Chapter 3

2 0 0
                                    


"Sino ka ba?" natanong ni Henry sa sarili niya habang nakatingin sa board na may mga newspaper clippings.

Umupo siya sa upuan niya nang nakatingin pa rin sa board. Humigop siya ng kape sa baso niya at nag-isip uli.

•••

Magkaharap sina Greg at Tabo. Kumakain sila sa isang karideriya.

"Alam mo bata, dapat yung pipiliin mong mapapangasawa ay yung maganda, malinis yung mukha at yung susundin lahat ng sasabihin mo sa kanya." sabi ni Greg.

Napangiti si Tabo sa sinabi ni Greg. "Parang mas gusto ko ata ay yung may personality. Yung kaya niyang buhatin yung sarili niya ng walang tulong sa iba. Independent ba."

Tumawa si Greg sa sagot ni Tabo. "Anong gagawin mo sa babaeng ganyan. Alam mo yung mga ganyang babae ay sakit sa ulo. Dapat tayong mga lalaki ang nasusunod."

Sumubo muna ng pagkain si Tabo bago sumagot. "I beg to disagree. Mas sasakit ata yung ulo ko kung yung babaeng mamahalin ko ay di alam kung anong balak niyang gawin sa buhay."

Nagtawanan silang dalawa na natigil dahil sa balitang narinig nila sa tv.

"Isang bangkay na naman po ang natagpuang patay. At hinihinalang ang notorious na night killer ang may kagagawan nito." sabi ng tagapagbalita sa tv.

"Naku, may patay na naman. Kelan ba mahuhuli ng mga pulis yang mamamatay tao na yan?" sabi ng isang kumakain sa karideriya.

"Oo nga eh. Nakakatakot tuloy palabasin yung anak ko sa gabi." sabi pa ng isa.

"Mga walang kwenta talaga yang mga pulis eh. Binabayaran natin sila para lang magpakasasa sila sa mga bahay nilang singlaki ng mansyon." sabi pa ng isa.

Dito narindi yung tenga ni Greg. Tumayo siya sa upuan niya. Hinawakan ni Tabo yung kamay niya para pigilan ito, pero mas malakas si Greg.

Nilapitan niya yung nagsalita at agad-agarang sinuntok ito sa mukha. Nagkagulo sa karinderya.

Tumayo na rin si Tabo sa kinauupuan niya para awatin si Greg, pero di niya pa rin ito napigilan.

"Tumawag kayo ng tanod!" sigaw ng isang babae sa karinderya.

Hindi pa rin tumigil si Greg sa panggugulpi niya sa lalaki.

Di rin nagtaggal ay may dumating na galing sa baranggay at inawat na sila. Halos hindi na makilala ang mukha ng lalaki.

•••

"Ano bang scoop ngayon?" tanong ni Henry sa bantay sa police station.

"Wala pang dinidisclose sa amin." sabi ng bantay.

"Hay... Wala ka ba talagang kahit anong maibibigay sa akin?" desperadong sabi ni Henry. Umiling lang yung bantay.

Malumanay na umalis si Henry sa station at naupo muna sa isang sulok. Kumuha siya ng sigarilyo sa bulsa niya at sinindihan yun.

Hinithit niya yun at ibinuga.

FacadeWhere stories live. Discover now