6

8 3 4
                                    

Neil:

Good morning. . .

Maraming salamat sa tulong mo kagabi.

Leigh:

Okay lang. HAHAAHAHA.

Mukhang inlove, a?

Siguro ibibigay mo 'yon sa nililigawan mo 'no? Yieee hahahaha.

Neil:

Ahm. . .

Actually, yes.

May nililigawan ako. Nakilala ko siya nang first year namin sa Senior High School. Ang mag-t-two years na rin nang magsimula akong manligaw sa kaniya.

Leigh:

Really?

Ang tagal na rin pala. Baʼt 'di ka pa sinasagot?

I mean—sorry sa tanong. Na-curious lang.

No need na sagutin if you are not comfortable.

Hehe.

Neil:

Ayos lang.

Kahit 'yong mga kaibigan ko rin kasi nagtataka kung bakit hindi pa ako sinasagot ni Denice, sa kabila ng marami kong effort sa kaniya.

Leigh:

Siguro hindi pa siya ready?

O inuuna lang ang study niya. Ganoʼn naman lagi 'di ba?

Neil:

Sana nga 'yon lang ang reason niya.

Leigh:

Bakit? Tingin mo may iba pa siyang dahilan?

Neil:

May tanong ako.

Leigh:

Ehh?

Ano 'yon?

Neil:

Kung gusto mo ba 'yong isang tao at nililigawan ka, magdadalawang isip ka bang sagutin siya sa kabila ng maraming reason na pumipigil sa 'yo?

Unloving Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon