19.

2.3K 31 7
                                    

Mikha POV

Ang dami na nangyayare ngayon nung dumating sila liam at ji.

Hinding hindi ko pa din papatawarin si ji dahil sa ginawa niya, dahil sakaniya hindi na kami nag uusap ni aiah.

Palagi akong nagdadala ng bulaklak at nilalagay sa mesa ng kwarto niya. Hindi niya pa din alan kung sino ang nagbibigay, sigurado si liam ang akala niya. Bakit? Ang sweet kaya nilang dalwa, sino hindi magseselos dun pinagpalit ka sa may betlog.

"Mikha." Tawag sakin, lumingon ako kung sino ang natawag sakin at si aiah.

"Aiah!" Sabe ko at dali dali naman ako bumangon para yapusin ito.

"Okay na ba tayo, aiah? Miss na kita." Sabe ko
"Miss na din kita, mikha." Sabe nito at lalo niya hinigpitan ang yakap.

"Mikha, may plano sina liam." Sabe nito sa akin
"Huh? Ano?" Tanong ko "Nagpaplano si liam na magpakabait sakin para daw mainlove ako sakaniya. Ganon din ang gagawin sayo ni ji. Mikha pinapatawad na kita" sabe nito

"Mikha, pano kung laruan natin sila?" Dagdag nito "huh? Pano?" Tanong ko "Uutuin natin sila, bibigyan natin sila ng mixed signals." Sabe nito sa akin at napakamot nalang ako sa ulo ko. "Haynako, sige. Pero" sabe ko "pero ano?"
"Kiss mo muna ako" asar ko "Mikha lim!" Sigaw nito at hinalikan din naman ako.

Aiah POV

Pagkahalik ko kay mikha ay pumasok na ako sa kwarto ko. Bumungad ang mukha ni liam at pansin ko na hahalikan ako nito, palapit ng palapit mukha nito sa akin at "Uy may sipon ka" sabi ko at umalis ako bigla sa kwarto ko.

Nakita ko si ji na may bulaklak at chocolates na dala.

Sa tingin niya siguro papatawarin siya ng bebe k- joke, hindi ko pa alam kung kami ulit.

"Papa, may tanong ako sayo" sabi ko
"Oh, ano yun?" Sagot nito
"Pa, kung si ji gusto si mikha, okay lang sayo?"
Tanong ko
"Hmm, oo." Sagot niya
Aguy.. Saket mo naman pa..
"Pa isa pang tanong." Sabi ko
"Ano?" Tanong niya
"Pa, kung may mag stepsister, tas gusto nila yung isa't isa. Okay lang ba sainyo?" Tanong ko habang kinakabahan.
"Oo, kung hindi sila magkadugo. Teka, bat mo ba ito tinatanong? May gusto ba kayo sa isa't isa ni mikha?" Sabi nito

STEPSISTER (MIKHAIAH)Where stories live. Discover now