"Are we free?" tanong ng isang teacher sa mga estudyante niya.
Walang makasagot sa tanong niya. Lumapit siya sa mesa niya at nagsalita uli.
"Ever since we were born, we were told to do everything we want to do. Fly like a bird is what they would say," huminto siya sa pagsasalita. Tumingin muna siya sa klase niya at nagpatuloy. "But we all know that is a false argument. Why is that?"
Napa-isip ang lahat sa kung ano ang isasagot nila. Mula sa likuran ay may tumayong isang lalaki. Gwapo ito, maayos ang pananamit at malawak ang ngiti.
"Sir, I think the answer to that question is because we have laws. Laws that stop us from doing something unethical to other people, like stealing or worse killing."
Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng classmate niya at naupo na siya sa upuan niya.
"Very good mister Gachalian. As always you are always on point." tumingin sa board yung teacher at nagsulat doon. "That's right we have laws that prevent us from achieving full freedom, but laws are designed for us to be able to live in a society that is peaceful and crime free."
Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase nila. "Okay class, for your assignment. I want you all to research about the end of life itself -- death. " sabi ng teacher habang nagliligpit ng mga gamit niya sa lamesa. "You will need to create an essay about it and present it in class." nagreklamo lahat ng estudyante niya. Ngumiti siya at lumabas na ng klase.
Nagsilabasan na rin ang mga estudyante sa loob ng room para pumunta sa susunod nilang klase.
Naglalakad sa hallway si Norman nang may isang babaeng lumapit sa kanya. Hinarap niya ito at nginitian.
"Norman, may gagawin ka ba today?" tanong nito kay Norman. Nag-isip muna si Norman bago sumagot. "Ay oo eh, sorry Denise."
Kita sa mukha ni Denise ang pagkadismaya pero nagpaalam na si Norman at tuluyan ng naglakad.
•••
Umuwi sa bahay nila si Norman. Binati niya sa pintuan yung tatay niya na naghihintay sa kanya. Nagmano siya dito at pumasok na sila sa loob.
"Anak, kamusta naman ang eskwela?" tanong nito kay Norman.
"Ayos naman po pa." sagot ni Norman at pumunta na sa kwarto niya para magbihis. Pagkatapos ay lumabas siya sa kwarto niya at pumunta sa mesa para kumain. Yung tatay niya ay makikita sa sala na nanonood ng tv.
"Magandang gabi po sa inyong lahat. Pasintabi po sa mga naghahapunan at medyo maselan po ang ating balita ngayon." sabi ng tagapagbalita. "Isang lalaki ang natagpuang puno ng saksak sa isang lote sa Hiraya. Inaalam na ngayon ng mga pulis kung ano ang motibo at kung nasaan ang murder weapon na ginamit ng suspect sa karumaldumal na krimeng ito."
Nakatutok na rin sa telebisyon si Norman. Nakuha na ng balita ang atensiyon niya.
Nang matapos kumain si Norman ay hinugasan niya ang mga pinagkainan niya at babalik na sana sa kwarto niya nang marinig niya ang pagtawag ng tatay niya.
"Norman, anak." agad niyang nilingon yung tatay niya.
"Ano po yun pa?"
"Um...gusto ko lang sabihin na mahal kita at sana mag-ingat ka sa labas, lalo na pag gabi. Alam mo namang maraming tarantado dito sa mundo." tumango si Norman bilang sagot.
"Ayoko lang na mawala ka rin sa akin, gaya ng ina mo." rinig ang lungkot sa boses ng tatay ni Norman.
Pagkatapos ay bumalik na si Norman sa kwarto niya.
•••
Kinabukasan pumasok uli sa paaralan si Norman. Nakita niya sa pintuan ng classroom nila si Denise. Mukhang inaantay siya. Nang mapansin ng dalaga si Norman ay agad itong lumapit sa kanya at binati siya.
"Magandang umaga Norman." masayang pagbati niya rito. Nginitian siya ni Norman at sabay na silang pumasok sa loob.
•••
"Death. It happens to all of us, whether you are rich or poor. Eventually everyone will face death." tinitignan ni Norman ang mga kaklse niya. "Death is unavoidable, it is inescapable, it is a force of nature, you can't control."
Kita sa mga mukha ng mga estudyante niya ang pagkamangha at pagkatakot.
"Magaling mister Gachalian." sabi ng guro at tumayo sa upuan niya. "Okay, I would give that presentation of yours a 98."
Natapos ang klase nila at nag kanya kanya na sila ng mga pinuntahan.
Hinanap ni Denise si Norman pero hindi niya ito makita. Nagtanong tanong na siya sa iba pero wala pa rin.
Pumunta siya sa room nila para kumain. Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang marinig niya ang usapan ng mga kaklase niya.
"Uy alam mo ba?" sabi ng isang lalaki.
"Ang ano?" sagot naman nung kasama niyang babae.
"May pinatay na naman daw yung killer na yun." may pananakot na sabi nung lalaki.
"Hala grabe na pala talaga." gulat na sabi ng babae.
"Oo nga eh. Mga nasa sampu na ata yung napatay nun." sabi nung lalaki.
"Hala weh. Di nga?" gulat na sabi uli ng babae.
"Oo nga. Napanood ko sa balita kagabi." sabi ng lalaki.
"Shocks naman. Parang ayoko na tuloy lumabas ng bahay." may takot sa boses nung babae.
Natapos nang kumain si Denise lumabas muna siya ng classroom nila at pumunta sa Cr. Naghilamos siya at tumingin sa salamin.
Nang bumalik siya sa classroom nila ay nandoon na yung teacher nila. Agad na umupo siya sa upuan niya at nakinig na sa lesson ng teacher nila.
YOU ARE READING
Facade
Mystery / Thriller"What if the perfect student, is also one of the worst person ever?" Norman Gachalian is the most perfect person in school. He is smart, good looking and generally a great person, but every Jekyll has a Hyde. Everyone has skeletons in their closet. ...