo kong kaibigan, medyo nahiya nga ako kasi ni hindi man lang ako nakapag goodbye sa kanilang tatlo.

Nakita ako nila kaya nag peace sign ako, pero ayon naging furious yung mukha nilang tatlo at dali daling pumunta sa kinauupuan ko.

"What the hell? So hindi mo ba kami kakausapin ha? Magdamag kaming umiingay sa group chat natin pero never kang nag online, ano ba problema mo na bigla ka nalang umalis kahapon?"-"At hindi maipinta yung mukha", ani ni ysabelle at dinugtungan naman roy at abigail.

I sighed, "Wala yun, teka, umupo nga kayo, ang dami daming tao eh nagrarant kayo diyan", sabi ko ng malumanay.

Sumunod nga sila umupo rin silang tatlo at tumingin sa akin ng malungkot rin.

"Ano ba kasi yung nangyari kahapon vien?", tanong ni abigail. "I was just furious ", sagot ko at isinubo yung last spoon ko.

"Furious sa tumawag sayo, oo, pero sino ba yun?", dagdag na tanong ni abigail.

"Let's just find somewhere else ng walang may makarinig sa atin ", sagot ko at ibinalik na yung tray sa counter, bumili na nga rin ako ng soy drink sa vending machine dahil alam na alam kong grabe na naman ang mga salita at tanong na sasagutin ko mamaya.

Tamang tama nag ring na yung bell at dali dali na kaming pumunta sa classroom namin baka mapagalitan pa eh last day na kasi ngayon.

At sa susunod na linggo, graduate na kami.

Sa sobrang bilis naming tumakbo 20 seconds lang nakarating na kami, actually nasa harapan lang naman ng cafeteria yung building namin kaya malapit lang naman, PLUS, tinakbuhan pa, kaya ayon, nakarating nga sumakit naman yung tagiliran ko.

Hinawakan ko nalang at hinimas himas ng hindi nila makita dahil alam kong matataranta na naman sa kawalan ang tatlong to.

Nakaupo na nga kaming lahat at hinihintay nalang yung pagdating ng professor namin.

Hindi nagtagal ng limang segundo dumating na nga, ayaw mag pa chismis eh kaya ayon dumating kaagad.

Pagkapasok niya tumahimik kaagad kami at ng straighten up ng mga upo.

"Good Morning my dear future businessmen and businesswomen, today is the last of your 4 year course in this University.

And i am proud to say that everyone of you had passed and to graduate", ani ng professor namin at nagsipalakpakan na ang lahat.

Kasunod n'on ng pag chika chika pero hindi ako nakinig at kinuha yung phone ko, nag open ako ng messenger.

Nakita ko nga na yung tatlo hindi rin nakikinig, nag chi-chikahan rin sa group chat namin, pero hindi ko ito pinansin.

Mas nakuha ng isang user sa message request yung attention ko.

Dahil sa curiosity, binuksan ko ito at binasa ang chat niya.

<MESSENGER >

× [picture] Eleon Diaz phone  (Call) (VideoCall)  (i)

Eleon: Hey Baby Vienn, let's meet tonight, same place like yesterday (with smirk emoji)

Who's the heck is this? Same place daw just like yesterday? What the h*ll! It's him? Yung kumuha ng first kiss ko kagabi? Sh*t this life! Nananahimik na nga ako dito eh ayaw pa talaga akong tantanan kahit sa chat.

And i didn't expect that i was being called by our professor.

"Vienn? Are you okay?", tanong ng prof namin kaya tumayo ako, "Sorry prof", pag a-apology ko at iniyuko yung ulo ko.

"No, it's okay, nakita lang kita hindi maipinta yung mukha mo habang naka titig sa cellphone mo, okay kalang ba?", tanong ulit ng prof namin ng biglang sumulpot ang katabi ko, "Someone's blackmailing her sir", ani niya na ikinataranta ko at tiningnan siya ng masama.

'Ang sneaky talaga, chismosa!' Kaya napakunot noo yung prof namin, "Is that true, vienn?", pag-alalang tanong ni prof.

"No sir, it's okay, hindi ako bina-blackmail kilala ko po sir", pagra-rason ko para walang ng dugtong dugtong tanong.

Kaya nag nod nalang si prof sa akin at siniyasang umupo na.

Hindi ko nga talaga napigilan at nanggigigil na ako sa katabi ko, "If possible please mind your own business ling ayaw mo pati ikaw mapahamak, do you get it?", ani ko sa kanya ng mahinahon habang nakatitig sa prof namin.

Tumango lamang ito dahil nasulyapan ko yung direksyon niya na kitang kita sa muka niya ang takot.

Hindi ko nalang ito pinansin at pinatay na yung phone ko at ng focus nalang sa mga sinasabi ng prof namin.

'KARMA MO YAN KITA MO 'YAN NAPALA MO NAGING CENTER OF ATTENTION KA KASI PURO KA CELLPHONE' galit kong anas sa utak ko habang naka fidgets.

SOMEONE'S POV

Seen?! As in seen?! Tiningnan niya lang?! Sh*t! Baby vienn why are you doing this to me?

"Halos mabaliw na ako sa kakahintay ng reply mo tapos seen lang yung ma receive ko?", exclaimed ko at kinamot yung buhok ko dala sabunot.

Nadatnan ako ni mom na gumaganon kaya tinawanan ako. Nakalimutan ko pala na nasa living room ako ngayon.

Nag pa as if nalang ako na hindi ko nakita si mom.

"Have some coffee son ", ani ni mom habang inilgay sa coffee table yung kapeng pinahanda niya para sa akin.

Pinagtantya niya talagang umiinom ako at sinabing

"So you're not in a good mood dahil hindi ka nireplyan ni vienna, diba?".

Dahil sa sinabi niya natapon ko sa kawalan yung kape ko,

"Mom!", angal ko sa kanya na parang bata.

Nakakahiya talaga tong ginawa ko.

"Don't be too guilty and nervous son, yet impulse yourself, but it's called L-O-V-E", ani niya at tumawa. .

Napa snub nalang ako sa kawalan sa sinabi niya, pero biglang umiba yung reaksyon ko ng maalala ko ulit yung gina kay dad.

"No mom! I will take my revenge for dad!", sigaw ko na rinig sa buong mansyon.

"You really dont understand what's happening, son, not by now but soon, you'll find it out in your own", sabi ni mom at sinipsip na yung kape niya.

Tumingin nalang ako sa bintana na nasa pool yung view.

'Hindi talaga kita maintindihan, mom, dati galit na galit ka at gusto mong maghiganti pero ngayon parang umiba yung ihip ng hangin, ano nga ba yung nangyari' bulong ko sa aking isip at nag paalam na kay mom, dumiretso ako sa kwarto ko para magpahinga.

☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆

HELLO DEAREST READERS HOPE YOU LIKE IT AND DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. LUVYA'LL ❤❤❤

ViennaWhere stories live. Discover now