AIAH POV
Nagising ako ng 6:48 at nagulat ako dahil nasa kwarto ako ni mikha, tinignan ko ng matagal ang mukha niya dahil napaka ganda niya. Sobrang ganda. Lumabas ako sa kwarto niya at pumunta sa kusina, nakita ko sina papa na nagaalmusal na "Oh pa, ma andito na pala kayo, ano oras kayo nakauwi po?" Tanong ko sakanila "kakadating lang namin anak. Asan nga pala si mikha?" Tanong naman ni papa sakin "Ah nandoon po sa kwarto niya nagpapahinga po. Sila po kasi nahirapan kagabi dahil si gwen po at siya ang nagbuhat sa amin kagabi, lasing na lasing po kami kagabi e.. at tsaka andito po sila" sagot ko naman kay papa "haynako kayo talaga, halika na kumain kana" sabe sakin ni mama
Pagkatapos ko kumain ay pumunta ako sa kwarto ko para tignan kung gising na ba sina maloi, pagkapunta ko ay nakita ko sila na mahimbing pa ang tulog kaya pumunta ako sa kwarto ni mikha at nakita na gising na siya kaya tinawag ko "hey mikha" "Yes ate aiah? May kailangan kaba?" Tanong nito sakin "May nangyare ba satin kagabi..?" Tanong ko sakaniya "Ah wala" sagot naman niya "ah sige, pwede dito muna ako?" Tanong ko at tumango nalang siya sa akin
Habang nakahiga sa kama niya ay napansin ko na nagbabasa siya ng libro kaya patagong pinicturan ko siya.
"Mga baliw" sabe ko habang tumatawa
"Huh?" Sabe ni mikha "Ito mikha! Sina sheena" sabe ko naman sakaniya at tinuloy na niya ang pagbabasa niya.