MOVIE CLIP 17

49 5 0
                                    

Jay POV


tring...tring....

kinuha ko ang telepono at sinagot ito

"come to my office" sabi ni Josh sa kabilang linya at binaba na ang tawag

tumayo na ako at kumatok sa pintuan tyaka pumasok

"yes sir, ano po'yon?" tanong ko sa kanya at tumingin sya sa kinatatayuan ko

"wala yung driver na mag-susundo kay GM sa school nya, at sa oras na ito ay nag-hihintay na ang anak ko dun mag-isa" sabi nya sakin, wala din kasi ang yaya ni GM nagkasakit bigla kaya iniwan mo na si GM sa pangangalaga ng teacher nila.

"ikaw na muna mag-sundo sa kanyan, you can have your early out this afternoon" sabi nya sa akin

"sige po sir" sabi ko at lumabas na sa opisina, tyaka hinanada ang aking mga gamit.

sinabi ko na kay Edie kung bakit ako mag e-early out ngayon kaya gumayak na ako para masundo si GM sa kanyang school.

sumakay na ako ng taxi at malapit na ako sa kanyang school ng makitang may ka-usap si GM na isang lalaki na naka-mask at kita ko sa mukha ni GM na parang natatakot ito kaya bumaba na ako sa taxi

"GM!" tawag ko sa kanyang pangalan at biglang binuhat ng lalaking na naka-mask si GM na ikinagulat ko kaya dali-dali akong hinabol ang lalaki at may sasakyan na tumigil sa harapan nya, binilisan ko ang aking takbo at nahablot ang buhok ng lalaki

"kuya Jay, Help me!" iyak na sabi ni GM sa akin pero biglang may bumaba na lalaki at may tinakip sa aking bandang ilong dahilan para mawalan ako ng malay

"GM" yan na lang ang aking huling nabigkas bago ako mawalan ng malay.

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon