↩️ Phoebe Go replied to your story
Nangyari? Ayos ka lang?
Leigh:
Hindi ko alam 😭
Phoebe:
Huh? Paanong 'di mo alam?
Tell me, may problema ba?
Puwede ka naman magkuwento sa akin, e. 🤧
Leigh:
Ang tanga ko lang kasi. Sobrang tanga ko.
Bakit kasi ako umasa? Ang sakit! Wala akong mapagsabihan. Natatakot ako na baka i-invalidate ang feelings ko.
Phoebe:
Huh? Sino naman mag-i-invalidate sa feelings mo? E, hindi mo naman siguro sinubukang magkuwento sa iba?
Leigh:
May point ka. Pero hindi ko maiwasang isipin 'yan. Kasi ilang beses nang nangyari. Kaya nandoʼn na 'yong takot ko kapag ako mag-open sa iba.
Phoebe:
Yes, may reason ka naman. Pero ginawa ko na ba 'yan sa 'yo?
Leigh:
No. 🤧
Phoebe:
Mabuti naman. But if you are afraid na sabihin sa aking may nangyari sa past na in-invalidate ko ang feelings mo. Sorry, hindi ko sadya. At hinding-hindi ko na gagawin.
Nandito lang ako lagi, handang pakinggan ka sa lahat ng rants mo. Magkaibigan na tayo since Junior High School. Marami na tayong memories together. Bawal na ang words na friendship over sa atin.
I love you, my friend. 😘
Leigh:
Thank you 😭
Nasasaktan lang kasi ako ngayon. At hindi ko alam kung tama bang maramdaman ko. Hindi ko rin alam kung paano 'to i-overcome. 🤧
Tingin mo, kaya ko?
Phoebe:
Kaya mo, natatakot ka lang sa ideya ng paghuhusga.
Nauunahan ka lang ng takot sa puwedeng sabihin sa iyo ng iba.
Natatakot mahusgahan at ipamukha na baka isampal sa 'yo ang katotohanang hindi mo naman talaga siya mahal. Na baka bigla mong ma-realize na gusto mo lang talaga siya para maramdaman ang sinasabi nilang pagmamahal. At nahanap mo iyan sa kaniya.
Natatakot na baka hindi mo mapanindigan at hindi mo kayang harapin ang nararamdaman mo.
Leigh:
Takot na takot ako, Phoebe.
Minsan hindi ko na alam kung bakit.
Tama bang umamin ako kaagad after niyang masaktan? Feeling ko, nag-betray ako sa kapuwa ko babae.
Nagu-guilty ako 🤧
Phoebe:
Wala kang kasalanan.
Siguro mali lang ang timing mo.
Leigh:
Anong puwede kong gawin?
Wala kong maisip. Hindi ako makapag-isip.
Phoebe:
Need mong mag-let go. Need mong tumigil muna. Hindi ko man alam ang buong kuwento, but that is the best option. Nasasaktan pa siya, right?
Leigh:
Yes. 😭
Phoebe:
Then, hayaan mo muna siyang mag-heal. And if he realized na okay na at na-appreciate niya 'yong worth mo, kusa siyang lalapit. Kusa na siyang mag-a-approach sa 'yo.
Yes, it hurts to let go. But sometimes it hurts more to holding on. Lalo na siya, nasa stage pa siya of acceptance. At kapag tinanggap niya 'yong feelings mo, baka magkasakitan lang kayong dalawa.
Letting go is not easy, but itʼs worth it. It help us find peace and understanding ourselves better. It leads us to freedom and happiness.
Leigh:
Thank you 🤧
Tandaan ko lahat ng mga sinabi mo. Sobrang na-appreciate ko ang advice mo and for not judging me.
Phoebe reacted 💛 to your message
Phoebe:
Sabi ko nga, nandito lang lagi ako.
Hayaan mo muna siya. Donʼt invalidate his feelings, okay? Nasa process of healing pa siya.
Leigh:
I know. Tanggap ko na rin naman kung anong kalalabasan nito.
At hindi ako nag-e-expect na magustuhan niya rin ako pabalik.
Phoebe reacted 💛 to your message
BINABASA MO ANG
Unloving Him ✓
عشوائيHaving a crush on him is not a mistake. That's what Leigh said to herself, nang sa unang pagkakataon ay magtagpo ang mga mata nilang dalawa ni Neil. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito, hindi niya na pinalampas. She's having fan ta...