Leigh:
Okay? Hahahahaha
Hula ko lang naman.
Denice:
And of course ma-trigger talaga siya dahil ang alam kasi namin, hindi naman pala kuwento si Neil sa iba about sa relasyon naming dalawa.
Nagulat lang din kami because you know something about us.
Leigh:
Correction, walang kayo.
Denice:
Whatever.
And napapansin din kasi namin ng kaibigan ko na palagi kang bukang bibig ni Neil, so my friend stalked you. At tamang-tama naman na nakita niya iyong bago mong post.
No doubt naman na tungkol 'yon sa akin at kay Neil kasi nag comment pa nga si Neil. Iʼm a right?
Leigh:
Yes.
Reacted 👍 to your message
Denice:
I know na walang namamagitan sa inyo, but please stay away from Neil.
Baka masaktan ka lang.
Leigh:
What do you mean?
Ano ba gusto mong iparating?
Denice:
You know naman 'di ba? Fresh pa sa kaniya ang nangyari. At baka gawin ka lang niyang panakip butas.
Neil is a good person. Pero alam mo, minsan kapag broken ang tao nakakagawa ng isang bagay na puwedeng ikakasakit ng ibang tao.
And as a woman, ayokong masaktan ang kapuwa ko babae. So please take this as my advise.
Leigh:
Huh?
Wait, ayaw mag function ang utak ko sa mga sinabi mo sa akin hahahahha
Gagawin akong panakip butas ni Neil?
Luh? Joker ka rin pala? Hindi ko alam yon ah hahahaha
Denice:
Do you think nagjo-joke lang ako?
Leigh:
Hindi. Pero para sa akin isa kang joke.
Jusq! Makahusga parang alam lahat 'no?
Magkaibigan kaming dalawa. And as a friend, handa akong damayan siya. Kasi as far as I know, ikaw 'yong nanakit sa kaniya.
Yes tama ka, mabait si Neil. Sobrang bait to the point na hindi ka man lang niya sinumbatan sa lahat ng katangahan mo.
Tapos ngayon nag-a-act ka pa rin na parang boyfriend mo siya?
For your information din ho, a? May boyfriend ka na, at hindi si Neil 'yon.
So wala kang karapatan para sabihin 'yan lahat sa akin. Okay?
Denice:
Wow, a?
Kaibigan ka lang naman pero kung makapagsabi parang may level, a?
Wait? Donʼt tell may gusto ka sa kaniya?
Hindi mo na pala kailangan sagutin, dahil amoy na amoy ko na.
Kaibigan lang daw pero may lihim din palang plano. Wow. Ang galing mo rin pala no?
O, my gosh? Kaya pala makapagtanggol kala mo rin GIRLFRIEND?
May kayo? Kaibigan ka lang naman. Ako NILIGAWAN.
Leigh:
DATING NILIGAWAN.
Di mo pa rin ba tanggap? Gosh, ikaw nga 'tong di makontento sa isa.
Nagpaligaw pa sa iba. Ikaw 'yong walang hiya. Jusq.
At ano naman kung may gusto nga ko sa kaniya?
May problema ba roʼn?
Salamat nga, e. Natauhan na siya.
Di mo deserve ang pagmamahal niya.
BINABASA MO ANG
Unloving Him ✓
De TodoHaving a crush on him is not a mistake. That's what Leigh said to herself, nang sa unang pagkakataon ay magtagpo ang mga mata nilang dalawa ni Neil. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataong makausap ito, hindi niya na pinalampas. She's having fan ta...