"Fuck ang sakit ng ulo ko", Natatawa kong tinignan si Matthew na kakagising lang. Passed out agad after 4 shots. Ako ay inubos ko pa ung isang bote ng Bacardi. Bacardi lang ang nabili ko kahapon kaya yon lang ang meron ako na nakatago, may dalawa pa nga.
"Inom pa", Natatawang sabi ko hindi ko kasalanan kung bakit siya lasing, kasalanan niya yon tanong tanong pa kasi kung may hard liquor ako!
"Tangina, wala kang hang over?", Tanong niya kaya tumango ako
"Edi sana tulog pa ako kung hilo at lasing ako?", Kilala ko ang sarili ko, kaya kong tumagal ng lima hanggang walong alak. Ganon ka kataas ang tolerance ko sa alak.
"Inom tayo ulit", Natatawang sabi ni Daddy pagkababa ko
"G ako, si Matthew ang tanungin mo niyan, lasing na lasing eh", Natatawang sabi ko sakaniya
"Lasing na lasing? Aba ilang bote ba nainom niyong hard?", Tanong ni Daddy
"Isa, apat na shot pa lang niya, passed out na", Natatawa ko paring sabi. Pucha lt na pasko namin yon, inom tas passed out agad ung dalawa kong kasama, mahihina.
"Hoy naririnig kita", Nakita kong nagewang pa si Matthew papunta samin kaya tinawanan ko siya ulit. "Hala sige tawa ka lang diyan", Sabi pa niya kaya mas tinawanan ko siya.
"Inom daw ulit sabi ni Daddy", Natatawang sabi ko pa sakanya
"Ayoko na! Masakit pa ulo ko", Tumawa din si daddy sakaniya bago inabot ang tsaa sakanya
"Inumin mo muna yan", Humigop siya don at halatang hindi gusto ang lasa kaya tinawanan ko siya ulit
"Inumin mo yan kung gusto mo mawala hang over mo, lasing", Asar ko sakaniya kaya sinamaan niya ako ng tingin kaya tumawa ako ulit
"Hoy aalis na tayo may flight pa tayo pa New York!", Sigaw ko kay Matthew napakatagal kumilos! Mas nauna pa ako sakaniya kumilos.
Nagsuot lang kami ng pang winter clothes dahil malamig dito pati na din sa New York pero mas malamig don by January pero dahil nga may pasok, hindi kami tatagal don hanggang January 2 lang kami don.
Nang makarating kaming New York ay lumabas ako agad para mag gala, nagpaalam na din naman ako kay Daddy, ako lang sana ang lalabas pero sasama daw si Matthew kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
Nag shopping shopping lang kami dito halos siya ang may dala ng nga pinamili namin dahil ayaw niya sakin ibigay yung iba.
"Gago ayon yung may gusto sayo oh", Siniko ko siya at tinuro yung babaeng may gusto sakanya, nakaupo kami dito sa isang bench
"Tarantado ka ang ingay mo!", Inis niyang sabi sakin at hinampas ang braso ko kaya tumawa ako. Pero agad ding napangisi ng makitang papunta dito sa gawi namin ung may gusto sakanya pero syempre hindi kita ni Matthew ang pag ngisi ko
"Hi Matthew!", Bati niya at napatingin sakin, naka mask at cap ako kaya hinihiling ko na sana, sana hindi niya ako makilala
"Hello", Bati pabalik ni Matthew. Naramdaman niya sigurong nakatingin sakin ung may gusto sakanya. I know her face but I forgot her name. "Oh she's.. she's my cousin", Tipid na ngiti ang binigay ni Matthew sakanya
Cousin. Buti na lang at hindi childhood friend ang sinabi niya dahil kilala ako non!
Nagkausap pa sila pero masyadong pormal si Matthew kung kausapin siya, nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na sila
"What's her name again?", Tanong ko sakanya nakita kong sumama tingin niya sakin
"Andrea. Andrea Villaflor", Tinanong ko lang naman ung name, hindi full name. Pero tumango parin ako sakanya at niyaya siya na maglibot pa, kaya ng mapagod ay bumalik na kami sa hotel.

YOU ARE READING
Ikaw at Ako, Palagi
FanfictionDate Started: June 21, 2024 Date Finished: ©2024 sunset_lunaaaaa