MOVIE CLIP 14

52 3 0
                                    

Jay POV

Isang buwan na ang nakalipas simula nung pinagalitan kami ni Josh at nakatatak parin iyon sa akin, kaya sa isang buwan na iyon ay ginawa ko lahat ng makakakaya ko para matutunan lahat ng mga dapat gawin ng isang secretary. Sa isang buwan na iyon ay marami nadin akong na-close na deal at laging nakaka-kompitensya si Diane ng Tesoro INC. pero hindi ako nagpapatalo sa kanya kahit ginagamit nya ang kanyang female card.

pero sa isang buwan na pamamalagi ko sa mansion ni Josh ay masasabi kong sanay na sanay na ako sa aking ginagawa sa loob ng mansion at kilalang-kilala ko nadin ang mga kasambahay at mga drivers doon, close ko nadin si GM at palaging pumupunta sa aking kwarto at minsan doon nadin sya natutulog pag kwene-kwentuhan ko sya ng pambatang kwento.

hindi ko din maikakaila na sa isang buwan na iyon ay marami na ding nangyari sa pagitan namin ni Josh, joke!!! sadyang nahulog lang ang aking loob sa kanya, hindi ko alam! sa bawat tingin nya sakin o kahit sulyap man lang ay talagang napapatibok nya ang aking puso, pero sinusubukan kong isa-walang bahala ang aking nararamdaman sa kanya kasi baka mahirap na at matulad ako sa huling secretary nya at hello!! bakla ako! si sir mag-kakagusto sakin!? in my dreams!

"beh! meryenda tayo dun sa baba" sabi ni Edie at inayos ko muna ang aking lamesa tyaka gumayak na kaming dalawa.

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon