Aiah POV
Pagkadilat ko ng mata ko ay bumungad ang mukha ni mikha na ikinagulat ko. At nakabihis din ito.
"Ay burikat!" Sigaw ko, "Burikat..?" Tanong nito
"Ah wala wala! Saan ka pupunta?" Tanong ko pabalik."Ah, tutuloy na namin gala namin ni jaz" Sabi nito at tumango lamang ako. "At, kain kana don. Pinagluto kita" sabi nito at humalik sa noo ko.
Tumayo na ako para kumain at napansin ko din na umalis na ito. Naninibago ako dahil umalis lang siya ng walang bye? Kiss? Sobrang importante ba ang date nila? Hays kung ano ano iniisip ko.
Mikha POV
Pagkadating ko sa tapat ng bahay nina jaz ay kumatok na ako para buksan niya ito. Gagala nga pala kami ni jaz, dahil gusto ko siya kasama kaysa kay aiah..? Ibig kong sabihin ay gusto ko lang siya makasama dahil antagal na namin hindi nagsasama.
Pagkabukas niya ay napatitig lamang ako sa ganda nito.. huh? No.. may gf na ako.
