CHAPTER 21

63 3 1
                                    

JAY POV

Nandito na naman ako, nakatayo sa mga nagbabagang alon ng apoy at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"tulong!!!!!!"

"tulungan nyo ko!!! Parang-awa nyo na!"

Yan ang mga katagang malakas kong sinisigaw pero parang walang nakakarinig sa mga sinisigaw ko

"kuya jay, kuya jay" bigkas ng maliit na boses na syang aking naririnig

"GM? GM!?" naiiyak kong bigkas sa kanyang pangalan, naalala ko na nakidnap pala kami.

Lord sana ligtas si Gm kahit sya na lang Lord,

mahina kong bigkas habang pumapatak na ang aking luha.

JOSH POV

Nasa labas kami ng kwarto ni Jay at sinabing okay na daw ang katawan neto pero maya-maya lang ay biglang nagsitakbuhan ang ibang mga nurses at ang isang doctor na tumingin kay jay kanina, bago sya makapasok ay hinarang ko ito......

"anong nangyayari doc?" tanong ko sa doctor

"akala namin okay na sya at stable na ang pasyente, pero bigla nalang nagwawala ang walang malay na katawan neto" sabi ng doctor

Eksakto naman na dumating si Gm buhat-buhat ni jerry kasi bumili sila ng pagkain at nakita ang eksena

Tumakbo agad si Gm sa kinatatayuan ko at pumasok na kaming dalawa sa kwarto at nakitang pinagtutulungan na nilang gawin ang kanilang gagawin sa katawan ni Jay para lang kumalma ito.

Sa aking nasaksihan ay para bang may tumutusok sa aking dibdib, hindi ko alam ang aking nararamdaman pero there is a side of me na nananalangin na sana bumuti na ang kalagayan ni Jay, and there is a side of me na para bang gusto ko pang makita ang mga ngiti ng binata, pero I don't know kung anong feeling ito, I just want him to be okay.

Nakita ko na umiiyak si Gm sa tabi ko at binibigkas ang pangalan ni Jay at masakit na nakikita kong umiiyak ang aking anak kasi napalapit na ito kay Jay, halos si Jay na nga ang tumayong kuya na parang ina nadin minsan sa mahigit na isang buwan na naninirahan sya sa mansion.

Ng biglang tiiiiiiiiiiiiiiiiittttttt

Yan ang tunog na aming narinig sa kwarto na ito at tumigil ang mga tao sa kanilang kinatatayuan.

Lumapit sa amin ang doctor at sinabing

"ginawa na naming ang lahat, lalabas na muna kami para mabigyan namin kayo ng oras" sabi ng doctor

Lumabas sila at tumakbo si Gm sa walang malay na katawan ni Jay

"condolence bro" sabi ni Jerry sa tabi ko at umiiyak padin si Gm habang hawak neto ang kamay ni Jay

"this is not real? Hindi ko pa alam yung nararamdaman ko sa kanya tapos ganito na ang nangyari? Is this a joke?" mahinang sabi ko at pumatak na ang aking mga luha

Nag flashback sa aking isipan yung mga pinaggagawa nya sa mansion

Yung time na naglalaro sila ni Gm at 2 weeks na syang naninirahan sa mansion tapos narinig kong sabi ni Gm na gusto nya akong kalaro pero sinabi naman ni Jay sa anak ko

"wag na muna Gm, pagod ang daddy mo, dapat magpahinga din sya" sabi nya

"eh pagod kadin naman po eh, pero nakikipaglaro ka parin sakin" tampong sabi ni Gm

"shhh wag magtampo ang baby namin, okay lang ako, super beki kaya to hehe, tyaka wag si daddy mo, papanget yun, ang gwapo-gwapo pa naman" sabi nya na nagpangiti sakin

"ayiiieeee crush mo si daddy no?" nakangiting tanong ni Gm sa kanya at hindi ko alam kung anong nang-udyok sakin para lumapit ng kunti upang marinig lang ng mabuti ang sagot ni Jay ng hindi nila ako napapansin

"medyo hahaha" tanging sagot neto at napakunot ang aking nuo sa kanyang sagot, tyaka nasabi sa aking sarili, mahirap ba akong gustuhin? Gwapo naman ako, maganda naman katawan ko, matangkad naman ako, mayaman naman ako, tskkkkk!

kaya sa mga sumunod na araw ay pinahirapan ko ito ng hindi ko alam ang dahilan basta nairita lang ako sa "medyo" na sagot nya.

But look at him now,wala ng malay habang hindi ko pa alam ang aking nararamdaman para sa kanya

Ng biglang tit tit tit tit tit

Yan ang tunog na aming narinig at biglang dumilat ang mata ni Jay habang rinig namin ang kanyang malalim na paghinga

"Praise the Lord, tawagin ko lang ang doctor" sabi ni Jerry sa akin at lumabas na ito sa kwarto

Lumapit ako sa higaan ni Jay habag pinapatahan nya si Gm at napatingin sya sa kinatatayuan ko

"Josh" mahinang sabi nya sa pangalan ko

Oh I love hearing my name with his soft voice

"I'm glad you came back to us" nakangiting sabi ko sa kanya

JAY POV

Napakunot ang aking nuo sa kanyang sinabi, magsasalita na sana ako ng biglang pumasok ang doctor sa kwarto at lumapit sa akin tyaaka ako chineck-up

"his vitals are okay and normal, this is a miracle" sabi ng doctor at sumabat na ako

"anong miracle po?" takang tanong ko

"you died just a minute ago, and yet you are here still kicking" sabi nya na nagpagulat sakin

Huh! Ako namatay!?

"mas mabuti na lang na wala ng makakaalam sa nangyari dito sa kwartong ito, knowing na Brillantes Empire ang biggest shareholder ng hospital na ito" sabi ni Josh at seryosong tumingin sa doctor, hindi naman nakaangal ang doctor sa kanyang sinabi kaya tumango na lang ito sa sinabi ng lalake.

Nagpaalam na ang doctor sa amin at sinabing, they still do some check-ups sa aking katawan to make sure na okay na talaga ako.

Lumabas na muna kami ng anak ko kasama si Jerry at kita ko sa mukha ni Gm na masaya ito, nagkatinginin kami ni Jerry at hindi alam ang sasabihin sa isat-isa.

"well that's wild" nasabi na lang ni Jerry sa akin

"daddy bili tayo ice cream ni kuya Jay" sabi ni Gm saka nya ako hinila kaya nagpahila na ako.

"puntahan ko lang kapatid natin sa office nya dito sa hospital" sabi ni Jerry tyaka sya umalis sa aming harapan.

Nakabili na kami ng ice cream ni Gm kaya bumalik na kami sa hospital at binuksan ang pintuan sa kwarto ni Jay at nakitang nakatulog na ito sa kanyang higaan, lumapit na kami sa kanya pero yung akala naming na nakatulog ay gising pala.

"kuya jay may dala kaming ice cream para sayo" sabi ni Gm kay Jay at ngumiti ang binate sa aming dalawa at hindi ko alam ang aking nararamdaman sa oras nayo na para bang uminit ang aking mukha nung makita ko ang kanyang mga ngiti

"sorry Gm pero bawal pa sa akin ang kumain" sabi ni Jay na nagpalungkot sa anak ko

"hayaan mo pag gumaling na ako ay kahit ano pang pagkain na gusto mo ay kakainin nating dalawa" sabi ni Jay at ngumiti na si Gm at sya na lang ang kumain sa mga pinamili naming ice cream.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon