MOVIE CLIP 7

55 5 0
                                    


Jay POV

Dali-dali akong tumakbo pabalik sa Brillantes Empire kasi baka mahirap na kung wala ako dun tapos sinabing pasok ako.

Nakita ko na nandoon na lahat ng mga kagaya kong na-interview, binilisan ko ang lakad at lumapit sa pwesto nila.

"let's proceed to the conference hall" sabi ng isang empleyado at nauna na itong naglakad sa amin, kami naman ay bumuntot na lang sa kanya

Nandito na kami sa conference hall at sinabi ng interviewer na maghintay daw muna kami kasi merong hinihintay na importanteng tao, na sya namang dahilan para kabahan ako bigla.

Mayat-maya lang ay pumasok ang hindi ko inaasahang tao na nakasuot ng formal attire, ang matanda na naglilinis sa cr nung umaga, tama kayo ng nabasa! Pumasok yung janitor na nakasuot ng formal attire.

"let's welcome the owner of Brillantes Empire, Mr. Geo Brillantes" at umupo ito sa lamesa na nasa gitna at tinignan lahat ng mga resume.

Mayat-maya lang ay nagsalita si Mr. Geo

"Diane Acenas" sabi nya at sa di inaasahan ay tumayo yung babae na nagdis-respect sa matanda kaninang umaga, tinignan ko naman ang babae at nakangiti pa ito habang nakangisi na para bang alam nyang makakapasok sya. Nakalimutan nya yata yung pinahiya nya kanina, or hindi nya lang mamukhaan ang matanda na tumawag sa kanyang pangalan.

"you're not accepted, you may now leave the building" sabi ng matanda na ikinagulat ng lahat lalong-lalo na ang babae

"what!? but why? Maganda naman ang record ko and I am also graduated with flying colors, so why would I not be accepted!? " taas kilay na sabi ng babae

At natahimik ang lahat dahil sa biglang pagtaas ng boses ng babae

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon