Neil:
How? Really? I mean, nagbibiro ka lang naman 'di ba?
Leigh:
Mukha ba akong nagbibiro. Haha.
Neil:
Hindi. Pero seryoso talaga?
Leigh:
Yes.
Neil:
Alam mong kaibigan lang ang turing ko sa 'yo 'di ba? Ang panget ko rin, hindi ako matalino. Kaya bakit? Paano? Kailan?
Leigh:
Do you think, diyan ko pinagbabasihan ang taong nagugustuhan ko? Wow, babaw ko naman.
Mabuti kang tao, Neil. Ang bait mo. Alam mo, unang kita ko palang sa 'yo alam ko na kaagad na hindi ka tulad ng ibang lalaki. Na matino ka.
Doʼn palang, alam ko na kaagad na talo na ako. Na finish na, may part ka na kaagad sa buhay ko.
Kaya sobrang happy ko nang i-add mo ako dito sa Facebook. Tapos bonus pa 'yong pag-chat mo. Haha.
Pero nang malaman kong may nililigawan ko, gusto kong umiyak. Haha. Ang oa ko. Na-realize ko ring unti-unting na akong nahuhulog sa 'yo.
Pero pinigilan ko. Sinubukan kong itigil ang nararamdaman. But damn, ang tanga ni Denice. Sobrang tanga niya. Binigyan niya ko ng chance para ituloy ang feelings ko sa 'yo.
Neil:
Hindi ko alam ang sasabihin. I mean, na overwhelmed ako sa mga inamin mo...
Leigh:
Ayos lang. Ready naman ako kung ano magiging reaction at respond mo sa mga itinapat ko. I know na wala kang nararamdaman sa akin. Haha.
Ako lang talaga 'yong umasa. Delulu lang ako sa mga pinakita mong kabaitan sa akin.
Pero ang hirap pala. Kahit gaano pa ako ka-ready, masakit pa rin.
Neil:
Sorry...
Hindi ko alam. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa 'yo. 🤧
Leigh:
luh. wag mag-sorry. ayos lang ako. magiging okay rin ako.
its take time pero darating din ako diyan. di agad-agad pero sana nga.
Hindi rin sana maglamat ang friendship natin. Alam kong mali ko, kaya sorry. Bigyan mo muna ako ng panahon, mawawala rin 'tong nararamdaman ko.
Neil:
Nandito lang ako kapag kailangan mo ng tulong o kausap.
Leigh:
I know. . .
Huwag mo muna tayo mag-usap. 'Yan lang ang way na naisip ko para makalimutan kita.
Neil reacted ❤️ to your message
BINABASA MO ANG
Unloving Him ✓
RandomHaving a crush on him is not a mistake. That's what Leigh said to herself, nang sa unang pagkakataon ay magtagpo ang mga mata nilang dalawa ni Neil. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito, hindi niya na pinalampas. She's having fan ta...