"Astherielle!", Gulat akong napalingon sa tumawag sakin. "You're Astherielle right? Omg! Pwede pong magpapicture?", Hala hindi po ako artista huhu.
"Po? Okay po?", Hindi ko din sure ang sagot ko, bakit may nag papapicture sakin? Hindi naman po ako artista!
"Thank you po! Ang ganda mo po sa personal!", Nagpasalamat na lang ako at nagmadaling pumasok sa mall, dumiretso ako sa national bookstore dahil book ang nasa wish list niya. Nagsuot na din ako ng face mask at shades baka pagkamalan na naman ako!
"Daddy! Oh my god!", Kahit nung pauwi ako ay andaming nakakilala sakin! Bakit ba sila nagpapa picture sakin?
"Bakit? Anong nangyari?", Natatarantang tanong ni Daddy
"Andaming nagpapicture sakin sa mall! Maski sa labas ng mall!", Kabadong sabi ko "Anong meron? Bakit sila nagpapapicture sakin?", Takang tanong ko pa
"Pinakilala na kita sa media anak, akala ko ay nakikinig ka sakin nung nakaraang araw", Halos malaglag ang puso ko sa sinabi ni Daddy
"Bakit?!", Sigaw kong tanong
"Nak, madaming nagtatanong kung asan ang mga anak ko, hindi ko naman akalain na mahahagilap nila ang mga pictures mo", Sagot niya
Oh god, hindi pwede! Pagkakaguluhan ako lalo, kaya pala may nagpapapicture na sakin sa may school. Pucha
"Dad", Nanlulumong tawag ko, "Sa school lang gusto ko maging center of attention and attraction lalo na sa pag aaral, hindi sa ganito", Gusto kong umiyak.
Ayoko ng spotlight.
"Papaayos ko yon okay? Ginagawan ko na din ng paraan, alam ko naman na ayaw mo non", Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nahiga
Ayoko. Ayoko nito.
"Oh exchange gift na!", Sigaw ng secretary namin.
Inabot ko kay Tolentino yung gift ko, siya kasi ang nabunot ko.
"Thank you, Astherielle", Niyakap niya pa ako saglit bago umalis umupo lang ako sa upuan ko ng biglang lumipat sakin si Mendoza
"Here.. ikaw ung nabunot ko", Kinuha ko ung gift niya sakin. Nakalagay lang naman sa wish list ko ay "anything useful"
"Thank you", Sagot ko at nilagay yon sa may tabing upuan ko
"Uh, Rielle my gift for you", Nag angat ko ng tingin kay Kleio. "Advance Christmas gift", Dugtong niya nakita niya atang naguguluhan akong tinignan siya
"Ah.. thank you!", Nakangiting sabi ko ngumiti lang din siya sakin at umalis na
Buti na lang at may tote bag akong dala! Hindi nga lang kasya don yung tatlong gift na binigay sakin paano ay malalaki! Andaming nag bigay sakin ng gift pati taga ibang strand at section nagbigay sakin buti na lang at may extra bag akong dala nilagay ko pa don ung iba
"Rie, sabay na tayo. Let me help you", Kinuha ni Matthew ung tatlong bitbit kong wala sa mga bag at kinuha niya pa ung isang bag na dala ko
"Thank you. Andyan na ung sundo ko doon ka na sa bahay tumuloy", Tumango siya sakin at agad din naman kaming tinulungan ng driver ko ng makitang madami kaming bitbit
"Nakakapagod!", Reklamo ni Matthew dahil December 20 na, paano ay nag commute siya papunta samin hindi man lang ako tinawagan para sunduin siya!
"Bat kasi hindi tumawag?", Umirap pa ako sakanya kaya tumawa siya. "Lapag mo na lang diyan ung mga gamit mo", Tinuro ko ang side kung nasaan ang maletang gagamitin ko
"May dala akong puto at biko nasa baba, kain na muna tayo don mamaya na tayo mag ayos ng mga dadalhin mong damit", Wala na din akong nagawa kundi magpadala sakaniya dahil hinila niya ako

YOU ARE READING
Ikaw at Ako, Palagi
Fiksi PenggemarDate Started: June 21, 2024 Date Finished: ©2024 sunset_lunaaaaa