MOVIE CLIP 3

99 5 0
                                    

Jay POV

"pasok kayo" sabi ng isang employer, lima-lima lang ang pwede pumasok at kasabay ko yung babae kanina na nakita ko sa cr

Tumayo na ako kasi ako ang pan-lima na papasok

"why would we hire you in our company?" yan ang tanong ng isang panel na nasa gitna ng tatlong nag i-interview sa amin, sumagot sila at straight English silang apat na sumagot lalong-lalo na yung babae kanina sa cr, talaga namang makikitaan mo ng galing.

"you" sabi nila sakin at binaling nila ang tingin sa pwesto ko

"The company should hire me because I have the talent, capabilities, and attitude that the company needs not just today and the present but also in the near future." Short but direct to the point, ewan!!! Hahahahaha dahil lang yata sa nerbyos ko at hindi ko na nasabi yung talagang prinaktis ko para sa tanong na ito.

Tumango naman ang tatlo at nakita ko naman yung babae na umirap sa akin

"Salamat at tatawagin namin kayo mamaya mga 3pm, kung tanggap kayo o hindi" sabi ng nasa gitna at lumabas na kaming lima

Tinignan ko ang oras sa aking lumang cellphone na touch screen, ito pa yata yung pinakaunang touchscreen na cellphone na inilabas ng cherry mobile, pero gumagana pa naman.

Nakita ko nga na 12 pm pa lang kaya naisipan ko na lang muna na mamasyal sa katabing mall ng building na pagmamay-ari din ng Brillantes Empire, lalakarin mo lang ng 10 minutes.

Kaya sumakay na ako ng elevator at bumabasa sa 1st floor tyaka lumabas at nilakad ko na lang, sayang pa ang pamasahe. Di nyo'ko masisisi, college days nga namin kahit ang lapit-lapit na yung pupuntahan dapat sasakay padin ng tricycle! hahahah

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon