Nagising ako ng alas syete ng umaga dahil may pupuntahan kami ni daddy after check up. Tamad akong tumayo at dumiretso sa cr. Nag suot lang ako ng Black Trouser, White croptop, Balenciaga shoes at dadalhin ko na din ang jacket ko for incase sa init at lamig. Nag lagay lang ako ng light make up dahil check up lang naman yon at hindi ko alam kung saan kami pupunta gaya ng sabi ni dad.
"Good morning", Nakangiting bati ni Daddy sakin pagkabukas ng pinto ng kwarto ko, inaayos ko ang bag na dadalhin ko
"Morning dad", Nakita kong casual lang ang suot ni Daddy, pareho kaming naka Balenciaga na shoes at White top. "Pogi mo ah, may nahanap ka na bang babaeng iibigin mo ulit?", Biro ko sakaniya kaya tumawa siya at pinisil ang pisnge ko!
"Matagal na akong gwapo anak ko, mana ka sakin tignan mo ang ganda ganda mo", Natawa ako sa sinabi niya alam talaga namin kung paano bolahin ang isa't isa. "Atska anong babaeng iibigin! Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay anak, ikaw lang babae sa buhay ko, ayos na ako don", Napangiti ako sa sinabi ni Daddy
"Iiyak ka pag kinasal ako, daddy", Nakangising sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin
"Kasal? Hindi pwede, saka na yan pag may work ka na!", Natawa ako ulit sa sinabi niya.
"Tara na nga papa check up mo pa ako eh, daming ebas, dad", Kinurot niya ako sa tagiliran ko kaya natawa ako hindi naman yon masakit.
Positive nga ang nasa isip ko, sakit ko na ung madalas na paninikip ng dibdib. And I have a sleeping disorder, may nakapag trigger ulit sakin kaya nangyari na naman sakin ang nangyari noong bata ako na akala nila lola at normal lang yon.
"Matagal mo na palang nararamdaman yan hindi ka man lang nagsasabi", Sermon agad ang inabot ko kay Daddy pagkasakay sa sasakyan
"Masyado kang busy daddy, hindi naman pwedeng guluhin kita sa oras ng meeting mo? Umaatake siya tuwing nasa importanteng meeting ka", Sagot ko dahil totoo yon, kung manikip man dibdib ko madalas ay nasa importanteng meeting siya o di kaya ay pag gulong gulo ang utak ko at wala siya sa bahay either kasama ang friends or nasa ibang bansa for business
"Kahit pa, next time magsasabi ka agad", Tumango a lang ako sakaniya, wala akong laban mapapagalitan lang ako lalo. "Btw, may celebration ang kuya mo at andon ung mga piling kamag anak namin ng nanay niyo, don tayo pupunta", Napa "what the fuck" look ako kay daddy
"Seriously?", Tanong ko at tumango siya "Oh anong celebration naman daw?", Tanong ko
"Na promote daw siya sa isang malaking kumpanya", Tumango tango ako
"Good for him. Magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya at kasama niya nanay niya ayos yon dapat lang na may sarili at maayos siyang trabaho", Sabi ko kaya agad na napangiti si Daddy
"Nakikinig ka ba sakin kagabi? Yung tungkol sa pagkuha ko ng kotse niya, freeze ang account niya", Tumango ako "He asked me to do that", Tumango ulit ako
"Okay?", Tanong kong sabi, aba malay ko kung ano sasabihin ko.
"Dad! Elle!", Pag tawag niya sakin ngumiti si daddy sakaniya at ako naman ay ngumiti ng bahagya. "Buti nakapunta kayo, thank you for coming"
"May dinaanan kasi kami nitong kapatid mo", Sagot ni Daddy napahinto ako sa paglakad ng makita kung sino ang makakasama ko sa isang table.
"Alister, Astherielle", Bati niya samin, tumango si daddy sakanya, hindi ko siya pinansin
"Maupo na po kayo Dad, Elle", Sabi ni Atreus, nilibot ko ang paningin ko nagbabakasakaling makita ang pinsan ko o di kaya sila tito at tita
"I'll join with your sister, Dad", Tumango si daddy sakin kaya naman nagtungo ako kila tita at nag bow para magbigay galang nag bow din sila sakin pabalik. Nag kwentuhan kami dahil antagal bago magsimula ang "Celebration" ni Atreus.

YOU ARE READING
Ikaw at Ako, Palagi
FanfictionDate Started: June 21, 2024 Date Finished: ©2024 sunset_lunaaaaa