MOVIE CLIP 5

79 4 0
                                    

Jay POV

Kinakain na ng bata yung ice cream na binili ko sa kanya

"ano pa lang pangalan mo?" tanong ko sa bata

"GM" sabi nya sa akin, habang kumakain ito ay nakita ko na may upuan kaya naisipan kong umupo muna kami habang inuubos nya ang kanyang ice cream

"upo muna tayo dun" sabi ko at tumango ang bata

20 minutes na ang nakalipas at naubos narin ni GM ang kanyang ice cream at wala paring naghahanap sa kanya.

10 minutes ang nakalipas at naboboryo na ang bata, kaya naisipan ko na dalhin muna sya sa arcade na kung saan nasa 2nd floor, 3rd floor kasi kami ngayon

"laro muna tayo habang hinihintay natin yung daddy mo?" sabi ko sa kanya at napakunot ang kanyang mga kilay dahilan para mas lalong syang maging cute

"hindi mo ako kidnap?" tanong nya na nagpagulat sa akin, bakit alam na ng batang ito ang salitang kidnap

"hindi po" sabi ko at tinaas ang kamay

"pinky swear?" sabi nya at napangiti ako tyaka nakipag pinky swear sa kanya

"tara na, laro muna tayo sa arcade sa 2nd floor" sabi ko at prinesenta ang aking kamay sa kanya, at humawak naman ito sa akin at bumaba na kami sa 2nd floor sakay ng escalator.

Sinamahan ko si GM sa kanyang paglalaro at nakita ko sa kanyang mga mata na masaya ito, grabe ang tawa nya sa mga ibang bata na kaedad nya at sinamahan ko din ito sa kanyang paglalaro, mga bagay na hindi ko nagawa noong bata ako, kaya hindi ko namalayan at nag eenjoy narin ako sa pakikipaglaro kay GM.

Son of Lilith (BXB) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon