Messenger
Diana Ynah Pascua
Youʼre friends on Facebook19:48
Diana:
Leighhhhh
Reply asap pleaseeee
😭
20:00
Leigh:
Yes po, Pres?
Diana:
May ipacheck akooo
Sa grammar and spelling ko sa Filipino. Wala talaga akong alam pagdating diyan.
Leigh:
Ay sure, Pres. Try ko HAHAHAHAHAA
Diana:
Tinatangi, ako'y nayuyumi sa iyong ganda. Maaari ba kitang alayan ng liham? Nais ko lamang ipabatid kung gaano nahumaling sa'yo ang isang tulad ko. Itong liham, katas ng aking makatang isipan at handog ng sumisilakbong puso; nakapaloob
ang aking pangagamusta, saloobin, at emosyon. Ganap ko nang bubuksan upang aking maihatid at iyong mabatid ang nais iparating ng aking damdamin.'Yong nang at ng, ano nga pinagkaiba niyan?
Nalilito ako sa dalawang 'yan, e.
Leigh:
Ginagamit ang nang kapag action word ang tinutukoy at ng naman kapag tao at bagay.
Diana:
Tama ba 'yong gawa ko? 😭
Leigh:
Tinatangi, ako'y nayuyumi sa iyong ganda. Maaari ba kitang alayan ng isang liham? Nais ko lamang ipabatid kung paano nahumaling sa 'yo ang isang tulad ko. Itong liham, katas ng aking makatang isipan at handog ng sumisilakbong puso; kung saan nakapaloob ang aking pangagamusta, saloobin, at emosyon. Ganap ko nang binubuksan upang aking maihatid at iyong mabatid ang nais iparating ng aking damdamin.
May kaunting inayos lang ako.
Diana:
Sige. Thank youuu
20:20
Diana:
Leighhhhh huhu
May ipa-check ulit ako.
Leigh:
Sige, Pres. Send lang.
Diana:
Tinatangi, ang iyong ganda'y 'sing tingkad ng bulaklak at iyong puso ay 'sing dalisay ng perlas. Ako sana ay may munting handog sa iyo, simbolo ng pagkagapos sa iyong pagkakilanlan. Ngunit 'wag kang mangamba dahil ito'y tali na sumisimbolo sa iyong pagkayumi. Ang ngalan mo'y iuukit subalit ako ay umaasang palayaw ko ang itirik.
Leigh:
Okay na po 'yan, Pres.
20:28
Diana:
Okay
Thank youuuu
Leigh:
Walang anuman po.

BINABASA MO ANG
Unloving Him ✓
Diversos#1 Having a crush on him is not a mistake. That's what Leigh told herself when, for the first time, her eyes met Neil's. So when she got the chance to talk to him, she didn't let it slip away. She was having fun talking with him-until she discovered...