MOVIE CLIP 1

252 7 0
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng malalaking alon ng apoy!

"asan ako!?"

"tulong! Tulungan nyo ako! Parang-awa nyo na!"

Yan ang mga paulit-ulit ko na sigaw pero tuluyan parin akong nilalamon ng apoy, pero bakit parang hindi ako nasasaktan?

"anak"

Isang tinig na aking narinig

"ma!!!"

At nagising na lang akong bigla, isa panaginip lang pala

"anak! Buti at gumising ka na, kanina pa kita ginigising kasi late kana sa job interview mo"

Sabi ni mother Teressa, ako nga pala si Jay Reyes, graduate nako sa college at ngayon ay may job interview pala ako, kaya dali-dali ko'ng kinuha ang twalya at binilisang pumunta sa banyo at naligo

Habang naliligo ako, gusto ko pa lang sabihin na nakatira ako sa isang bahay ampunan at ito ang Angel's House at si mother Teressa na ang tumayong nanay ko dito sa bahay ampunan. Kwento nya sa akin ay nakita nya lang ako sa harapan ng gate na umiiyak, kaya dinala nya ako dito sa bahay ampunan at sya na ang nagpalaki sa akin.

Tapos na akong naligo kaya dali-dali akong lumabas sa banyo at nagbihis.

"punta na po ako" paalam ko kay mother Teressa.

"ingat ka, galingan mo, may nilagay na akong tinapay dyan sa bag mo"

Sigaw nya pabalik sa akin

"galingan mo kuya!" sigaw din ng mga bata na tinuturing ko ng mga kapatid, at kinawayan ko na sila tyaka ako pumara ng tricycle.

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon