Magkaharap sa sala nila si Norman at Henry.
"Didiretsohin na kita Norman. Bakit mo ginagawa yun?" nakangiting tanong ni Henry.
"Anong ginawagawa ko?" kunwaring tanong ni Norman kay Henry.
Natawa si Henry sa response na nakuha niya kay Norman.
"Wag na tayong maglokohan Norman. May backer akong nagsasabing ikaw yung pumatay sa mga taong yun." nakangiting sagot ni Henry.
Kumunot ang noo ni Norman. Naalala niya yung lalaking bumugbog sa kanya. Kumuyom yung kamay niya.
Napansin naman ito ni Henry at nagsalita uli.
"So, bakit mo nga ginagawa yung mga yun?" madiing sabi ni Henry.
"Di ko nga po alam kung ano yung mga sinasabi niyo." may inis sa boses ni Norman.
Natawa uli si Henry.
"Kung ganun pwede mo bang sabihin kung nasaan ka nung huwebes ng gabi?" nakangising sabi ni Henry.
"Nasa ba--" hindi natapos ni Norman yung sasabihin niya nang may naalala siya--si Denise.
"Nasa?" tanong ni Henry.
Hinarap ni Norman si Henry bago nagsalita.
"Nasa bahay ako ng kaklase ko. Denise Villamor ang pangalan niya. Kung gusto mo tanungin mo pa siya kung may pagdududa ka pa sa alibi ko." disedidong sabi ni Norman.
Ngumisi uli si Henry bago tumayo at umalis. Nakasalubong niya pa sa labas yung tatay ni Norman.
"Sino yun anak?" tanong ng tatay niya sa kanya.
"Wala po pa. Isang asungot lang." buong diin na sagot niya sa tatay niya.
Agad siyang pumunta sa kwarto niya at agad na kinuha yung cellphone niya at tinawagan niya si Denise.
"Hello Denise, pag may pumunta diyan na nagpapakilalang journalist sabihin mo lang sa kanya na magkasama tayong dalawa. Kahit na anong mangyari." ramdam ang kaba sa boses niya.
•••
Pumunta si Henry sa bahay nila Denise. Pinapasok siya ng nanay nito at sinabihang mag-antay sa sala.
"Um... Nay... Tanong ko lang po?"
"Hm?" maiksing sagot ng nanay ni Denise.
"May kasama po ba dito yung anak niyo kagabi?" tanong ni Henry.
"Meron, pero umalis din agad pagkatapos niyang turuan yung anak ko. Nalungkot nga yung anak ko eh. Feeling ko may crush yun doon." pilyong sabi ng nanay ni Denise.
Di kalaunan ay lumabas si Denise sa kwarto niya. Umupo sa sofa at kinausap si Henry.
"Hi Denise, didiretsohin na kita ah. Kasama mo ba si Norman nung huwebes ng gabi?" tanong ni Henry.
Tumango si Denise bago nagsalita. "Opo magkasama po kami. Gumagawa po kami ng project para sa school namin." pagsisinungaling ni Denise.
"Sure, ka diyan ah?" tanong ni Henry. Tumango lang si Denise.
"Okay. Sige, pero sabi kasi sa akin ng mama mo kanina nandito ka lang sa bahay niyo nung mga oras na yun nang mag-isa." sabi ni Henry.
Napatayo si Denise sa kinauupuan niya at harapang sinagot si Henry.
"Kasama ko nga po siya dito! Magkasama kami nun! Dito pa nga siya nakitulog sa amin eh! Kasi mag-shota kami."
Nagulat si Henry sa sinabi nito. Ngumisi siya. Nakuha na niya yung kailangan niya.
"Sige naniniwala na ako." sabi ni Henry. Napangiti naman si Denise.
"Pasensya na sa mga tanong ko ah. Alam mo naman kasi ang nangyayari ngayon. At magandang babae ka pa naman."
Namula si Denise sa sinabi ni Henry.
Nagpaalam na siya dito at sa nanay nito. Masaya siyang lumabas ng bahay nila. Ang hindi niya alam ay nasa likod lang niya si Norman.
•••
Nagising sa ring ng telepono niya si Tabo. Agad niya itong sinagot.
"Tabo pumunta ka ngayon dito sa Pinatolong street. May bangkay na naman tayo dito. At base sa id na nakuha namin sa kanya ay isa siyang journalist."
Nanigas si Tabo sa narinig niyang yun. Biglang pumasok sa kanya ang hitsura ni Henry.
"Ano pong pangalan niya?" kabadong tanong niya.
"Mickey! Ano ngang pangalan niyan?"
Sa bawat segundo ay naninikip ang dibdib ni Tabo.
"Ah, Henry Manugat raw."
Nabitiwan ni Tabo yung phone niya.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Facade
Gizem / Gerilim"What if the perfect student, is also one of the worst person ever?" Norman Gachalian is the most perfect person in school. He is smart, good looking and generally a great person, but every Jekyll has a Hyde. Everyone has skeletons in their closet. ...