47

5 2 2
                                    

Today 20:24

araw:

May ginagawa ka?

May sasabihin pala ako

Pero kung busy ka, okay lang. Basahin mo na lang kapag online ka na.

Hindi ko alam kung gaano sisimulan. Nag-aalinlangan din kung sasabihin ko ba o hindi.

Pero kailangan, e.

I know rin na after ng mga sasabihin ko, maraming magbabago. At isa na roʼn ang pakikitungo mo sa akin.

At first, sabi ko sa sarili ko, okay lang kahit hindi mo ko magustuhan at ayos lang kung iba 'yong mahal mo.

Tiniis kon 'yon. Itinago sa sarili. At pilit i-deny sa ibang tao ang nararamdaman ko sa 'yo. Dahil ayoko talaga magka-conflict.

I keep it. Hanggang sa tumigil ka na sa panliligaw kay Denice.

To be honest, masaya ako.

Call me selfish, pero masama bang maging masaya kasi naisip mong may pag-asa na?

But at the same time, nasaktan. Kasi wala na 'yong sigla sa mukha mo tuwing makita kita sa school. Nagu-guilty rin dahil sa mga iniisip ko.

Sinubukan kong umamin, at tulad ng inaasahan ko. You rejected me. And it was fine. Kahit masakit.

Nagsinungaling din ako sa 'yo. Ang totoo, hindi naman talaga ako totally makakapag-move on kung kausap kita. Kasi sa tuwing nire-reply-an mo ako, nagkakaroon ng kaunting pag-asa 'yong puso ko.

Which is sobrang mali. Kasi I know nasa healing process ka pa.

Bakit sinasabi ko 'to sa 'yo? Kasi ito 'yong naisip kong way para makapagsimula na akong mag-move forward.

Mahirap. Pero kakayanin.

Ang hirap mong bitawan. Ewan bakit. Pero need na mag-continue.

Thanm you sa pagkakaibigan na sinira ko. Iʼm sorry 🤧

Sent

Unloving Him ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon