Leigh:
Wala. Dapat ba meron?
Neil:
Ays. Nagtatanong ako ng maayos. Sagutin mo naman ng maayos, o.
Leigh:
Sinasagot naman kita ng maayos, a? -,-
Neil:
Kanina mo pa ako binabara.
Leigh:
Baʼt kasi concern na concern ka kung hindi kita kakausapin? Ano ba kita? Kaibigan lang naman. Tsk.
Neil:
May nangyari ba, Leigh? Sabihin mo sa akin, nang matulungan kita. O baka may nagawa o nasabi ako?
Leigh:
Wala. Pero pakisabi lang dyan sa dati mong nililigawan na lubayan ako. Nakaka-stress siya. Hindi ko naman siya inaano.
Neil:
Si Denice? Bakit ka niya kinausap? Anong sabi? Anong ginawa niya?
Leigh:
Siya kausapin mo. May saltik ata yon.
Neil Morales reacted 🤣 to your message
Neil:
Galit na galit, a? Hahahaha
Leigh:
Seryoso ako Neil, 'wag mo kong tawanan. Hindi ako nagbibiro.
Neil:
Okay, sorry. Ays. Ang hirap naman nito.
Leigh:
Hirap ng alin? Walang mahirap, Neil. Sarili mo lang pinapahirapan mo. Kaya tumigil ka na.
Neil:
Ano ba kasi gusto mo? Sabihin mo nga kasi nang maunawaan ko at magkaintindihan tayo.
Leigh:
Huwag mo akong kausapin.
Neil:
Okay? Sabihin mo muna ang reason bago ko gawin. 'Yong magandang reason para susundin ko.
Leigh:
Bahala ka nga! Alam mo ang gulo mo kausap.
Neil:
Ikaw 'yong magulo kausap, Leigh. Kanina pa talaga tayo paikot-ikot lang, e. Iniiba mo rin ang usapan kapag magtatanong na ako. I'm asking you kung anong pinag-usapan niyo ni Leigh, pero hindi mo ko sinasagot. Puro ka lang wala. Paano ko malalaman ang rason bakit ka nagkakaganyan kung 'yan lang reply mo?
Leigh:
Sinabihan ako ni Denice na layuan ka. And I said no. Bakit ko naman gagawin? Mother ko ba siya para susundin ko?
Neil:
You said no? Why? You can tell her yes para di ka na niya guguluhin.
Leigh:
Bakit ko naman sasabihin 'yan? Hindj ako sinungaling.
Neil:
Kaya bakit nga? Bakit, Leigh?
Leigh:
Dahil mahal kita, Neil. Hindi ko alam kung kailan at kung paano. Pinigilan ko naman mag-grow ang nararamdaman ko sa 'yo pero huli na pala dahil mahal na kita.
BINABASA MO ANG
Unloving Him ✓
RandomHaving a crush on him is not a mistake. That's what Leigh said to herself, nang sa unang pagkakataon ay magtagpo ang mga mata nilang dalawa ni Neil. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito, hindi niya na pinalampas. She's having fan ta...